You win Francine Nagulantang si Kuya nang araw na 'yon dahil sa inasta ko. Pati ako ay hindi ako makapaniwalang ganoon pala ang nagawa ko. Kinain na ako ng galit. Para akong sasabog sa loob pag hindi ko 'yon pinalabas. Kumalma rin naman ako lalo na't nagfefreak-out si Ate Miel dahil nasira daw yung lampshade ko. Buntis pa naman bawal sa kanya ang matinding emosyon. Sinabi ko nalang na may ipis sa pader kaya hinampas ko. "Ba't nagbago ang isip mo Yui?" tanong sakin ni Phoebe nang lumabas kami ng classroom. "Wala lang. Gusto ko naman talaga na magcheerdance ah." sabi ko. "Pero diba hindi payag si Stolich?" Kumunot ang noo niya. Nagkibit lang ako ng balikat. Kahit hindi siya payag ay walang makakabali ng desisyon ko. Nasa gymnasium silang lahat. Pagdating ko doon ay nagpapractice na

