Chapter 2

4263 Words
"Sorry talaga hindi ko sinasadya," unapologetic na sabi nung babaeng sumilip mula sa likuran nang nagpakilalang Rocket. Nagpeace-sign pa siya sa'kin at yung ngiti niya halatang kaplastikan! Duh? Ganoong-ganoon kasi ako kapag namamlastik 'no.  At kung di ako nagkakamali siya rin yung babae kahapon na kung makatingin ay parang gusto na akong sugurin.  "Janna, kasi ang lilikot niyo!" Napapakamot sa patilya na saway ni Rocket sa dalawang babae na patuloy sa paghaharutan, hiyang-hiya siya sa nangyari. "Sorry talaga, Miss. Naulit na naman 'yung kahapon." Nagtutulakan kasi yung dalawang babae sa likuran nung Rocket. Hindi sinasadyang naitulak siya palapit sa'kin kaya yung drinks na hawak niya'y tumapon sa uniform ko. "Sorry talaga.." inilagay niya sa harapan ang sukbit na backpack at naghalungkat doon. "I have extra shirt here—" Umiiling na inilagay ko sa unahan ang isang kamay ko, msamang nakatitig sa kaniya. Natakot kaagad siya sa'kin. Kahit gusto pa niyang mag-explain itinikom na lang niya ang bibig. "Sis, okay ka lang?" Natatarantang bulong ni Violet. "Ialis mo na lang ako dito, Vi. Baka makapatay ako ng wala sa oras," gigil na bulong ko kay Violet. Mabilis akong hinili ni Violet papunta sa girls restroom after magpaalam sa mga lalaki.  Pinagtulungan namin punasan ng wipes 'yung blue stain sa bandang dibdib ng uniform ko. Halos  makikita na ang suot kong itim na bra dahil sinubukan pa naming banlawan iyon ng tubig sa gripo, manipis lang kasi ang tela ng uniform namin. Pero ayaw talaga matanggal. Matindi ang kapit. Tulad ng sumpa sa lalaking 'yon. "Ah!" Frustrated kong na ibinato ang tissue. "Kalma, Sis! Kalma!" I pursed my lips in annoyance. "How could I?! Look what he did to my uniform! Not once! but twice! Twice na ito, Vi! Bwiset na lalaki 'yon!" "OA ka!" Hinampas ako ni Violet sa braso. "Hindi naman sinasadya nung tao!"  "Hindi?!" I exclaimed. "Ang sabihin mo may nakadikit na malas sa lalaking 'yon! Paano ako lalabas nito? Wala akong dalang pamalit! Nakakainis!" Inis na naghalungkat ako sa loob ng bag. But I gave up! Alam ko naman wala akong dalang extra shirt. Nagdadala lang kasi ako ng pamalit na damit kapag P.E or may naka-planong gala. And today was not planned! Wala akong choice kundi magpabili ng damit kay Violet. Dala ko naman ang ATM ko. Huminga ako ng malalim bago sumusukong napasandal sa gilid ng sink, minasahe ang pagitan ng mata ko, to calm myself down. before I took out my wallet inside my bag. "Vi, ibili mo na lang ako ng damit sa forever 21—" "Violet?" Nagkatinginan kami bago sabay na napalingon sa pintuan ng restroom. May nakaharang na divider kaya 'di namin nakikiya kung sino 'yon. "Sino 'yun?" Nagtatakang tanong ni Violet. "Malay ko." "Si Mark 'to," anang boses lalaki sa labas. "Labas ka muna saglit diyan kung pwede?" Tinanguhan ko si Violet. Hindi nagtagal, pagbalik niya ay may dala ng shirt na kulay blue. "Oh, hiramin mo daw muna, pinapabigay ni Rocket." Ibinigay niya yun sa'kin. "Huh?" Kunot ang noong niladlad ko ang damit. It was an engineering shirt na may nakasulat na surname sa likod. Montero. Umarko ang kilay ko.  