KABANATA 1:PAGKIKITA
Hello everyone! My name is Kyzhia Maine Cruz,17 years old at kasalukuyang nasa grade 12.
"Bes,gising na malelate na tayo" Rinig kong sambit sakin ni Lia—my bestfriend.
"5 minutes pa please" paos ko namang sabi sa kanya dahil sobrang antok pako,napuyat ako sa pagsasaayos ng kwarto ko kagabi eh. Btw,kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Lia sa kwarto ko,well magkasama kami dito sa iisang house which is house namin kaso wala naman sila mama at papa dito kaya napag-isipan nalang namin magsama para lagi kaming magsabay sa pagpasok.Magkaibigan naman ang mga magulang namin kaya may tiwala din sila tito at tita na kasama ko dito ang anak nila.
Bumangon nanga ako sa pagkakahiga at nagsaayos ng aking pinaghigaan.Maya-maya pa ay naligo na ako.
'knock,knock,knock'Rinig kong katok ni Lia sa pinto ng banyo at pagbibirong sinabing "Bes,ang bagal mo malelate na tayo.Buti nalang talaga kaibigan kita"
"Oo na,teka lang naman hintayin mo nalang ako sa baba matatapos nako dito" Sambit ko naman sa kanya na agad niya namang sinunod dahil narinig ko ang mga hakbang niya palabas ng kwarto ko.
Mga ilang minuto lang ng makalabas si Lia ay nagbihis na din ako ng aking uniporme at nag-ayos ng kaunti,hindi kasi ako nagmemake- up kaya mas napabilis ang pag aayos ko.Simpleng polbo lang sa mukha ginagawa ko dahil hindi sa pagmamayabang ay maputi at maganda na kasi ang mukha ko kaya okay lang kahit polbo lang gamit ko.
Nang matapos ako ay agad akong bumaba at naabutan ko nga si Lia sa living room. "Nandiyan ka na pala,tara na alis na tayo"Bungad na sabi niya sakin.Hindi na kasi kami nag aalmusal sa bahay kundi sa canteen na mismo ng school kaya diretso alis na agad after makapag ayos.Naglalakad lang kaming pumupunta sa school dahil hindi naman ito kalayuan.
⏩FAST FORWARD...
"Hoooo,hooo,hooo"Habol hininga naming paghinto sa tapat ng school,paano ba naman ay ang bagal niyang maglakad kaya sobrang late na namin.Hinila ko na siya patakbo dahil hindi na talaga siya makasabay sakin kanina Buti nalang talaga ay nakarating na rin kami agad dito.
Dali-dali na rin kaming pumunta sa aking classroom at naabutan nga namin ang unang guro namin na nagtuturo na.
"Good morning professor,Sorry we're late" Sambit ko sa professor namin Buti nalang talaga ay medyo mabait ito.
"Goodmorning,okay take your seats now.Next time huwag ng malelate"Sambit naman nito sa aming dalawa ni Lia.Agad kaming yumuko bilang pagtugon at dumiretso na sa aming pwesto.Pagkalapit ko sa aking upuan ay naabutan ko ang katabi Kong si Mark—kaibigan ko din.Nakatawa lang ito ng sapat na para marinig ko kaya agad ko itong sinamaan ng tingin at naupo.
"Chill, don't be mad at me"Sabi pa nito at lalo akong naasar,kaya tumahimik nalang ako at nakinig sa klase.
🔔Ring! Ring!
"Yes,sa wakas recess na din"Sambit ko habang nag uunat- unat ng katawan.Agad naman akong nilapitan ni Lia para ayaing kumain sa canteen.
"Bes,Tara kain na tayo nagugutom na ang tyan ko"Sabi nito sa akin. "Sige tara na,lagi ka rin kasing gutom eh"may pang aasar na sabi ko naman sa kanya.
Maya-maya nga ay nakarating na kami sa canteen at kasalukuyan kaming bumibili ng siomai,burger,coke,at pansit palabok-na paborito ko hehe.Pagkatapos naming makabili ng kanya kanya naming pagkain ay naghanap na agad kami ng mauupuan.Tumingin tingin ako kung saang lamesa ang wala pang tao pero wala akong mahanap dahil may nauna na sa amin.Napabusangot nalang ako,Buti nalang ay nakita ni Lia si Mark na kumakaway ang kamay sa amin. "Tara dun bes,Ayun sila Mark oh dun nalang tayo makiupo" Sabi nito sabay hila sa akin.
Nang makarating kami sa pwesto nila Mark ay agad akong nagtaka kung sino ang Isa niyang kasama?Sino kaya Yun?Lalaki siya na sa tingin ko ay Sikat din dito sa school dahil kanina ko pa may nakikitang nakatitig sa kanyang mga babae—ano ba yan parang ka awkward makikain sa hindi namin kilala.
"Ahmmm,Si Theo nga pala kaibigan ko.Theo si Lia at Kyzhia nga pala"Pagpapakilala ni Mark sa katabi nito.Pero ang lalaki hindi man lang nagsalita bagkus ay matalim lang itong nakatingin sa akin.May dumi ba ako sa mukha?Anong problema ng lalaking Toh,ang lakas ng tama niya.
"Oh,Hi ako si Lia nice to meet you Theo"Pagsasalita ni Lia dahil tumahimik na rin matapos ipakilala ni Mark si Theo.Ako naman ay nakatingin sa kung saan dahil ang talim talagang tumingin nung Theo.
"Ayy,Theo ito nga pala si Kyzhia sensiya na ha baka nahihiya lang"Rinig ko namang dagdag sabi na ni Lia dahil hindi talaga ako nagsalita.
"Oh,Tara na kain na pagpasensiyahan niyo na si Theo ganyan talaga yan.Lalo na kapag babae ang kasama"Sabi naman ni Mark kaya naupo na lamang kami.Wala naman akong choice kundi makasama ang lalaking weird na toh sa Isang lamesa—ang pogi niya naman para maging ganyan ang tingin sa akin.
Habang kumakain ay todo kwentuhan lang ang nagagawa nila Mark at Lia.Halos sila lang ang nag-uusap dahil hindi ko maibuka yung bibig ko lalo na katapat ko pa si Theo—"kung minamalas ka nga naman ngayon Kyzhia oh" bulong ko sa hangin sapat na para ako lang ang makarinig.
"Pero tell me bakit kayo nalate kanina ni Kyzhia"Pagtatanong ni Mark Kay Lia—kanina ay nagkekwentuhan lang sila bakit ako naman ang nadamay sa tanungan nila hayss.
"eh,kasi si Kyzhia ang bagal kumilos kanina tapos late na magising.alam mo naman yun antukin"Rinig kong sabi ni Lia na may pagbibiro kaya agad akong tumingin sa kanya at tinarayan na wari mo ay kaaway ko haha joke lang syempre kaibigan ko kayo yon.
"Sorry naman"Maiksi kong saad sa kanilang dalawa.
"Tsk"Rinig ko naman mula Kay Theo Hayss nakacross arm pa talaga siya.
Matapos naming kumain ay nagpaalam na din kami ni Lia kina Mark at Theo pero dahil tapos na din sila ay sumabay nalang silang dalawa sa amin.Si Theo lang ang naiibang section sa amin tapos kaming tatlo magkakasama pero magkatabi lang naman ang classroom namin.Nang makapasok nga kami sa classroom ay nagsimula na ulit ang klase at nakinig nalang ako kahit naaantok ng kaunti.
⏩FAST FORWARD...
"Class dismissed"Rinig kong sambit ng professor namin na agad Kong ikinatuwa finally makakauwi na din kami.Nag aayos na ako ng mga gamit ko sa lamesa para ilagay sa bag at lumapit na din sa akin si Lia para ayain nakong umuwi.Matapos kong maayos ang lahat ay umuwi na din kami kaagad para hindi maabutan ng dilim sa daan pero habang naglalakad ay nakita ko si Theo na may babaeng kahalikan—Talagang dito pa talaga sa campus Buti nalang talaga ay nakatalikod si Lia that time kaya hinila ko na siya pauwi baka kasi kung ano ano pang masabi niya about Kay Theo—Pero seryoso bakit may kahalikan siya.Babaero o playboy ba siya?Omg!super pogi niya para maging ganon. Tanong ko sa aking isipan habang naglalakad pauwi.
