Chapter 1

3398 Words
MALALAKI at mabibilis ang bawat hakbang ko. Tumutunog ang stelletos sa tuwing tatapak ang aking paa sa sahig. Ang init! Pinunasan ko ang pawis sa'king noo gamit ang sleeves ng uniform ko. Summer na naman and I'm walking here at the long hallway called U Lane. Ito ang main entrance at exit ng University of Perpetual Help where I was studying BSHRM at kausap ko sa phone si Tita Nicole na isang resident pediatrician sa Perpetual Hospital dahil pinapunta niya ako doon. Katabi lang naman 'yon ng university kaya di hassle para sa'kin. Ibibigay kasi ni Tita ang susi ng bahay dahil gagabihin raw siya ng uwi. "Yes. I'm on my way, Tita Nicole. Hindi na. Malapit na ako. Don't bother. Okay. Bye. See you later!" Umiirap na inipit ko sa side pocket ng backpack ang cellphone. Maikli ang pasensya ko sa makukulit kasing ikli ng height kong 5 feet and two inches. Mabilis akong mairita sa mga taong hindi kaagad makuha ang gusto kong sabihin. Like.. ang slow nila pumick-up! "Friday, uwi ka na?" Nagsasalubong ang kilay na nilingon ko ang aking gilid upang makita ang isang blockmates ko. He was smiling from ear to ear habang nakahawak sa strap ng backpack nitong itim. And the nerve of this guy, para sumabay sa'kin. I don't even know his name! Basta ang tawag sa kaniya sa classroom ay Ed Calauag. Sino ba 'yon? Tiningan ko siya mula ulo hanggang paa para ma-intimitate at huminto na sa pag-sabay. Pero hindi man lang siya natinag. Lumapit pa ng kaunti. Di nawawala ang ngiti sa labi. "Hatid na kita? Saan ba ang bahay mo?" Sabay tinataas-taas ang mga kilay. "Ew.." maarteng sabi ko at nandidiring lumayo. "Kilabutan ka nga!" "Ang sungit naman nito, akala mo kagandahan." "Anong sinabi mo?" Tinaasan ko siya ng kilay at handa ng hablutin ang bag niya ng kumaripas ng takbo ang bwiset! Sinundan ko na lang siya ng naniningkit na tingin. Ang bwiset, nagawa pang lumingon sabay ngumisi pa sa'kin saka tumakbo uli. Why do people are get dumber and anniyong everyday? Bakit kasi nagtatanong pa ng obvious naman g sagot? Naiiling na naglakad na ako uli ako, nanunulis pa rin ang nguso sa inis. I was near the entrance when I felt my phone vibrating again. Abala ako sa paghahanap ng cellphone sa loob ng bag— not paying attention to my environment kaya naman natigilan ako nang marinig ko malakas na "Ay!!" Followed by "OMG!" ng mga tao. Kumunot ang noo ko nang makaramdam ng something na malamig at malapot sa itutok ng buhok ko. Nagkanduling ang mga mata ko ng sundan ang pagtulo ng liquid na kulay brown sa noo ko pababa sa aking nose bridge. Ano 'to? I wondered. I touched and smelled it. Sauce ba 'to ng fish ball?! "Hala, Miss! Sorry!" Gulat na sabi ng isang lalaki. Gigil na nagpakawala ng malakas na hangin sa ilong ko at halos mawala ang aking mata sa sobrang paniningkit dahil sa galit. "You!" I yelled and pointed at tall guy in front of me. "Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo. Tingnan mo ginawa mo sa'kin! Tingnan mo! My gosh!" Sabay pinagpag ang sauce sa buhok ko. Gusto kong sumigaw at umiyak sa inis. Ang lagkit ng buhok ko! Pati sa uniform meron na rin fish ball sauce. s**t! Patay ako nito kay Tita Nicole! Ang bahooooo pa ng suka! This dumb guy! "Hindi ko naman sinasadya. Ikaw kaya 'tong hindi