As if naman gagamit ako ng damit na galing sa stranger. Mamaya may putok pa 'yon at mahawa ako! Ibinalik ko ang tshirt sa kaniya. "Ayoko." Umiiling kong sinabi. "Ang baho niyan. Ibalik mo 'yan dun." Nagsalubong ang kilay ni Violet sabay inamoy ang damit. "Mabango naman, ah!" Inulit niya pang amuyin sa bandang kili-kili. "Tangina! Ang bango-bango, e! Ang arte mo! Isuot mo na 'yan!" Tinamaan ako sa mukha ng tshirt na ibinato niya. "Ayoko nga! Ibili mo na lang ako ng— hoy! Saan ka pupunta!" "Bahala ka diyan!" She yelled, walking towards the door. Naiwanan akong nagngingitngit sa inis. Nakakapagsising sinamahan ko pa ang bruhang 'yon! Inirapan ko ang nagsidatingan na Tourism student from San Beda nang pagmasdan nila ako sabay padabog na dinampot ang bag ko sa counter at pumasok na ako sa vacant cubicle. Kahit malaki ang shirt na pinahiram ni Rocket, isinuot ko pa rin 'yon. As if my choice ako. Inipit ko na lang sa skirt ko at tinupi ng 1 inch sa magkabilang manggas. Nag-apply rin ako ng liptint sa cheek at sa lips saka itinali ang kulot kong buhok bago lumabas ng restroom. Inaasahan kong si Violet ang sasalubong sa'kin. Pero si Rocket ang naroon. Nakasandal siya sa gilid ng hallway. Nakapamulsa ang dalawang kamay, kagat ang gilid ng ibabang labi habang nakatingala sa ceiling, parang may iniisip. Nakonsensya yata? Nakatagilid siya sa'kin kaya malaya kong napagmasdan ang side features niya. I noticed he has a firm jawline structure, a little bit of patchy stubble on it that made him looked so manly. He has a fine nose too and high cheekbone like those hottie models in front of magazines. His hair was in a buzz cut fade. Got also an earring on his left ear, well built body like an athlete and sun-kissed skin.  But my eyes glued on his adam's apple, that everytime it moved, my gaze follows. Huli na para mabawi ko pa ang aking tingin. He caught me staring at him. Kaagad siyang tumuwid ng tayo pagkakita sa'kin. Sobrang tangkad niya. What he is? A six footer? Hanggang dibdib niya lang ata ako. Take note I'm wearing heels. "Bagay sa'yo yung shirt ko," nakangiting komento niya na sumabay sa paglalakad ko. I looked away, "Tss! Bagay mo mukha mo! Huwag mo akong utuin! Kasalanan mo naman bakit may stain ng uniform ko!" Dumidistansya kong asik. Sa sobrang lapit kasi niya sa'kin. Amoy na amoy ko na 'yung pabango niya. Tumatawang humarang siya sa dadaanan ko. Kagat ang gilid ng ibabang labi, pinipigilan mangiti. "Ang sungit. Hindi ko naman sinasadya. Sorry na, Biyernes." Namula ang mukha ko sa inis. May nakakatawa ba sa itsura ko? Pinagtitripan ba ko nito? At anong itinawag niya sa'kin? Biyernes?! Naniningkit ang mga matang nilampasan ko siya at binangga sa balikat. Sumunod siya sa'kin. Limang hakbang ko dalawang lang yata sa kaniya. Ganun siya katangkad. "Friday, Sis!" Natanaw kong kumakamay si Violet sa isang bahagi nang foodcourt. Nagpunta ako roon kasunod si Rocket. May iba pang nasa table. Apat na lalaki at dalawang babae. Isa doon 'yung tinawag na Janna. Lahat sila pare-parehas ng uniform. May print ang ID lace ng Engineering student. "Bat ganyan mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Violet. I did not answer her.  Nakasimangot na humalumbaba ako pag-upo sa tabi niya. Nagawa pa talagang magtanong ng bruha! Kung hindi niya ko sinama rito, sana di ako na-stress ng ganito. Malamang naglalaro lang ako ng PS4 sa bahay! Umupo sa harapan kong silya si Rocket. Nanadya talaga. Hindi ko siya pinansin. I pretended that he wasn't there. "So, ano plano niyo? Kain o nood sine?" Tanong nung isang lalaking long hair. "Pucha! Mga pre, may sarili yatang lakad si Mark!" Pang-aasar pa nung isang tumayo. "Gago!" Naiiling na sabi ni Mark saka binalingan at inabakyan si Violet. "Si Violet nga pala." "Hi!" Maarteng bati ni Violet. Inipit pa sa likod ng tainga ang buhok. "Hello, Violet!" Chorus na sabi ng mga lalaki. Mga nagtutulakan sino unang makikipag-shake hands. Umikot ang eyeballs ko at nagpalobo ng pisngi saka bumuga ng hangin. Ang ingay nila parang mga tanga. Napapatingin tuloy 'yung mga kumakain sa kabilang table. Napabaling ako sa harapan ko nang marinig kong may tumawa. Si Rocket. Nakahalumbaba rin siya, with amuse look on his face.  Ako ba pinagtatawanan nito? Pero hindi naman siya nakatingin sa'kin? Hindi ko na lang siya pinansin. Hinigit sa manggas si Violet. "Uwi na ako!" Lumingon siya sa'kin. "Mamaya na! Sabay na tayo. Ang KJ nito!" Tinitigan ko siya ng masama, napupuno na ako. Sinamahan ko na nga siya. Gusto pa ako gawing thirdwheel! "Letse naman, Violet! Ayokong mag-third wheel sa inyo niyang kalandian mo! Uuwi na ko bahala ka diyan!" Dinampot ko ang bag ko sabay walk out. Dumiretso ako sa escalator kahit naririnig kong tinatawag ako ni Violet. Bahala siya diyan. I'm done! Bumaba ako sa 2nd floor. Nakarating na ako sa door 3, doon ko lang naalala na hindi nga pala ako marunong mag-commute! Napasampal ako sa noo ko bago kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag. Friday : I forgot. I didn't how to ride a jeep! Violet : Ayan, katangahan kasi pinapairal. HAHAHA! Friday : Letse! Puntahan mo ako dito sa National Book Store! Violet : Wait! Susunduin ka raw ni Rocket diyan. Yiiiieee! Kilig pepe! What the f**k! Hindi naman ako maliligaw dito sa mall! At anong pinagsasabi ng bruhang 'to na kinikilig ako! Mabilis akong nag-type sa sobrang inis. Friday: duh?! Hindi naman ako maliligaw dito sa mall. Wag mo akong papasundo diyan. Utang na loob! Violet: hah! He's on the way na, Sis! xD Shit! Agad akong umalis sa kinatatayuan ko. Lumabas ako sa door 3 at tumambay na lang sa gilid kung saan may mga shopper rin ang naghihintay sa grab nila or taxi.  I immediately messaged Kuya June. Alam ko magtatanong siya bakit ako sa mall magpapasundo. Mamaya ko na iisipin ang palusot. Now, I need get out of this place! Friday: Kuya June, can you pick me up here at the mall? Sabi ni Kuya August sa'yo raw ako magpasundo. I dunno how to ride a Jeep. T_T June: Okay. Hintayin mo ako sa main entrance. Nagmamadali akong pumasok ulit sa mall at umikot sa kabilang side. Thirty minutes rin ako naghintay bago ko natanaw ang red honda civic ng kuya ko na pumarada sa gilid malapit sa entrance. "Bakit dito ka nagpasundo?" Binalingan niya ako at kunot noong pinagmasdan ang suot ko. Sa backseat nga ako umupo sa para di niya mapansin ang suot ko. But he noticed! "At kanino 'yang suot mong damit?" I sighed, massaging the bridge of my nose. s**t! Wala akong maisip na palusot! . . Pagdating sa bahay sinabon ako ng sermon ng mga kuya ko at ni Tita Nicole. Lalo nang makita nila ang suot kong tshirt. Syempre alam nilang hindi sa'kin 'yon! Nagsusumigaw ba naman ang capital letters na engineering department at MONTERO sa likod!  "Friday! Saan ka pupunta?! Bumaba ka nga rito!" Sigaw ni Tita Nicole sa baba ng hagdanan. "I'm tired!" I yelled, entering my room. Gosh! Hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon! Kung makapag-react sila parang isinuko ko na ang virginity ko! Kainis! Binuksan ko ang aircon bago ako pumasok sa shower at naligo. I did my skin care night routine and wore a pair of satin pajama before going onto my bed. My room isn't big or small. Sakto lang para sa double bed na nakapwesto sa center. May study table sa tabi ng bintana at vanity dresser sa tabi ng bed. Walang walk in closet but I have this huge built in cabinet, kasya na roon ang lahat ng gamit ko like clothes and few pieces of designer bags na regalo sa'kin ni Mama at Tita Nicole. Ang sarap rin namang maging unica hija kasi lahat ng atensyon na sa'kin. Except lang sa pagiging over protective nila. And also I have full sized mirror na nadikit sa pader. Doon ako nagtitiktok at nagpipicture ng mga OOTD na ipinopost ko si IG.  