Chapter 8/2

1726 Words

"Sinong kinakawayan mo doon?" Tinuro ni Tita Nicole ang dinaanang driveway ni Rocket. "P-Po? Kaklase ko po, Tita!" Pagsisinungaling ko. Tinitigan niya akong mabuti sa mga mata, inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo. “Kaklase.. bakit parang gwapo at matangkad yung nakita ko?” nagdududang sabi niya. Kamuntikan akong masamid sa laway ko. "S-Si Kyle yun, Ta Nicole. Nagpasama siya magpa-xerox." Kilala ni Tita Nicole si Kyle, syempre hindi siya nakaligtas sa mapag-masid, mapag-matiyag at mapanuring interrogation ng mga Kuya ko noong minsang mabanggit ko ang name niya. At nagsisisi talaga ako dahil pati kina Mama at Papa nakarating ang tungkol doon! My ghad! Dalawang linggo akong sinabon ng sermon at hiniluran pa ng paalala! Mabuti na lang at nag-died down na ang hinala nila nang makita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD