Dahil sa kaligayahang nadarama lagi ng nakapagkit ang ngiti sa mukha ng binata.Ito ang nagbigay ng kakaibang aura nya,kaya naman mismong mga tauhan nya sa Hotel ay mas tumindi ang pagkagusto sa kanya.Taga hanga nya ang mga ito at mapapansin talaga na kinikilig sila kapag alam na papasok na siya, pero hindi alintana ng binata ang lahat ng pagpapapansin nila.
Ang dumadaloy kasi ngayon sa buong sistema nya ay ang ligayang idinulot lamang ng kanyang kasintahan.
Lagi nang maaliwalas ang kanyang kanyang mukha dahil sa iisang tao.
At ito lang din ang itinitibok nito kaya naman gagawin nya ang lahat ng kanyang makakaya mabaling lamang sa kanya ng buo ang pagmamahal nito.
Sa Japer Hotel and Cafe marami ang curious kung saan nga ba hinango ang pangalan ng building na kanilang pinagtatrabahoan.Nahihiwagaan sila paano ba naman kasi,kapag dumarating siya tuwing umaga at bago ito pumasok sa loob ay titingalain ang nakaukit na pangalan sa may b****a. Ngingiti Ito ng matamis,kaya may hinala sila na may sintemental value ang pangalan na "Japer" sa kanilang amo.
Nakalagay ang pangalan ng Hotel and Cafe sa itaas ng b****a ng building nya,kaya kitang kita kapag papasok palang sa Hotel nya.Ngunit dahil may parking area siya at malapit lang din duon ang pwesto nito,meron kasi syang private parkingan ay malinaw nyang nakikita ang mga litra.Ito ang nais nya sapagkat gusto nyan laging nakikita, sarap kasi sa mata ang pinag halong pangalan nila ng kanyang baby.
Ang Japer na pangalan ay malaki ang nagagawa nito sa kanya at sa kanyang kabuhayan.Pakiramdam nya kasi simula nung naging sila ng dalaga,ay parang bumilis ang pagtaas nga kanilang sales.Maging sa Cafe man o sa Hotel Mismo at pati narin sa kanyang bookstore.Kaya wala ng magbabago sa relasyon nya dto kung kailangan nyang maghintay ay gagawin nya.Mas pag igihan pa nga at alagaan nya ito dahil takot syang donating ang punto na magsasawa ito at aayawan siya,ayaw nya kahit kunti iisipin lang para na siyang masisira ng bait.
Nasasabik man ang binata na makita ang iniirog,hindi na nya kailangang bilangin ang araw dahil malapit naman na itong mangyari.
Pero, teka lang" kasama naba ang magulang nito,Baka naman hindi ang sagot din nya sa kanyang sarili.
HMMM"nalito ang takbo ng utak nya sa ngayon.Basta Oras na ipakilala siya sa mga ito ay walang problema sa kanya yun.Ang iisipin nya ngayon ay kung ano ang dapat nyang ibigay dto bilang regalo.
Magtatapos na ito ng secondarya at pagkacollege naman ang aatupagin nito.
Kaya dapat mahalagang bagay ang ibibigay nya para dto,yung laging makakapag paalala na may nagmamay ari na sa kanya at hindi na pweding may manñpaligaw o kaya ay magmahal ng iba sapagkat kanya lang ito walang sinuman ang pweding umangkin.Possesive na kung tawagin pero mamarkahan lang nya ang pagaari nya para hindi mapunta pa sa iba.