Speaking of social media... dumapa ako sa kama. I opened my chat box. I pouted. Mga bwiset ako na pala ang topic sa GC. Violet: talkshit 'yang si Biyernes! Iniwan ako sa mall! Genesis: HAHAHA! Gaga ka, baka kasi ginawa mong thirdwheel! Violet : LT lang natapunan na naman siya kanina ng drinks! Malas talaga ng babaeng 'yon! Kahit hindi friday the 13th! xD Mabilis akong nagtype. Friday: Hello! Mga backstabber! Genesis: Chillax! Violet: ayan na po ang toxic na Kilig pepe! Yiiieeeee! Jane : Seen Friday: Shut up, f**k you b***h! Violet: hahahaha! Pikon ka, ghorl?! Balik mo raw kay Rocket 'yung tshirt niya. Jane: Sent a GIF Genesis: Ohlalala... who's that Rocket? He has a nice name, huh. Violet: friend ni Mark! Ang gwapo nun, oy! Tangina kung alam ko lang siya na lang nilandi ko! Basketball player rin, e! Natapunan niya si Friday ng drinks kanina kaya pinahiram yung extra shirt niya. LOL. Yung isa diyan nagmega evolution agad, na akala mo menapause na! Jane: Sent Sticker. No wonder kaya pala sobrang tangkad niya. Basketplayer pala. Naku, sure ako heartbreaker 'yon! Genesis: Yiiiieeee! Hala, magkakajowa na yata si bebe gurl! Violet: wow, daks yun! Sigurado ako! Friday: Ewan ko sa inyo! Ikaw na lang magsauli nung shirt, Vi! Kita tayo bukas sa Tapat ng University. Violet: Bahala ka diyan! Ikaw ang nanghiram, e! Magkikita kami ni Mark bukas sumama ka sa'kin, ikaw ang magbigay niyan. Friday: Ayoko. Bahala ka! Violet: Seen Padabog na ipinatong ko ang cellphone sa side table saka inis na nagtaklob ng unan. . . I chose to wear a ringer tee from forever 21 partnered with white high waisted shorts and a pair of red high cut chucktaylor. Hindi na ako nag-blow dry ng buhok. I just spray a little bit of mousse. Para hindi siya masyadong magbuhaghag mamaya. I was applying liptint when Violet called. Itinabi ko na 'yon sa vanity dresser bago dinampot ang cellphone. "Hello?" "Saan ka na? Kanina pa ako dito! Ang init-init! Yung make-up ko hulas na!" Iritadong bungad ni Violet. Wala akong choice kundi sumama sa bruhang ito para isauli ang tshirt na sinuot ko kahapon. Kahit kasi anong pilit ko sa kaniya na siya na ang magsauli— ayaw niya talaga pumayag! "Malapit na ako." "Ulol mo! Naliligo ka palang 'no!" Mapilit siya na isama ako, ah! Pwes, maghintay siya doon. Alam naman niyang filipino time ako kung dumating. "Sige na babye na! Tumawa ako ng malakas at pinatayan na siya ng cellphone. Bahala ka diyan! Pagbaba ko sa salas, si Kuya June na lang ang naabutan ko doon. Tulog na siguro si Kuya August pang-gabi kasi siya, eh. Si Tita Nicole ang alam ko she's going to attend a seminar. Lihim akong ngumisi nang mapansin kong bihis na bihis rin si Kuya June. Tuwing sabado umaalis talaga siya ng ganitong oras para puntahan - 'yung jowa niyang 'di ako boto. "Oy, saan ang punta mo?" Tumingin siya sa'kin habang nagsisintas ng sapatos. I gave my sweetest smile. "I'm going to Genesis af sasabay ako sa'yo." Dinampot niya ang shades sa center table at sinuot 'yon bago uli lumingon sa'kin. I'm still smiling sweetly, hands on my back and patiently waiting for him. "Genesis... baka makikipagkita ka lang sa boyfriend mo." I pouted and crossed my arms over my chest. "Wala naman akong boyfriend! Swear!" "Siguraduhin mo lang. Kundi isusumbong talaga kita kay Mama at Papa!" Pananakot niya. Bubulong-bulong na sumunod ako sa kaniya palabas ng garahe. "Lampas 18 na ako bawal pa