Admit it Gumala kaming dalawa ni Stolich sa kabuuan ng school. Kumakain na ako ng cotton candy kaya binitiwan niya rin ang pulso ko. Anong tingin niya sakin bata?! Na pag binitiwan mo ay maliligaw! Tss. "Gusto kong pumasok doon sa ginawang horror house. I have lots of tickets. Sama ka?" tanong ko sa kanya. Concentrate lang ako sa pagkain ng cotton candy. Di ko alam na may ganito pala sa Highschool building! Yung sa amin wala namang mga clubs eh. Wala ring mga pakulo. Camping lang. 'Tsaka fieldtrip narin. "Alangan naman iwan mo ako. Magkano ba ang ticket? Bibilhin ko nalang." Nag-amba siyang maglabas ng pera sa bulsa niya kaya pinigilan ko agad 'yon. Hindi ko rin naman binili 'to. Bigay lang ito lahat ni lola para hindi daw ako mahirapang pumila at maubusan ng ticket. Gusto niya

