I care Iginala ko agad ang tingin ko nang makarating ako sa eskwelahan. Inaasahan ko na ang imahe ng dyablong iyon total hilig niya namang sumulpot bigla sa harapan ko. Kahit saan ako mapatingin ay walang mukha ni Stolich ang mahagilap ko. Ang labo rin ng lalaking iyon. Siya itong sumusulpot bigla tapos ngayon hindi mahagilap! Pumasok nalang ako sa classroom. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pag-uusap ng iba kong kaklase kahit nasa pinto pa lang ako. "Feeling ko nga sila na. Magkasama sila tuwing volleyball ni Yui. Nanonood pa nga ng game si Stolich eh." sabi ng isa kong kaklase. "Tapos yung ate ni Stolich at pinsan ni Yui mukhang magsyota ata. Imposibleng hindi nga sila nagkikita." sagot naman nung isa. Itong mga palakang 'to umagang umaga ako na agad ang topic. Mga

