"W-What are you doing here?!" namimilog ang mga matang tanong ko kay Rocket. Nakatayo na siya sa harapan namin ni Kyle. Naka-uniform pa habang nakasabit sa balikat ang itim na back pack. Mukha siyang iritado at naiinis. Isang guhit ang kilay niya at medyo masama ang tingin sa’min ni Kyle. Teka, anong problema niya? “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko uli. Pero imbes na sagutin ang tanong ko, lumipad ang tingin niya sa kamay kong nakakapit sa braso ni Kyle. Bumaba rin tuloy doon ang mata ko at muling bumalik sa kaniya. He looked more irritated now. For whatever reason... I immediately removed my hands and step away from Kyle. Nakakatakot siya makatingin. Gosh! This man, I don’t understand him. Bakit ba siya parang galit? At bakit naman ako nakakaramdam ng guilt? Wala naman akon

