Melissa's PoV
Nasa harap ako ngayon ng isang puting bahay na may puting fence.
Maya-maya pa ay nasa loob na ako kausap ang isang babaeng nagngangalang Ann.
Hahalikan niya ako sa labi ng puno ng pagmamahal.
At biglang magiiba na naman ang lugar
Narito naman ako ngayon sa loob ng isang nipa hut at ramdam ko ang pagsakal sa kin ng isang lalaki na hinahanap ang lalaking
tinatawag niya sa pangalang Mark.
Ibang lugar na naman..narito naman ako ngayon ulit sa jeep kaharap ang babaeng kamukha ni Ariana Grande.
At nagising ako sa kuwarto na inuupahan ng Girlfriend kong si Christina.
"Coffee?"Nakangiting sabi nito habang inaangat ang cup ng kape na ininum niya habang nakaupo at nakapatong ang dalawang paa sa maliit na mesa sa harap niya.
Hinawakan ko ang ulo ko at tumayo na at naglakad papuntang banyo sumuka ako sa bowl dahil sobrang nahihilo ako.
"Nanaginip ka na naman ba?"Tanong ni Christina habang hinahagod ng kamay niya ang likod ko ni hindi ko namalayang sumunod siya sakin.
"Oo."Tanging sagot ko.
"Hindi ko maintindihan bakit may ganyan kang mga panaginip."Nagugulahan niyang tanong.
"Hindi ko rin alam...at hindi pa ako nakapunta ng baguio o pampangga.Cebu pa lang ang pinakamalayo kong napuntahan."Sagot ko ulit.
"At imposible yan kasi limang taon na tayong magkarelasyon Mel.Kung nangyari man ng 2015-2017 yan imposible parin dahil sa ormoc tayo ng taon na yan at nagtatrabaho ka kasama ni Ate Olive lage sa gingawa niyong survey ng mga gamot at Samar at leyte lang ang rota niyo."Pagpapaalala ni Christina sa mga pangyayari sa taon na yon upang ipoint out sakin na wala lang ang mga panaginip ko.
"Teka sandali paano mo nalaman ang eksaktong lugar kung hindi ka pa nakakapunta doon?"Kunot ang noong tanong niya sa kin.
Natahimik ako bakit nga ba parang siguradong sigurado ako?
"Hindi ko rin alam."Sagot ko na lang.
"Pero iyong kamukha ni Ariana dito lang satin iyon."Dagdag ko pa.
"Babe,baka nagpapantasya ka lang sa babaeng yon?"Pangaasar niya.
"Haizt.."Sabi ko pa at bumuntong hininga.
"Ba't ba kasi iniisip mo yan? at tsaka andyan ka na naman sa mga binabasa mo sa internet tungkol sa secret society na yan di totoo yan at kung totoo man yan hindi mo problema yon wala ka na naman magagawa diyan diba?"Sabi pa niya.
Natahimik nalang ako sa mga sinabi niya.
"Lika na nga maligo na tayo may rehearsal pa kami at uuwi kapa sa inyo hinahanap kana ng nanay mo ako na naman mamasamain noon sasabihin na naman na ako ang dahilan kaya lumihis ka ng landas..eh dati pa nman ganyan kana."Mahabang litanya niya.
"Sa dami ng tattoo mo namimiss- judge ka talaga ng mga tao."Sagot ko na medyo natawa tinignan niya ako ng masama tsaka natawa din.
Sobrang Cool at bait ng Girlfriend ko kaya naman mahal ko yan kahit ayaw na ayaw sa kanya ng mga magulang ko.
Di nila nakikita kung gaano kabait ang girlfriend ko kasi nauunahan sila ng pagdududa lalo na't laging sinusulsulan ng tita kong relihiyosa ang nanay ko.
Na kumo kampon ng demonyo ang girlfriend ko at parang sinsapian ako.. hahaha.
Di ko alam kung bakit ganon ang mga tao apaka judge mental.
Si Christina ay isang Vocalist ng banda kaya naman ganyan ang porma niya pero inosente yan at mabait na cute pa.
Marami nga ang nagtataka bakit sakin siya bumagsak eh..ang ingot ko raw at mukhang dugyot kasi nga inggit sila kasi nga sa dami ng may gusto at nanliligaw sa kanya ako lang naman ang minahal at nakatuluyan niya.
Paminsan-minsan napagkakamalan silang kambal ni Mariz yung pinsan niyang singer din pero solo singer sa club ng tito nila.Doon din kami nagkakakilala ni Christina ng yayain ako ni Vanessa na sumama sa kanya doon ng nag-away sila ni Mariz.
Medyo magkahawig kasi sila ni Mariz.Pero mas maganda siyempre ang girlfriend ko.
"Hmm..pati ba ikaw?"Sabi niya habang nagpapout .
"Syimpre hindi."Agad kong sagot.
"Kita mo na? Judgemental lang kasi ng nanay mo kaya ganon tsaka style ko to no."Mahaba na naman niyang paliwanag.
Tumahimik nalang ako di din naman ako mananlo sa kanya.
