Melissa's PoV
Narito ako ngayon sa pinagtatarabahuan kong food chain.
Sa araw na ito napromote ako hindi nalang ako washer isa narin akong Utility/Taga linis ng CR at taga mop ng floor tuwing nadudumihan.
Sa ngayon nandito ako sa counter station sinasadya kong bagalan ang ginagawa kong pagmamop dahil gusto kong abangan ang pagorder ng crush ko na kamukha ni Ariana grande na nagtatatrabaho sa private hospital sa tapat ng restaurant na ito.
"Nandito na inaabangan mo."Sabi ni den2* ang cashier ngayon.
"Asan?"Parang tangang sabi ko.
"Ayon oh.."Sabi ni den-den sabay turo sa labas.
At heto na nga ang anghel papasok sa restaurant nakangangang nakamasid ako sa kanya habang papasok sa restaurant.
Haizt.
"Good Morning Welcome to chobi restaurant.'Nakangiting bati ng cashier sa kanya.
"Isang order po ng fried chicken with ice tea at isang regular halo halo for take out with extra scoop of ice cream po."Order niya sa cashier.
Pagkatapos niya mag-order binigyan siya ng number ng cashier at naupo sa table sa gilid ng glass window malapit sa exit sa may outlet na sarado sa paanan niya.
"Isang ER nga."Sabi ni Jeff isang Dining Crew dito binigay niya sa cashier ang pera.
Nilagay ng Cashier ang pera sa ibabaw ng Cash Register at hindi na nagbigay ng resibo.
Sinenyasan niya ang kitchen crew na incharge sa loob sa shift na ito at agad naman itong nagbigay ng rice.
Madalas mangyari ang ganyan extra money din yan para sa ibang crew na nangangailangan lalo na't estudyante ang iba dito .
16 pesos ang kada order ng extra rice kaya ok na para makabili sila ng ulam.
rice lang kasi free dito.
ginagawa yan halos sa lahat ng establishment
iba-iba nga lang ang diskarte.
Pero hindi naman lahat ng crew gumagawa ng ganyan.Mayroon ding matatapat.
Madalas naghahati-hati ang mga crew sa kita pero minsan may mga suwapang din.At mayroon naman tahimik pero magaling.
Amateur
Natawa ako sa ginagawa nila.
lalaki ang Variance nila diyan.?
Dumaan din ako sa ganyan mas malinis nga lang ako magtrabaho.
Malaki ang kita sa bakeshop at cafe o sa mga teashop shake kahit na saan na may lid cups.
Kasi mahal ang cake at mga shake , cafe, at tea shop ay cups ang banat.
Pero kung sa isa kang sikat na donut company nagtatrabaho walang kwenta ang cups na yan.
Doon kana sa promo malinis pa.
Paano nangyayari yon? Ilan ba ang nasisave niyo tuwing bumibili ng donut sa tuwing may promo ang premium donuts? at magkano ba ang isang premium donut kung isa lang ang bibilhin mo?
Kaw na bahala magkwenta kung madalas ka doon.??
Madami kang malalaman kong alam mo lahat ang kombinasyon ng value meals nila at presyo kong isa lang ang bibilhin mo?
Pero mas malaki ang kinita ko sa isang tindahan ng china phones at appliances na pagmamay-ari noon ng isang small time na intsik.
Doon ako na hasa sa pagpapalusot ng item
at kung paano magbenta nito.
Pero isa din sa malaki ang kita ay sa isang sikat lechon company.
Grabe ang kompentensya ng mga suwapang na service crew doon madumi maglaro kaya umalis ako doon.
"uy,ano tinitingin mo diyan ?"sabi ni jeff sakin.
Agad akong umiwas ng tingin at umalis na sa posisyong yon ayoko ng naiinvolve ako sa kahit na anu man ang ginagawa nila.
Nagpunta ako ng CR upang doon na maglinis pagkapasok ko ng CR ay nilock ko ito at naupo ng ilang minuto para magpahinga.
Laking gulat ko ng bumakas ito nagtago ako sa isang cubicle.
Nakita kong ang manager lang pala ng restaurant ang nagbukas.
"Mel,ba't sinara mo ang pinto alam mo naman na CR ito at food chain tayo importante ang CR sa atin.?"Mahabang sermon nito sakin.
"Sorry di na po mauulit."Sagot ko ng nakayuko.
"Sa susunod na mangyari ito sisisantihen na kita naririnig mo?"Sabi pa nito at tuluyan ng lumabas.
"Wow Intense."Nakangiting bigkas ng isang anghel.
"P-pasensya na po ma'am."Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Okay lang anu kaba."Sabi niya pa.
At pumasok na sa isang cubicle.
At ako na man ay nagpatuloy sa pagmamop ng sahig.
Maganda ang babaeng ito pero parang may mali sa kanya at yun ang gusto kung malaman ayokong magtiwala kahit kanino pero sinsakyan ko ang trip ng mga nagtatrabaho dito na sinasabing crush ko siya pero ang totoo duda ako sa kanya.
Magiisang taon na ako dito nagtatrabaho pero ang babaeng ito iilang buwan palang nagtrabaho sa ospital na iyon.
May kakaiba sa kilos niya tindig niya palang kakaiba na.
At ang oras ng pagorder niya ang pinipili niyang pwesto tuwing kumakain siya rito lahat may mali.
Organize lahat ng kilos niya na para bang handa siya sa lahat ng pwedeng mangyari alam ko iyon dahil sa dami ng mga taong inobserbahan at ginaya ko.
alam ko hindi lang siya basta Radiologist lang gayun pa man ay hindi pa rin ako nakakasiguro.
Pagkatapos ng aking duty ay naglakad na ako papuntang sa isang Fast food para doon kumain.
Pagkatapos umorder sa counter ay nagpunta na ako sa second floor at doon na kumain.
Habang kumakain ay tumingin ako sa mga tao sa baba ng building at nakita ko si Ariana sa likod ng isang lalaking nag lalakad papuntang donut Shop at pumasok ang lalaki doon tiningnan kong mabuti ang mukha ng lalaki isa itong anchorman sa isang sikat na radio station malapit sa pinagtatatrabahuan ko pero dumeritso yung babaeng si Ariana siguro masyado lang akong nagiisip kaya hinayaan ko na.
pero maya-maya pa ay lumabas na ang lalaki sa establishment .
Bumaba na din ako kasi tapos na akong kumain.
Lumabas ako ng fast food at naglakad pabalik sa chobi kasi naiwan ko ang wallet ko ng may mahagip ang paningin ko sa may madilim na parte sa kabilang kalsada doon sa gitna pharmacy at lhuiller.
Nakita ko si Ariana na lumabas hindi niya ako nakita dahil agad akong nagtago sa malaking poste ng building na kinalalagyan ko.
Kinabahan ako sa nakita kong parang isang taong nakabulagta sa kabilang kalsada.
Bumalik ako sa pinanggalingan ko papuntang fast food at deritsong nagtungo sa kabilang kalsada sa may hardware at doon sumakay ng jeep pauwi.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
Oo magnanakaw ako pero hindi ko kayang pumatay.
Nagulat ako ng huminto ulit ang jeep .
"Got ya."Nakangiting sabi niya ng makasakay siya sa jeep na nasakyan ko at umupo sa tapat ko.
Shit.