tumitingin sa dinadaan mo." The guy scratched his head, looking guilty. "Ako? You probably saw me getting my phone inside my bag! Dapat umiwas ka na! Alam mong busy yung tao!" "I was talking with my friends too, kaya hindi kita napansin. Sorry na, Miss." Nakangiwing lumingon ito sa dalawang lalaki at isang babae sa likuran nito. "Sorry... sorry..." sarkastikong bulong ko. Ano pang magagawa ng sorry niya kung nangyari na. Pinapagpag ko ang sauce sa'king damit nang sumabat ang isang babae. "Hindi mo naman pag-aari ang daan kung umasta ka diyan akala mo kung sino—" "Tanga, Janna! Okay lang," Pigil nung lalaking nakatapon ng sauce sa'kin doon sa babaeng katabi niya. "Pasensya na talaga. Ito oh, gamitin mo muna. Pasensya na talaga." Sinamaan ko ng tingin ang tinawag na Janna. Nanunulis pa yung nguso niya. Mukha siyang susò Anong problema niya? Siya pa ang galit na galit sa'kin. Duh?! Hindi naman siya ang natapunan ng fishball sauce! "No thanks!" Mataray na sabi ko sabay hawi sa panyong iniaabot nung lalaki saka ako nag-walk out. Siniguro kong binangga ang balikat niya. The damaged has been done! Maglalakad tuloy akong hinahabol ng mga langaw. Kainis! Pasamalat na lang lalaking 'yon at nagmamadali ako ngayon. Kailangan ko kasing maabutan si Tita Nicole sa hospital. Hindi na ako lumingon pa kahit naririnig kong tinatawag ako nung lalaki. Wag na. Masapak ko lang siya kapag nagtagal pa ako roon. Nakarating na ako sa driveway ng hospital nang tumawag naman si Genesis. "Hello, Gene. Dadaanan ko muna sa hospital si Tita Nicole. And guess what?! May nangyaring disaster." I rolled my eyes when I remember the guy I encountered. Tumawa si Genesis na lalo kong kinasimangot. "Later na lang ang chika, Sis. Naglalakad na ako sa labas ng university. See you!" Naghihintay na si Tita Nicole sa lobby ng hospital pagdating ko doon. It was 6PM already. Ang dami niyang habilin sa'kin bago ako paalisin. May pagka-strict kasi ang Tita ko dahil sa kaniya kami iniwan nina Mama at Papa na nagpunta ng US. She's a spinster too, old school and hot headed. Tapos nag-iisa rin akong babae saming tatlong magkakapatid. "Hoy, Friday! Kapag ikaw nalaman ko na may boyfriend na 'di mo sinasabi sa'kin, kakalbuhin ko talaga 'yang buhok mo sa ibaba!" Kung magsalita si Tita Nicole parang hindi doctor. "Wala pa 'yan sa isip ko, Tita. " Lumabi ako habang kinukuha ang susi sa kamay niya. "Pinapa-alalahanan lang kita. Mga kabataan ngayon, nakakakilabot ang mga pinag-gagawa! Puro t****k at twitter— teka nga.." tumigil siya sa panenermon para sipatin ang uniform ko. "Ano ba 'yang nangyari sa damit mo?" Susubukan ko sanang takpan ng bag ko pero pinalo ni tita ang braso ko. "Aray ko naman, Tita Nicole," nakangusong reklamo ko. Di naman talaga masakit. Maarte lang talaga ko. "Sauce ba yan ng fishball? Sinabi ko na sa'yo diba huwag ka magkakakain ng street foods!" "It was an accident, Tita!" Mabilis kong paliwanag ko. "I stopped eating street foods, okay? May nakabangga lang sa'kin sa U lane. Natapunan ako ng sauce nung kinakain niya." That was a lie of course! Ang sarap kaya ng bopis! Thanks to my friend Violet na nagturo sa'kin kumain ng street foods. "Hay, naku, Friday! Sinasabi ko sayo marami kang sakit diyan," balik siya sa panenermon