Ate Julie's Debut Inihatid nga ako ng dalawa sa bahay. Tapos umuwi rin si kuya RM sa condo niya kasama si kuya Harel. Si Kuya wala pa dito, nasa condo yun ni ate panigurado. Ako itong parating naiiwan kasama yang mga alaga niya. Kinabukasan, birthday ni Ate Julie. Invited rin ako eh. Nagsuot lang ako ng grey cocktail dress. Gusto ko sanang magstilleto kaso si Kuya pinagalitan ako. Baka daw may maapakan akong butas tapos pumasok ang takong ko doon at matisod ako edi sa lupa daw bumagsak ang mukha ko and worst maaari daw akong mabalian ng paa. Ang rami pang pangtakot sakin! Ang sabihin niya ayaw niya lang talaga! Nakakainis rin eh. Kaya pumps nalang sinuot ko. Hindi naman pwedeng nakaflat ako tapos cocktail dress suot ko! Pagdating sa venue ay umupo rin ako doon sa assigned tabl

