Chapter 1 ( ang pagbisita sa kanyang mahal)
Isang hapon masaya ang mag anak sa kanilang paglalakbay pabalik sa kanilang lugar.
Dahil Mataas ang lugar na pinanggalingan,medyo matarik din ang mga nadadaanan nilang bahagi ng daan.Ang mag asawa kasi mismo ang nagkusang pumunta sa pinagbakasyunan ng kanilang anak,para hindi na ito magkomute pa at para makapamasyal narin sila.May malayo silang kamag anak duon na siyang nag alok sa dalagita nila ng bakasyon at dahil narin semestral break na kaya pumayag narin ang anak nila, hindi rin naman kasi ito lakwatsira kagaya ng mga ibang nagdadalaga na.17 taong gulang ito at may boyfriend pero hindi halata dahil malihim at tahimik,hindi rin ito nagkukwento sa ina kaya walang kaalam alam ang mga magulang nya na may kasintahan itong mas matanda sa kanya ng anim na taon.Dahil bata pa naman kaya hindi siya pi ni presure ng kasintahan at busy rin kasi ito sa pag papalago ng bagong negosyo.Siya naman ay malapit ng grumaduate kaya pinag iigihan nya ang pag aaral wala man siyang parangal atlis maganda rin ang grades nya at hindi lang pasang awa kapag siya ay magtapos ng high school.
Siya si Jazen Nicole nag iisang anak ng mag asawang Conrad,may kapatid siya pero baby palang binawian na ito ng buhay dahil sa kasong measles.Hindi naagapan ng kanyang ina dahil hindi nila nalaman agad na measles nga ito sa likod nito kasi lumabas ang mga pantal nito at dahil baby kaya d nila napag tuonan.Kaya ngayon tudo ingat sila sa dalagita nila baka kung ano pang mangyari di nila matatanggap sigurado yan.
Dahil sa pag iingat nakarating ang mag anak sa kanilang tahanan ng ligtas.
At lumipas ang mga araw natapos narin ang sembreak nila Jazen kaya balik eskwelahan na naman siya.
Unang araw ng Pasok nagkitakita sila ulit ng kanyang mga kaibigan ang kambal na Chinny at Chimmy Lazaro kasama ang kapit bahay ng mga Ito na si Veronica Timoteo.
Mga bruha kumosta na kayo,"? agad niyang bati sa mga ito, sa katunayan sa mga kaibigan nya medyo marami rin siyang salita pero kapag hindi nya masyado kaclose ang isang tao tahimik lang siya.Mabait din naman kasi si Nica sa tawag nila "o" Veronica sa totoong pangalan kaya hinahayaan nya nalang nya ang mga kaibigan kapag isinasama ito at itinuturing narin naman na nya itong kaibigan.
Enjoy namin vacation ikaw "witch" kumusta naman pinasyalan mong lugar?si chimmy.
maganda ang lugar na yon tahimik,subrang lamig ang dahi nya sabay nginig sa katawan na kala mo nilalamig nga siya.
Natawa si Veronica,kami nagpunta lang sa malapit na resort dto sa atin ng tatlong besis,isang beses kada resort kaya kahit paano okey rin naman sulit din ang nahihiyang kwento nito sa kanila,
okey nayan atlis may isusulat tayo sa mga journal natin para sa nakalipas na sembreak natin".Ang sàbi naman ni Chinny na kanina pa nakikinig.
yeah"sabay sabay nilang sabi at saka nagtawanan dahil sa kanilang kaingotan,magkakaibigan nga sila.
Samantala sa gilid ng kalsada may isang motor ang nakatigil duon at may sakay na isang lalaki,mapapansin ng kahit sino na matangkad ito dahil sa kanyang purma. Naka pantalon ng maong at may butas sa may tudo nito.naka rubber shoes ng Nike na may kulay ng pinag halong pula at itim,sa pang itaas naman nakasuot ito ng v-neck gray shirt bilang panloob at itim na leather jacket.May gloves ang kamay at kulay itim din ito,habang ang ulo ay may suot suot na helmet kaya hindi nakikita ang mukha nito.
Nakatingin lang ito sa loob ng campus na parang may pinapanuod,maya maya'y binunot nito ang kanyang cellphone at parang nagmessage,Saka parang may kinuhanan ng litrato at saka pinaandar ang motor paalis sa lugar na yon.
Siya si Nathaniel Perry Natan,isang binata nakapagtapos ng Business Management.Sa kasalukuyan busy siya sa kanyang negosyo kabubukas palang ng itinayo nyang hotel"kasi nagpapalago palang siya.Ang unang negosyo nya ay isang bookstore,at duon nya nakuha ang ipinagpagawa ng isang hotel.
Sa kasalukuyan ay may girlfriend na siya pero di pa siya nagpapakita ng personal dto.Bata pa ang kasintahan nya kaya ayaw nyang ipahamak ito.Kaya naman hanggang tanaw nalang muna siya nakaw ng litrato nito.May mga ibat ibang klase ng expression nito sa mukha ang mga nacollection nya.Mga iba pinapasa nya dto kapag nangungulit siya lalo na pag gusto nyang asarin.Hanggang text at tawagan ang komunikasyon nila.
At ngayon ngang araw na ito,pasukan na naman kaya maaga nyang inabangan para makita ang mukha ng kanyang mahal.Gaya ng dati mag isa itong pumasok inihatid ito ng AMA nito kaya nakikita nya rin ang future father in law nya,masasabi nyang mabait ang magulang ng kasintahan dahil nasasaksihan nya ang mga lambingan nila.
Minsan parang gusto nyang lapitan ang mga ito pero nagaalangan siya kasi nga d pa pwede at nangako siya sa nobya nya na saka lang sila magkikita in the right time.kapag ito na ay magraduate at mag dise otso.
Tinext nya ito kanina,pinag iingat nya ito at sinabihan na miss na nya.pinadala nya rin ang picture nito kasama ang mga kaibigan nito pero siya lang ang kuha.
Pabalik na siya sa siyudad,duon kasi siya nakalagi buti nga may inn duon sa sentro ng bayan ng kanyang mahal kaya duon siya nag check in.Ganon ang routine nya every week,once in a week siya bibisita rito ng di nito nalalaman.at mabuti ring tanaw na tanaw ang loob ng kanilang kampus sa may kalsada kaya hindi siya masyadong nahihirapan sa pag stalk dito.napangiti Tuloy siya sa kanyang kahibangan,kung kahibangan bang masasabi ang mga pinaggagagawa nyang ito.
Mahal nya ang kasintahan kaya handa siyang hintayin ito,hanggang sa ito ay magmatured at makapagtapos.
Hinugot nya ang kanyang cellphone at saka itinabi kunti ang motor para makaiwas siya ng disgrasya.Tinawagan nya sandali ang manager nya sa kanyang Hotel at sinabi na pupunta siya duon.Nang maipaalam na nya ang gusto rito ay tumoloy na siya sa kanyang byahe.