"Alam mo Melissa kung totoo ngang kaya mong gumawa ng pareho sa mga panaginip mo ang astig nun."Parang tangang sabi ni Christina na iniimagine pa ang sinasabi niya.
"Di mangyayari iyon."Sabi ko sa kanya dahil sigurado akong di mangyayari kasi pagiging service crew nga lang sa isang restaurant nahihirapan na ako magkaroon pa kaya ng secret life.
"Hmmm...bakit mo nasabi ? ang galing mo din kaya kung minsan..may mga kakayahan kang di kaya gawin ng normal na tao."Puno ng paniniwalang sabi niya sa kin.
"Hmmm..cge nga ano kakayahin ko maliban sa mahalin ka?"Pagbibiro ko sa kanya.
"Hmm...grabe wag mo maliitin sarili mo tsaka cute ako kamahal mahal talaga ako"Sabi niya na nagpapout.
"Madami kang kakayahan magaling ka magkilatis ng tao isang tingin mo lang alam mo na agad kong ano'ng klaseng tao ang kaharap mo at isa pa may talent ka sa pamimiki ng Resibo ko sa tuition.."Dugtong pa niya na parang nangiinis.
'Isa kang alamat melissa kapag ikaw gumawa hindi nila malalamang peke ang kaharap nila."Sabi ng babae na biglang nagflash sa isip ko.Biglang nagpop-up sa isip ko.
Oo nga diploma ko nga ako lang ang may gawa.
Teka sandali...bakit ko nasab iyon?
Eh,grumaduate ako ng high school..
at kung kaya kong gumawa ng ganon bakit high school diploma lang gagawin ko?
"Melissa ok ka lang ano nangyari sayo?"Pagpukaw sakin ni Christina.
Ano nga ba talaga ang nangyari sakin?
Bakit pakiramdam ko may mali?
At bakit pakiramdam ko may dapat akong gawin pero hindi ko alam kung ano ito?
Alam ko impossible ang iniisip ko pero hindi ako matahimik para bang tinatraydor ko ang sarili ko kung wala akong gagawin ng hindi ko alam na dahilan gusto kong malaman ang totoo.
"Ok lang ako."Sagot ko lang sa kanya.
Pagkadating ko sa bahay ay tinitigan ako ng nanay ko ng may pagtatampo.
"Sorry na Ma."Sabi ko sa kanya at yumakap sa kanya.
"Ikaw pagkasama mo ang babaeng iyon nakakalimutan mo na may sarili kang bahay."Inis pang sabi nito.
"Eh,kahit naman ilang beses ako magstay doon eh di ako mabubuntis ni Christina kaya 'wag ka nang magtampo."Pagbibiro ko.
"Ewan ko sayo..anak puro ka kalokuhan teka sandali wala ka bang pasok?"Si mama.
"Meron po."Sagot ko.
"Eh,ba't nandito ka pa maghanda kana doon."Utos niya.
Sumunod ako kaya pupunta na sana ako sa kuwarto ng hinawakan niya ang kamay ko at sinuri.
"Ano nangyari dito?"sabi niya sabay turo sa kanang kamay ko sa bahaging ibaba ng siko ko.
"Balat ko po yan Ma..diba since birth meron na ako niyan?"Nagtaka ako sa tanong niya.
"Ah,ganon ba?Nakalimutan ko siguro.",Kunot noo pa ring sabi nito.
Sobrang nagtaka ako pero binalewala ko na lang dahil malilate na ako sa duty ko.
"Saan sila ma?"Tanong ko kay mama ng natapos na akong maligo at nagbihis.
"Ang papa mo nasa kapitbahay kinukumpone ang tv nila Iseng."Sagot ni Mama.
Ang papa ko ay isang Technecian pero paminsan minsan nalang niya ginagamit ang skill niya kasi malabo na ang mga mata niya pero magaling yon kaya nga idol ko nga siya.
"Ang mga kapatid mo pumasok na sa eskwela"Pagpatuloy ni mama.
"Ah,ganon ba?..Sige ma, maliligo lang ako at magbibihis tsaka papasok nadin ako after. "Sabi ko at niyakap siya ulit
"Uuwi ka ba mamaya?"Tanong pa ni mama.
"Di ako sigurado ma "Sagot ko.
Mahirap kasi makasakay pauwi dito samin pag gabi na kasi kulang ang bumabiyahe malayo kasi sa kabihasnan ang barangay namin.
Matapos maligo at makapagayos ay nagpaalam na ako kay mama.
"Ingat ka anak."Sigaw pa ni mama nang makalabas na ako.
Pagpasok ko sa trabaho agad akong nagpunta sa crew room upang magbihis at nagtime-in.
Nagpunta ako sa station ko at nagsimula ng maghugas ng mga plato.
Hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng nostalgia na para bang galing na ako dito kahit dalawang buwan palang ako dito.
Marami ang nangyayaring kakaiba sakin kaya hindi ako masyadong masalita focus lang lage ako sa trabaho at wala ako masyadong kaclose dito tawag nila sakin dito loner kasi parati akong magisa at malungkot.