rin. Bat kaya sila ni Kuya August pwede..." "Hoy, bata ka pa! Kahit 18 kana! Hindi mo alam paano mga-isip ang mga lalaki. Tumigil ka diyan." Nakasimangot na umupo ako sa tabi niya sa front seat. Isang taon lang naman ang tanda niya sa'kin  pero OA pa kina Mama at Papa kung pangaralan ako. He's taking up Aviation the same university I was studying. Bantay sarado tuloy ako. Wala pa rin naman talaga akong balak mag-boyfriend pero nakakainis lang na kahit mga groupmates kong lalaki— tinatakot niya. Nakakahiyang, nakakainis! "Tawagan mo ako kung magpapasundo ka." "Okay!" Bumaba ako ng sasakyan at isinarado ang pintuan. "Bye ingat!" Nang masiguro kong malayo na ang sasakyan ni Kuya, naaglakad ako papunta sa University. Natanawan ko roon si Violet sa waiting shed. She's wearing a white ribbed tee partnered with mom jeans at puting converse na lowcut. Busy siya sa pagdutdot sa cellphone niya kaya di ako napapansin. "Hoy!" Hinawakan ko siya sa balikat. "Tangina mo!" Gulat na napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. "Gaga ka!" Tumatawang iniabot ko sa kaniya ang plastic na dala ko. "Ano? Ikaw na lang magsoli nitong damit?" "f**k you. Tara na nga!" Inirapan niya ako sabay hinila papunta sa overpass.  Saturday walang pasok ang middle and high school kaya maluwag ang daloy ng sasakyan. Ang isang oras na biyahe papuntang mall, thirty minutes lang narating namin. We are on our way to the foodcourt when saw Mark with his friends Rocket and Janna. Hindi mahirap na 'di sila mapansin ang tatangkad ba naman. Napapatingin nga yung mga nakakasalubong nila. "Babe," humalik si Mark sa pisngi ni Violet. He's wearing a black V neck shirt paired with gray sweat pants and white sneakers. Wow! May endearment na sila... Baka may label na? "Sorry, babe... late kami ang tagal nitong si Friday, e." Gumanti ng halik si Violet. I looked away. Bat kasi sa lips pa dapat humalik? Eh, sa pisngi lang naman siya hinalikan! "Saan kayo?" Baling ni Mark  kay Rocket at Janna. Nakaakbay siya kay Violet. Nagkibit balikat si Rocket, nakapamulsa ang mga kamay "Mag-iikot ikot muna siguro. Boring sa bahay walang tao." "Nood na lang tayo sine!" Singit ni Janna, he was tugging on his sleeves. "Last week pa kita niyaya, e!" "Ah, sige," Rocket answered scratching his head a little. "Yehey!" Tumatalon-talon si Janna, sayang-saya na parang napansin ng matagal na niyang crush. "Arcade pala muna tayo! Please? Please? Please?" Umirap ako at binuksan ang bag ko. Obvious masyado ang pagpapa-cute. Kairita. Kinuha ko ang pink plastic bag kung saan nakalagay ang hiniram kong shirt kahapon. Ito lang naman ang ipinunta ko dito. "Oh," hinampas ko yun sa tiyan ni Rocket. He dramatically touched his stomach. "Aray! Yung abs ko!" Then his brow furrowed when he noticed the plastic bag. "Pink na pink naman 'to! Wala bang orange para aesthetic?" "Wala akong mahanap na lalagyan!" Irap ko sa kaniya saka binalingan si Violet. "Vi, una na ako." Kumapit sa braso ko si Violet. "Mamaya ka na umuwi. KJ nito... Sabay na tayo." "Oo nga... walang KJ!" Pakikisang-ayon ni Rocket, ngising nakakaloko habang nakatingin sa'kin. Inirapan ko si Rocket. Ang epal naman! FC! "I've done my part here saka may pupuntahan pa ako." "Sabi mo wala kang lakad na iba? Wag ka ngang mema diyan." Binalingan ni Violet ang tatlo. "Lunch muna kaya tayo? Nagiging grumpy na si Friday. Mamaya mangangagat na 'to!" Namula ang mukha ko sa inis pero hindi na ako makapag-protesta dahil lahat sila mukha ngang gutom na talaga, past 2PM na rin kasi. Nagyaya na pati si Mark na sinang-ayunan ni