Let's see Sa isang buwan kong pagtira sa puder ni Kuya Sylver at sa weekends na pagpunta doon ni Stolich ay walang pinagbago. Paepal parin si Kuya Sylver pero to the rescue naman si Ate nyebe sakin. Nang matapos ang isang buwan na 'yon ay nag-impake rin ako ng gamit ko para lumipat sa bahay ni kuya V. Parang hindi ako masasakal dito dahil sasakalin siya ni Ate Ellie pag pumagitna siya sa amin ni Stolich! My freedom! I so love this house! "Maya maya dadating na si Stolich, Yui. Anong gagawin niyo dito?" tanong sakin ni ate EllieKlare. Pinapanood ko siyang kumakain ng err... ang weird naman ng kinakain ni ate. Mas maiintindihan ko pa yung fruit salad na ihahalo sa whip cream. Pero yung prutas na inihalo niya sa chocolate syrup? Anong lasa? Sabagay. Weird naman talaga itong pamilya nila

