Fragile thing Inilagay ko sa isang transparent glass na bowl ang isang pack ng milkita na ibinigay ni Stolich. Itinabi ko ito sa may kama ko para madali akong makakuha kung gusto kong kumain. I should stop hating him. Eh nakakainis minsan eh! Ang hilig akong asarin! Ang hilig akong pagtripan! Idagdag pa yang hindi magets niyang mga kilos. Ang labo niya minsan. Weird. Tss. Humiga na ako sa kama nang makatanggap ako ng mensahe sa kanya. Stolich: Let me sleep Lisanna. Me: Problema mo Stolich? Nasa akin ba ang mga mata mo at hindi mo maipikit?!! Stolich: Then get out of my mind. Ilang araw kanang nakatambay sa loob. Me: Patawa ka? Tss. Stolich: Oh yeah slow girl. Me: Hindi ako slow! Stolich: Oo na. Hindi kana slow. You should give it back Li