Rocket "Tara lunch." "Yown! Kanina pa ako nagugutom." "Wag ka na mag-inarte! Tara na!" Bulong sa'kin ni Violet sabay hila sa braso ko. Puno ang tao sa Mang Inasal kaya lumipat kami sa KFC. Mark and Rocket ordered our foods. Naghanap naman kami ng pwesto kasama si Janna. Sa pinakadulo malapit sa may aircon kami umupo. Madaldal si Janna ang dami niyang sinasabi puro KPOP, hindi naman kami mahilig doon. Pero dahil kaibigan ng ka-MU ni Violet, pinagtyagaan niyang kausapin ang babae. Habang ako busy sa pag-scroll sa cellphone ko. Hindi ko siya kayang plastikin dahil napaplastikan ako sa kaniya. Halatang pinapa-arte ang pagsasalita. Sarap ingudngod sa platong puno ng gravy. "OMG, they're here na! Boys, over here!" Kinawayan ni Janna sina Rocket at Mark na may bitbit na tray ng pagkain Agad akong umatras sa kinauupuan ko habang nilalapag nila ang pagkain sa mesa, natatakot nang mamaya gravy naman ang tumapon sa damit ko. "Takot na takot?" Komento ni Rocket nang mapansin niya ang ginawa ko. Inirapan ko siya at inilabas ang wallet sa loob ng bag. "Ito bayad ko." Umiling siya at ibinabalik sa'kin yung 150 na inilapag ko sa mesa. "Huwag na. Libre ko na." Umarko ang isang kilay ko. "Hindi ako nagpapalibre sa hindi ko kilala," mataray kong sabi. "Okay. Di rin naman ako mapilit," nakangiting kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Nagtataka akong pinanood siya na parang may kung anong tina-type doon. Mayamaya inilabas ang wallet bulsan niya. Nangunot ang noo ko nang magbilang siya ng tag twenty five, ten at five scents sa harapan ko. Seryoso? Anong trip ng lalaking 'to? I stopped him. "Para saan 'yan?" "Sukli mo," he said casually. I rolled my eyes. "Keep the change." "Hindi. Hindi. Ayaw mo magpalibre, eh. Ayaw ko naman na 'di ibalik 'tong sukli mo," nagbilang siya ulit. Inis na inis ako kasi napuno ng tag-25 centavos at singkong duling ang wallet ko. Ngising-ngising ang walanghiya. "Gago ka, Rocket. Mainis 'yan sa'yo sapakin ka na lang," tumatawang sabi Mark na nakaupo na sa tabi ni Violet. "Hindi yan. Diba tropa tayo? Diba?" Umaangat-umangat pa ang kilay niya sa'kin, nang-iinis. I glared at him. "Bwiset!" . . After we ate Mark invited us to watch a movie. I felt like he was just being polite to include us. Obvious naman kasi na gusto na niya masolo si Violet. Same goes with Violet na panay ang pisil pa sa braso ni Mark. So, I decided to go for a window shopping. I just didn’t expect Rocket and Janna would follow me. Pasimple akong sumulyap sa likuran at nakita kong hinihila ni Janna si Rocket sa braso papunta sa ibang direksyon. Umiling lang si Rocket. Humalukipkip naman si Janna na nakasimangot. Anong trip ng dalawa 'yon? Eh, kanina lang naririnig ko mag-si-sine rin sila? Ngayon parang may LQ pa ata. Naiiling na nag-iwas ako ng tingin at pumasok sa Forever 21. Pakialam ko ba sa kanila. Basta ako magshoshopping! Last shopping ko, 2 months ago pa! Ang dami ng bagong display sa manniquenns! "Ma'am, wala na pong small nito, eh" imporma sa'kin ng sales lady after kong humingi ng size nung mom jeans na napili ko. "Old collection na po kasi ito. Doon sa bandang unahan po ang mga bagong collection." Nanghinayang ako. Ang ganda pa naman nun. But it's okay ang dami pa namang magaganda akong nakita. "Oh, Okay. Titingin muna ako. I'll call you when I need something." Tumalikod na ako at pumunta sa hilera ng mga ripped jeans. I was busy checking the clothes one by one when someone tapped my shoulder.  