"okay ka lang ba bes?Kanina kapa tahimik mula nung pauwi tayo ah"Napahinto na lamang ako ng marinig ang sinabing iyon ni Lia.Kanina pa pala ako tahimik.
"Ah oo,o-okay lang ako"utal na sabi ko Kay Lia,tumango naman ito senyales para sabihing 'okay'at pinagpatuloy nalang namin ang paglalakad.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa bahay at diretsong umakyat ng kwarto.Agad Kong binagsak ang pagod Kong katawan sa kama Kong malambot habang si Lia ay nagbihis at magluluto siya ng hapunan—Buti nalang talaga may kaibigan akong magaling sa kusina,ako kasi hindi eh HAHAHA.Naiisip ko pa rin kanina yung nakita Kong may kahalikan si Theo.Omg! Bad influence si Theo kailangan ko siyang layuan at pati si Lia baka kasi pati kami mahalikan niya.Sana naman girlfriend niya Yun pero parang hindi eh,parang pilit lang yung halik nung babae kanina.
Habang nag iisip ay narinig ko ang boses ni Lia mula sa baba. "Bes,luto na yung pagkain baba kana diyan kain na tayo" kaya agad akong bumaba dahil gustong gusto ko talaga ang luto niya lalo na kapag bagong luto at mainit pa.
"Yes!nandito nako ano kaya ang niluto ng magaling na chef ko"Masaya at nakangiti Kong sabi sa kanya.
"Aysus,Adobo niluto ko yung paborito mo"Nakangiting Sabi nito habang sinasandukan ako at ako naman ay parang lumiwanag ang mukha sa narinig. Paborito ko kasi talaga ang adobo eh.Kumain na agad ako at unang subo palang talagang masasabi Kong masarap!
"Hmmm,ang sarap"Puno pa ang bibig ko habang sinasabi ang mga salitang ito sa sobrang sarap ba naman.Sumubo lang ako ng sumubo hanggang sa nabusog at napuno na ang tyan ko.Grabe ang sarap.
Matapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng aming pinagkainan at pumunta na rin si Lia sa kwarto para mag half bath daw siya.Ilang sandali panga lang ay natapos na din ako sa paghuhugas at umakyat sa kwarto, naabutan ko room si Lia na nagbabasa ng libro.
"Oy,gising ka pa pala" sabi ko sa kanya.Tumango lang ito dahil ganun talaga siya kapag nagbabasa ng libro bawal siyang maistorbo kaya pumunta nalang rin ako sa banyo para mag half bath.
Nang matapos ako ay naabutan ko si Lia na parang hinihintay ang paglabas ko.Bago din kasi matulog yun ay nagkekwento pa yun.Naupo ako sa kama ng matapos kong magbihis at nagsalita siya.
"Bes,ang pogi ni Theo noh"Para naman akong masusuka sa Pinagsasabi nito—kung alam niya lang yung kanina na may kahalikan yun tapos parang sapilitan pa ayy baka maturn off pa ito HAHAHA.
"Hindi nga,ang sama niya kung tumingin tsaka feel ko babaero yun"Saad ko naman sa kanya.
"Sa ganung kapogi,magiging babaero?grabe ka naman bes.By the way,napansin ko yung titig niya sayo habang kumakain tayo kanina sa canteen.Parang gusto ka ni—Hindi ko na pinatapos ang kanyang sinasabi at agad ko siyang hinampas sa braso para naman magising siya sa mga sinasabi niya.
"Okay kalang,para nga siyang ewan tumingin kanina eh"Galit Kong saad sa kanya.
"Sus,ganyan ganyan ka lang pero kapag nakilala mo na siya magugustuhan mo rin yon"Saad niya pa.—Seryoso ba siya sa sinasabi niya?kaibigan ko pa ba Toh lord? HAHAHA
"No.Way."Pagdidiin kung sabi sa kanya.
"Sige na,matulog na tayo antok nako"Pag-aaya ko rito para tumigil na siya.Pumayag naman ito at nahiga na kami
"Goodnight"Rinig kong Sabi niya
"Goodnight din"Tugon ko naman rito
AND EVERYTHING'S WENT BLACK ⚫..