sa'kin habang kinukuha ang susi sa loob ng bag. "I-lock mo ang gate pag-uwi mo. Si Kuya August mo may meeting mamaya kaya late nang makakauwi, ganoon rin ang Kuya June mo na may group meeting." "Okay." I said like a kid, getting the key to her. "Mag-isa ka lang sa bahay. Lock the gate and the door." "Ta, pupunta ako sa condo ni Genesis, remember?" "Ah, yes. I forgot. I-text mo ako kung hanggang anong oras ka doon. So, I could pick you up after the dinner." "I gotta go, Tita." Tumango lang si Tita Nicole. I kissed her on the cheek before leaving. Walking distance lang ang condo ni Genesis sa hospital at sa university. Ang swerte niya kasi she's living on her own. Genesis was the matured and independent in our group. She's like the big sister. Mayaman rin ang parents ni Gene, parehas na businessman. Pero kahit kailan hindi siya lumaking spoiled brat at ma-attitude. She's very down to earth. "Pahina nga ng stove, Friday! Thank you!" Utos ni Gene pagkabukas sa pintuan at nagmamadaling bumalik sa kwarto. Umiirap na hininaan ko naman ang stove na may nakasalang na sauce ng spaghetti. Sa table nakalagay na ang pasta sa malaking plate. "Pupunta ba sina Vi at Jane?" Pabagsak akong umupo sa couch habang inilalabas ang pamalit kong damit. Nakasanayan at natutunan ko nang magdala ng extra at underwear dahil kay Mama. Meron siyang nilalagay na emergency kit sa bag ko. Naroon na ang lahat ng kailangan ko. From extra shirt to extra food. "Yup! On the way na raw sila!" Dinig kong sigaw ni Genesis mula sa loob ng kwarto. Spacious ang condo ni Genesis with two bedrooms, one bathroom and balcony. The walls were painted with white. Fully furnished and airconditioned at magaganda rin amenities na madalas namin gamitin kapag nag-oovernight kami rito. Kumunot ang noo ko nang marinig na nag-iba ang tono ng boses ni Genesis. Humina at tila nag-aalangan. Medyo naka-awang kasi ang pintuan ng kwarto kung nasaan siya't may kausap over the phone. I told you.. My friends are here. Y-You can't come over tonight..." sumilip si Genesis mula sa kwarto nito na nasa tainga pa ang cellphone. She smiled at me before closing the door. Nagkibit na lang ako ng balikat at tumayo na para pagbuksan ang nagdodoorbell. "What happened to your uniform?" Bungad ni Violet kasama si Jane. "I had an accident," nakasimangot kong sagot habang nakasunod sa kanila sa dining table. Inilapag ni Violet ang bitbit na paperbags at si Jane naman ay busy sa pagdutdot sa cellphone na naupo sa couch. Mukhang umuwi muna sila ng bahay bago dumiretso dito sa condo. Nakasuot na kasi Violet ng tank top na itim na pinartneran ng maong high waisted shorts at havainas slipper. Habang si Jane ay naka-white oversized shirt na itinuck-in sa high waist shorts at sandals na itim. "Accident?" Violet's brow furrows, nakatayo siya sa gilid ko at inilalabas ang mga biniling mga snacks at alak. Lumapit na rin si Jane at naupo sa tabi ko. Inamoy niya pa ang stain sa uniform ko. "Fishball sauce na may suka ba 'yan?" "Oo. Natapunan ako kanina ng estudyanteng tatanga-tanga!" Inis kong sabi sabay nagpalobo ng pisngi saka humalumbaba. Nagkatinginan sina Jane at Violet pagkatapos ay sabay na bumunghalit ng tawa. Mga bullies talaga! "Yuck, kadiri! Kaya pala pagpasok namin ang baho!" Tumatawang buska ni Violet. Sa aming apat ang babaeng 'to ang pinaka-bully at pinakamasayahin to the point na kahit di na nakakatuwa, tinatawan pa rin niya. In short may sayad. "Bwiset ka!