My little Army Ilang sigundo siyang hindi nakagalaw dahil sa pagkakayakap ko sa kanya. Lumapat rin ang kamay niya sa beywang ko at ipinulupot iyon doon. Napangisi ako. Ikiniskis ko ang ilong ko sa leeg niya kaya natawa siya. Sinikap kong hindi matawa. Eh bati na kasi kami. "Damn Lisanna. Mababaliw ako sayo nang mga araw na hindi mo ako kinakausap. Hindi ako takot sa mga pinsan mo, pero yung malamang galit ka sakin... nakakatakot." daing niya. "Dahil nakakainis ka. You let her hug you infront of me. You were so angry at me. Ang sakit nun para sakin. Sa harapan ko pa. Para akong natwotime." Iritado kong sabi pero nakabaon ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango eh. Dahan dahan ko kaya siyang kagatin? Hmm.. "Dahil wala siyang kalaban laban. Naawa lang ako Lisanna 'yon lang. Yun lang talag