Hindi ko rin alam kung bakit lage akong nakakaramdam ng lungkot lalo na kapag malakas ang ulan kagaya ngayon.
Maaga akong nagbreak kasi walang tao heto ako ngayon kumakain ng magisa sa may glass na bintana malakas ang ulan at hangin sa labas parang may bagyo.
Biglang kumirot ang dibdib ko at may tumulong likido sa kanan kong mata na agad kong pinunasan ng daliri ko.
Bakit parang sobrang sakit ng dibdib ko? Na para bang may nawala sakin na sobrang importante sakin yung tipong kailanman diko makakaya o matatanggap na mawala sakin.
"Ahm,melissa." Tumingin ako sa pinanggagalingan ng boses.
"Oh,bakit ? ano yon bernard?"Tanong ko sa kanya ng lumapit ito sakin.
"May nagpapabigay sayo."Sabi niya at binigay sakin ang maliit na folded paper.
"Sino nagpapabigay ?"Puno ng pagtatakang tanong ko.
"Hindi ko alam binigay lang sakin sa labas ng isang batang lalaki."Sagot niya.
"Ganon ba ?Sige salamat"Sabi ko nalang at tinanggap ang papel.
Binuksan ko ang papel at lalo akong naguluhan sa nakasulat sa papel.
YVDZIV WZMTVI RH XLNRMT
-HFMHSRMV-
Agad kong kinuha ang ballpen ko sa bag at kumuha ng scracth paper.
Sinulat ko ang buong alphabet at sinulat ko hindi ko alam bakit ako kinakabahan pero kung sino man ang nagbigay sakin ng letter na ito siguradong kilala niya ako dahil alam niyang obssesion kong magsolve ng mga puzzle at mag decode ng mga coded messages sa internet.
Hindi ko rin alam paano ko nalaman ang mga ito simula pa ng bata ako.
Di ako makapaniwalang na ginagawa ko ito ngayon.
"Escucha cuidadosamente.(listen carefully.)"Napalingon ako sa lalaking may kausap sa cellphone mga 6'2 ang height nito sakto lang ang pangangatawan moreno.
May lahing espanyol ang girlfriend ko kaya medyo naiintindihan ko ang sinasabi niya.
Tumingin ito sakin na parang ako ang kausap niya.
"Escribe mi numeros.(write down my numbers."Sabi nito.
kumunot ang noo ko sa sinasabi niya.
"241345." sabi nito at tinapos na ang tawag at umalis na at lumabas ng restaurant.
241345?
Ano'ng nangyayari?
Napasabunot ako sa ulo ko dahil sa tingin ko nagiisip na naman ako ng kung anu-ano.
kung anu ano kasi ang pinapanuod ko sa youtube.
Ibinaling kong muli ang atensiyon ko sa pagkain ko at binalewala nalang ang nangyari.
Itinago ko sa wallet ang papel ng matapos akong kumain naisipan kong pag-uwi ko nalang ito babasahin.
Pinagmasdan ko ang mga katrabaho ko na busy sa tsismis yung iba naglalunch iyong iba naman magtatime-in palang sa shift nila.
Nilabas ko uli ang papel sa wallet ko
Haizt ano kaya nakasulat dito?
Baka niloloko lang ako ng mga katrabaho ko
Baka prank ito.
pero iyong lalaki kanina kaduda-duda.
Tumingin ako sa bandi clock sa dingding
02:39 pm
Oo ganyan ang lunch break namin dito na mga crew kung closer kami.
Kasi di pwede magbreak kung pick hours syempre dapat unahin ang customers.
May 15 minutes pa ako sa break ko.kinuha ko ulit ang ballpen ko at papel.
Susubukan ko wala naman siguro mawawala kung susubukan ko.
Sinulat ko ang alphabet at sinulat ulit ito ng pabaliktad
ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVXYZ
ZYXWVUTSRQPONMLKJIHGFEDCBA
Sinulat ko ang mga letra at ang bawat letrang katumbas ng isang letra.
Y(B) V(E) Z(W) Z(A) I (R) V(E)
Ang unang salita na nabuo ko at nagpatuloy ako sa sumunod.
W(D) Z(A) M(N) T(G) V (E) I(R)
Pangalawang Salita.
R(I) H(S)
X(C) L(O) N(M) R(I) M(N) T(G)
At ang pinakahuli ay
H(S) F(U) M(N) H(S) S(H) R(I) M(N) V(E)
kinabahan ako sa binasa ko.
Sunshine?
Sunshine
Sunshine
pangalan ba yon o isa pa ring code?
Lalo akong naguluhan.
Haizt.
At ang numbers na sinasabi kanina ng lalaki may kinalaman kaya yon dito sa mensahe ng papel?
Ano kaya ang ibig sabihin ng numbers na iyon?
At sino naman ang gagawa sakin nito?
At anong panganib sinsabi niya?
baka hindi para sakin to.
Hindi ko nalang pinansin ang nakasulat sa papel at bumalik na sa duty ko.