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang shonga naman kasi ng lalaking 'yon! Hindi tumitingin sa dinadaanan niya!" Ayoko na nga isipin! Nag-iinit lang ang ulo ko. "Baka naman may tinaray-tarayan ka na naman at inis sa'yo binuhusan ka ng fishball sauce," tuwang-tuwa pa rin na pang-iinis ni Violet. Inirapan ko siya bago bumaba ang aking tingin sa mga snacks na nasa harapan ko. Hinawakan ko 'yon at sinipat-sipat. "Ano bang meron at may meeting de abanse?" "Shot daw sabi ni Gene," sagot ni Jane na nasa tabi ko. "May problema ba?" Hindi naman sa nagyayaya lang sila uminom kapag may problema. Pero madalas parang ganun na nga. Nagkibit balikat si Jane. "Wala naman siyang sinabi. Gusto lang niya raw mag-relax." Hindi na ako sumagot. Tumayo na lang ako at kinuha ang paper bag sa sofa at dumiretso sa restroom para magpalit. I wore a mustard oversized shirt partnered with white dolphin shorts. Pinony-tail ko ang kulot kong buhok para hindi napupunta sa mukha ko. "Oy, shot mo na! Tagal mo! Tumatakas ka yata eh!" Kumunot ang noo ko kay Violet na iniaabot na sakin ang shot ng tequilla. Duh.. kalalabas ko lang ng restroom. Naupo ako sa carpeted na sahig sa tabi ni Jane na siguradong snacks lang ang lalantakan. Actually parehas kami. Sa'ming apat kami ni Jane 'yung hindi masyadong uminom except sa occasion and pashot-shot lang. Unlike Violet na laman ng mga bars at clubs and si Genesis na mahilig rin sa mga parties at gathering. "Whatever, Vi. Malay ko bang nagsisimula na kayo. Inabot ko ang shot glass at ini-straight 'yon pagkatapos kumuha ako ng lemon sa bowl. Napangiwi ako. Kahit nag-iinuman kami paminsan-minsan, di pa rin talaga ako sanay sa tequilla. My gosh. Ang sakit sa lalamunan, eh! "May pasok tayo bukas, bruha," paalala ko kay Violet. "Baka nakakalimutan mo saka baka maamoy ako ni Tita Nicole. She will fetch me later." "Kahit itaob ko kayong lahat ngayon, makakapasok pa rin ako bukas. Alam mo 'yan, shissy." Nagsalin uli ng shot si Violet at iniabot naman yon kay Jane na nahihimik sa pagcecellphone. "Oy, ikaw na! 'Wag ka puro pulatan!" "Ito na.. Ito na. Akala mo dinadaya sa tagay, eh," naiiling na sagot ni Jane. Sa aming apat si Violet ang loud and liberated. Palaging tambay sa mga bar, bilyaran at inuman. Si Jane ang pinakatahimik at mahinhin. She's the type of girl you would find in a library. Si Genesis naman ang itinuturing na ate sa grupo dahil ahead siya ng isang taon sa'min. She's the glamorous type of girl. Mahilig mag-shopping, um-attend sa mga parties at mamahaling brands. And I'm the feisty one. Since highschool magkakaibigan na kami. Ang sikreto ng isa, sekreto ng lahat! 