Si Rocket. Ang tangkad niya talaga, lalo akong nanliliit sa tabi niya. "Bakit?" I asked. My brow furrowed. "Hatid ko lang si Janna sa may grocery." Turo nito sa babaeng naka-halukipkip sa may entrance ng store. Nakasimangot pa rin. "Tumawag Mama niya, e." Pabalewalang nagkibit ako ng balikat. Ano bang pakialam ko sa Janna na 'yon. Anong pakialam ko sa kanilang dalawa? Bakit pa siya nagpapaalam? "Balik rin ako agad. Wait lang," paalam nito saka pinuntahan si Janna. Pinagpatuloy ko naman ang pagtingin-tingin sa mga damit. Nakapili na ako ng isang dress, tank top, mom jeans at may nakita pa akong cute na highwaist shorts. Kinuha ko 'yon. I was looking at the price when someone tapped my shoulder again. "Hoy!" "Ay p**e— siraulo ka, ah!" hinampas ko ang hawak kong shorts kay Rocket. "Anong trip mo! Bwisit ka!" "Sorry na," tumatawang umiwas siya. "Naihatid ko na si Janna. Di ka pa tapos mag-shopping?" Iniirapan na tumalikod uli ako sa kaniya at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang shorts na hawak ko. "Ah! I can't choose which one!" Rocket leaned a little closer. Naramdaman ko ang bahagyang pagdikit ng braso niya sa balikat ko. Tiningala ko siya. His hand was on his chin, staring at the shorts I was holding. "'Yan mas maganda. Ayoko niyang isa masyadong maikli." Tinuro niya yung hawak ko sa kaliwa. Pumihit ako paharap sa kaniya, nakataas ang isang kilay. "May sizes naman 'yan saka hindi naman ikaw ang magsusuot," ismid ko bago lumakad papunta sa kabilang aisle para hanapan ng top 'yung shorts na pinili niya. "Oo nga. Masyadong maikli para sa'yo." He nodded. Nakasunod sa likuran ko. Sinulyapan ko siya sa salamin. He's really tall. Agaw pansin siya. Nakikita kong karamihan ng mga babaeng pumapasok, sa entrance pa lang hinahabol siya ng tingin. I noticed he was wearing a white sweater paired with ripped jeans. And... "Uy, parehas pala tayo ng shoes." Itinaas nito ang paa na nakasuot rin ng pulang high cut chucktaylor. "Meant to be!" Inirapan ko siya at lumipat sa kabilang aisle. Kahit saan ako magpunta para siya batang mawawala na nakasunod sa'kin. "Aso ka ba?" Hindi ko napigilang sabihin. "Oh, bakit?" Nakangising balik tanong niya. He was leaning against the wall facing me, umayos siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. I rolled my eyes. "Buntot ka kasi ng buntot sa'kin." Tumawa siya sa sinabi ko. "Galit ka sa cute?" "Huh?" Ayoko nga siyang tanungin kung bakit. Pero sinagot pa rin niya ang sariling tanong. "Wag ganun, ayoko ng away!" Tumawa siya sa sarili niyang joke. I shooked my head. "Lakas ng tama mo." Tatalikuran ko na sana siya, nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako parahap sa kaniya. "Oh, sige, sige ito..." he didn't let go of my hands, instead he held the other one. "Goat ka ba?" Umiirap na bumuntong hininga ako, napipilitan siyang pagbigyan. "Oh, bakit?" "Meeeeh! gusto na yata ako sa'yo." He laughed again at his own joke. Sobrang corny! But his laughed was really contagious! I bit the insides of my cheek to contain a smile. "Luh, kinikilig siya sa'kin, e!" He teased, pointing at my face. "Kapal mo!" Binawi ko ang aking kamay at marahan siyang hinampas sa dibdib saka tumalikod. I was about to go to the counter when I felt him behind my back. Sobrang dikit niya sa'kin! Manyakis ata 'to, eh! "Bastos ka! Anong—" I stopped when he whispered something to me. "Wait. May tagos ka!" Mabilis akong lumingon sa pwetan ko. Kasabay ng paglaki ng aking mata ay inis akong bumuntong hininga. Shit! Meron nga! Nakaputi pa naman ako ngayon! Gosh! Puro kamalasan talaga ang dulot ng lalaking 'to sa'kin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD