Beast Panay ang tingin ni Kuya sa salamin sa akin dito sa backseat. Hindi ko alam kung anong meron diyan sa tingin niya. Para bang may gusto siyang ipaamin sa akin. Ewan ko kung ano. Di na naman siguro nakainom ng gamot niya kaya tumutopak na naman. Hindi na ako magtataka kung dadating ang araw na dalawang aso na ang meron kami sa bahay. Nakakatakot ang alien na 'to. "Tigilan mo nga yan kuya!" I shouted. Di ko na kasi mapigilan. Kakahatid lang namin kay ate doon sa condo niya. "Guilty kang bata ka! Eh kung sa kulungan kita ideritso?" sagot niya sakin. "Anong guilty?! Anong kailangan kong aminin! Eh ikaw yang panay ang tingin sakin tapos wala namang sinasabi." Naikot ko ang mga mata ko. "Ba't di mo sinabi sakin na magkaibigan pala kayo ni Stolich?" Nagkasalubong ang kila