'Yan ang motto namin! "So, kumusta ang buhay-buhay natin?" Pagbubuksan ni Genesis ng topic. "Same. Training-dorm. Wala masyadong ganap."Jane shrugged, scrolling on her phone. Kinuha ko ang piatos at binuksan. "Me too. Lapit na ko mag-OJT dalawang term na lang." "Ano pala nangyari sa'yo kanina? Sabi mo may disaster na nangyari sa'yo?" Tumatawang sumabat si Violet. "Natapunan ng fish ball sauce ang, gaga! LT. Mukha siyang kinawawa kanina Gene, kung nakita mo lang!" Sabay na tumawa si Jane at Genesis, nag-apir pa. Lalo tuloy akong napasimangot. Ang lakas mang-inis ng mga 'to. Masayang nagkukwentuhan kami about sa school habang umiikot ang shot. Iisang university lang pinapasukan namin. I'm taking up BSHRM. Jane is taking up BS Accountancy. Si Violet ay Tourism while Genesis is taking up BSBA. "So, yun na nga may kalandian 'yung isa diyan!' Pagpaparinig ni Genesis. "Ngiting-ngiti! Sino na naman kayang biktima. "Aray.." Umilag si Violet sa piraso ng Pringles na inihagis ni Gene, pero tinamaan pa rin siya legs. "Parang tanga 'to, oh! Naiinggit.. pero sige! Lalo ko kayong iingitin! may fling akong basketball player!" May pagmamayabang na sabi niya. My brow automatically raised. "Anong nakakainggit sa ka-fling na basketball player?" I will not impress just by good looks or fame. Ganoon kasi ang kadalasang dinidate ni Violet. Mga lalaking pwede nitong i-display. "Anong nakakainggit?" She smirked at me. "Ano pa.. edi, you know? Down there..." Tumawa na si Genesis kahit hindi pa natatapos ni Violet ang sinasabi. Tinakpan naman ni Jane ang tainga. Magtatanong pa sana ako nang unahan ako ni Jane magsalita. "You don't wanna know.. what she meant down there," babala niya. I looked at Violet, clueless. Pero imbes na sagutin ang tingin kong nagtatanong bigla siya tumawa. I get pissed off so, I throw a pillow at her. "Pikon 'to, oh!" Tumatawa pa ring sabi niya. Sabay ibinalik pabato ang throw pillow sakin. "But you know down there.. the little—" "Oh. My. God, little?" Singit ni Genesis. "So, jutay? Paano kami maiinggit niyan!" "Gaga! Daks 'yon! Matangkad, eh!" "Di mo sure, Marsy..." humalakhak si Genesis. Violet groan. "Hayop ka, Gene! Baka magdilang demonyo ka pa! Please lang! Kay Friday na lang sana mapuntay ang mga jutay!" Magkasabay na tumawa ng malakas si Violet at Genesis. Si Jane ay napailing pa muna hanggang sa sumali na sa pagtawa. I was left dumbfounded, nagegets na ang pinag-uusapan nila. Yes the thing down there! Argh! Gosh! Wala pa nga akong experience doon pero dahil sa mga kwento ni Violet namumulat ako sa kamunduhan. Tsk. This is me.. the laughing stock of the group. Ang hirap maging NBSB 'di ako makarelate sa kanila! . . THE next day back to my daily routine. Gigising ng maaga at maghahanda papunta sa university. Madalas na sumasabay ako kay Tita Nicole kaso wala siyang clinic sa hospital kaya si Kuya August ang naghatid sa'kin sa university. Nagtatrabahong GM sa isang call center sa may NorthGate si Kuya August. Graduate sa kursong BSBA pero hindi na nagamit ang pinag-aralan nang makontento na lang sa trabaho nito. He was my favourite brother. Bukod sa hindi niya ako madalas inisin, I'm a little spoiled to him. "Thanks, Kuya!" Sinara ko ang pintuan at sumilip sa nakabukas na bintana. "Wag mo na ako sunduin mamaya para di na maistorbo ang tulog mo." Kakauwi lang kasi niya dahil kadalasan graveyard shift. Sinabi kong matulog na lang para makapahinga na. Pwede naman akong mag-commute na lang, but as usual di pumayag si Kuya. Ewan ko ba sa kanila. Masyado nila akong bini-baby! Noong high school ako nakakatuwa pa! Pero ngayong college na ako nakakainis na! Madalas tuloy asarin ako nina