Dahan dahan Ang lapad ng ngiti ko nang makauwi ako dito sa bahay. Iiwasan niya na si Francine! Yes! Ang sarap tuloy magpaparty. Yung babaeng 'yon inggrata eh. Purket sumali lang ako sa cheerdance feeling niya na nakikopagkompetensya ako sa kanya. Just admit it Francine. Alam mo kasing malalamangan kita sa lahat ng bagay kaya ayaw mong sumali ako doon. Kaya feeling mo ay nakikipagkompetensya ako sayo. Edi isaksak mo sa ngala ngala mo yang kasikatan mo. Napakafamewhore. "Ang saya mo ata?" puna sakin ni Kuya Sylver kinabukasan. Wala kasing pasok. Holiday. Kaya pati siya ay nandito. Pero alam ko naman kung ba't nandito rin yan sa bahay. Dahil alam niya kasing bibisitahin na naman ako ni Stolich. "Wala lang." Ngumisi ako kay Kuya Sylver. Inilapag naman ni Ate nyebe yung ginawa niyang chic

