Pagdating ng tatlo sa tahanan ng mga kambal pumasok na sila,sa pagpasok nila sa loob ay nadatnan nila sa may sala, ang mag asawang Lazaro. Nanunuod ang mga ito ng balitang panghapon.
Magandang hapon po,"ang bati nya.
Samantala ang kambal ay magkasabay pang nagsalita,papa,mama nandito na kami."
Abala ang dalawa sa panunuod kaya hindi sila malayan,nabaling lamang ang tingin nila nung nagsalita siya.
oh"nakauwi na pala kayo papasundo ko sana kayo sa papa nyo,at napatingin ang ginang sa kanya.
Mano po papa,mama ang sabi ng dalawa,ganon din ang ginawa ni Jazen.
Kaawaan kayo ng Dios"ang nakangiting pagbibigay bendisyon naman sa kanila ng mag asawa.
Kumosta ang mga magulang mo anak" tanong ni Mang Dave sa dagitang kaibigan ng kanilang kambal.Pinayagan ka ba nila na magpalipas ng gabi dto sa bahay.
Opo"tito tumawag po ako sa kanila bago kami nagpunta rito.ang magalang naman nyang gasot.
Mabuti kung ganon kasi baka mag alala sila",ang sagot naman nito na nakangiti at bumaling sa kanilang tatlo.
oh siya, magsipag bihis na kayo ng pambahay nyo at maghahapunan na tayo.Nakahain na sa kusina ang pagkain,d kasi nila namalayan na umalis ang mama nila Chinny para maghain ng hapunan.
Nagsipasok na sila sa kanilang mga silid, may kalakihan ang bahay ng mga ito kaya may spare room para sa bisita. Sa katunayan tig isa ang kambal ng kwarto ngunit ipinasok ng dalawa ang kanilang mga kumot. Nagtaka siya,ano yan ang nalilitong tanong nya,ngunit ngumisi lang si chimmy,mayat maya ay ganon din si Chinny kaya naman naintindihan na nya ang gustong mangyari ng dalawa.
Mga baliw talaga kayo"ang nasabi nalang nya saka tumawa.
Eh"sa gusto ka namin na kasamang matulog,bakit ayaw mo"ang nang aakusa pang sabi at pinandilatan sita ni chimmy,habang nakatawa naman si Chinny ang kambal nito.
oo" na dto na kayo matulog pero huwag kayo magulo ha" ang sabi nya sa kanila.Akala ko kasi dto lang kayo magreview sa loob kasama ko, dko alam na pati pagtulog kasama pala duon.paliwanag nya habang naka ngiti din.
Samantala sa kusina tapos na ang paghahanda ng ginang at nakaupo narin sa kabesira ang asawa ngunit hindi parin lumalabas ang tatlo.
Nasaan na sila bakit ang tagal nila"ang reklamo ng asawa.
Saglit lang at tatawagin ko sila,ang sabi naman ng ginang saka tumayo para puntahan ang magkakaibigan.
Mga anak tapos na ba kayo"ang tagal nyo naman,naiinip na ang papa nyo.Ang sabi ng ginang sa labas ng kanilang silid. Lalamig na ang pagkain pag hindi pa kayo lumabas diyan.
Opo ma,andiyan na ang sabay na sagot ng kambal.
Jazen," halika kana mamaya na natin ayusin ang mga ito"ang sabi ni chimmy.
Okey",nakakahiya naman sa magulang nyo"ang sabi naman nya at lumabas na silang tatlo.
Pagdating nga nila sa hapag kainan, nakaupo na ang mag asawa kaya naman naupo narin silang tatlo.
Naglead ng dasal ang padre de pamilya,at nagsimula na silang lahat na kumain,
Habang kumakain sila, nagkwentohan rin sila ng kung ano anong topic.May pagkakataon din na magbiroan sila.Masaya ang hapag kainan na sumasabay sa ingay ng kubyertos.Isa ito sa gustong gusto ni Jazen sa pamilya ng kanyang mga kaibigan dahil itinuturing narin siya ng mga ito bilang pamilya.
Nang matapos silang naghapunan,tumolong pa muna sila sa paglilinis ng kusina.
Ang isa nag hugas ng pinagkainan at ang isa naman ay naglinis sa may lamesa,ang ginawa ni Jazen naman ay nagwalis at nag map saglit.Sabay sabay na silang lumabas ng kusina ng makalinis sila nagtungo sila sa may sala.Ganon kasi sila lagi kaya normal nalang sa mga magulang ng dalawa kapag nakikita siya ng mga ito na tumutulong sa mga kaibigan.
Salamat Jazen anak sa pagtulong mo sa aking mga kambal"ang pagpapasalamat ni aling Emerald.
Wala pong anoman tita"ang sagot nya.
Katunayan kasi nyan hindi gagawa ng gawaing bahay ang dalawang iyan kapag wala ka",ang biro nito.
MAMA"! sabay pang angal ng dalawa kaya natawa sila ng ginang,pati ang papa nila ay ngumiti rin,dahil as reaction nilang dalawa.
Jazen,hindi totoo ang sinabi ni mama" ang sabi habang nakasimangot si chimmy na bumaling sa kanya.
Bakit defensive ka"ang pang aasar naman nya rito.
Hmmmp"kasi nga hindi totoo.ang katwiran pa niya.
Kambal alam mo na nga kasing hindi totoo, sumasagot sagot ka pa ayan tuloy" pambubuska naman ni Chinny.
Oo na" ang nakasimangot na sagot naman nito sa kapatid,kaya naman nagtawanan sila.
Tama na nga ang asaran nyong iyan"ang sabi ni papa Dave,kita nyo na ang mukha at di maipinta,ang sabi habang nakangiti.
Hmmmp,may oras din kayo kala nyo ha" ang sabi sabay padyak na nauna nang pumasok sa silid nila.
kaya tumigil na rin sila pero hindi parin nawawala ang ngiti nila habang nakasunod sila kay chimmy na nauna na sa kanila.
Good night papa,mama"ang paalam ni Chinny sa mga magulang mauna na po kami ang sabi naman nya,cge goodnight din sa inyo mga anak.Tumalikod na sila sa mga ito na ipinagpatuloy ang panunuod ng palabas sa sala.