Violet! Baka daw sa bahay may babysitter pa ako. Umangat ang isang kilay niya. "Bakit?" "Um... may gagawin kaming project sa bahay ng isang kaklase ko. Near our subdivision lang naman 'yon. So, magttricycle na lang ako pauwi." I gave him my sweetest smile. Of course that was a lie. Niyaya kasi ako ni Violet na mag-mall later. Kikitain daw niya yung ka-chat niya na basketball player. Hindi ko matanggihan kasi kinokonsensya niya ako sa favor na ginawa niya sa'kin nung highschool pa kami! My god! Ang tagal na nun pero hanggang ngayon di ko pa rin nababayaran? Naiiling na tumango si Kuya. "Okay. Mag-text ka na lang kay June kapag uuwi ka na para masundo ka niya." Kuya June is my other brother mas matanda si Kuya August ng four years. "Okay." I nodded before walking away. . . We dismissed early on my last subject dahil walang prof. kaya mas maaga kaming nagkita ni Violet sa waiting shed sa labas ng university. We rode a jeep going at the mall. Isa ito sa mga bibihirang pagkakataon na makasakay ako sa Jeep dahil madalas nga ihatid ako nina Kuya kung saan ako pupunta. Isang oras rin bago kami nakarating sa mall. Isang diretso lang naman ang way pero dahil sa maraming sasakyan at jeepney, hindi gumaganang mga stop lights, at intersection na minamanduhan ng sankaterbang traffic enforcer, nagiging masikip ang daan at bumabagal ang daloy ng sasakyan na sanhi ng malalang traffic sa lugar namin. We went straight at the food court kung saan nandoon na daw ang ka-EB ni Violet. I let her roamed around habang bumibili ako ng DQ. We are still wearing our uniforms. "s**t, Sis! Nandun sila!" Hinatak ni Violet ang braso ko kaya napalingon ako sa kaniya hawak ang DQ na binili ko. "Sila? Meaning... hindi mag-isa 'yang ka-EB mo?" "Oo! Ayun nga sila, oh!" Tumuro si Violet sa kabilang side ng foodcourt. "Ang gwapo pala sa personal!" Tili pa niya. Nagsalubong ang kilay ko. Sa dami ng tao sa foodcourt di ko alam kung sino ang tinuturo niya. Pinagpatuloy ko lang pagkain sa ice cream, walang pakialam habang mabilis na nagtatype sa cellphone niya si Violet. "Mark!" Tawag ni Violet mayamaya. Kumaway ito sa kung saan. I'm still busy with my ice cream though. "Hello!" "Violet?" Sabi ng boses lalaki. Ramdam ko ang pagtigil ng lalaki sa harapan namin but I ignored them. Sarap na sarap pa ring kinakain ang ice cream ko. "Yeah. Nice to meet you!" "It was nice to finally see you. You're more attractive in person." Pambobola nung lalaki. "Oh, hindi naman..." kinikilig na sagot ni Violet. "Anyway, this is my friend..." Natigilan ako sa pagsubo sa scoop nang sikuhin niya ako. "Friday. Friday, this is Mark and his friend... what's your name?" "Rocket." Nag-angat ako ng tingin. Kaagad nagsalubong ang mga kilay ko at nanlaki mata nang matitigan ang matangkad na lalaki sa harapan ko, but before I could say anything. Umawang ang labi ko nang mula sa likuran ng lalaki ay tumulak dito. Kitang-kita ko ang paglabas ng kulay asul na likido sa basong hawak niya at diretsong tumapon iyon sa puting uniform ko. Napatili si Violet. Napasinghap si Mark. I was literally shocked. "Hala, Miss! Sorry!" Gulat na bulaslas ng lalaki, hindi malaman ang gagawin. What the hell! Bwiset talaga ang lalaking 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD