2 months na ang nagdaan mula ng natanggap ko ang folded paper.Pero awa ng diyos wala naman nangyayari na kakaiba sa kin kaya naisip ko baka prank lang yon o di kaya di talaga para sakin yon.
Pero diko maiwasan mapaisip na bakit parang sakin talaga yon?At hindi lang yon nararamdaman ko na kailangan ko maging handa sa di ko malaman kung anong bagay na parating.Ito ang pakiramdam na parang may panganib na dadating.
Meron din mga pagkakataon na pakiramdam ko may nagmamasid sa kin, pero pilit ko itong isinasantabi dahil ayaw ko na pati si Christina ay mag-alala.
"Lalim yata ng iniisip natin ? Bakit natauhan na ba girlfriend mo ?"Si Jasper isa sa mga kaibigan ko ng high school.
"Wala may naaalala Lang ako."Sagot ko.
"Hmm..Alam mo naisip ko lang kumusta na kaya si Ann.Anu nga pala nangyari sa inyo?"Nagulat ako ng bigla niyang pagbanggit ng pangalan na yon.
"Sino si Ann?"Sabat ni Alex sa paguusap namin ni Jasper.
"Oo nga sino si Ann?"Tanong ko din dahil wala akong matandaan na may kakilala ako
na Ann maliban sa taong nasa panaginip ko.
"I can't believe this..prank ba 'to?"Natatawang sambit ni Jasper.
"Sabi ko naman sayo jasper wala tayong kakilalang Ann."Si Princess asawa ni Jasper.
Nandito kasi kami ngayon sa bahay ni Alex kakabalik lang kasi niya galing states.Kaya nandito ngayon ang mga kabarkada namin ng high school parang reunion na rin.
"Sorry guys simula kasi ng naaksidente siya sa Cebu , pinipilit niyang may kilala tayong Ann na girlfriend mo daw Melissa."Paliwanag ni princess sa sitwasyon ni Jasper.
"Sorry"Yumuko si Jasper sa hiya habang ako naman ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Si Alex ay nakipagusap kay princess hindi ko narinig ang usapan nila kasi napunta na ang diwa ko sa Ann na sinasabi ni Jasper sa kin.
At nang tumayo si Princess at Alex papuntang banyo ay kinausap ko si Jasper.
"jas."pagkuha ko ng atensiyon niya at tumingin naman siya sa gawi ko.
Tumingin siya sakin at kinamot ang batok niya at naupo ng maayos sa sofa bago ininom ang beer sa baso niya.
"Ahm,sorry sa kanina..Alam mo iyong pakiramdam na tinatraydor ka ng sarili mong utak."Sabi niya na para bang nainis sa sarili habang parang binabaril ng kamay niya ang utak niya
kasabay ng ginawa ni Jasper na kunwaring pagbaril niya sa ulo niya ay sunod-sunod na pagputok ng baril sa isip ko.
bang bang bang
"Ano Sanchez akala ko ba magaling ka?"kantiyaw ng isang lalaki habang hinabol kami at binabaril nang kasama kong babae na hindi ko maaninag ang mukha.
"Oh,melissa anong nanyari sayo?"Sabi niya habang tinatapik ako.
"Ah..wala may naisip lang ako."Sabi ko ng mabalik ako sa ulirat.
"Ano nga pala ang sasabihin mo kanina?"Tanong niya sakin.
"Gusto ko lang sabihin na natatandaan ko si Ann."Nagulat siya sa sinabi ko.
Lumapit ako sa kanya at sinenyasan na 'wag mag-ingay.
"Bakit dika nagsalita kanina?"Bulong niya sakin.
"Dahil hindi ko siya natatandaan kagaya ng pagkakatanda mo sa kanya."pagtatapat ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"nagtataka na tanong niya.
"Sa panaginip..napapaginapan ko lage ang isang babae na tinatawag kong Ann.Nasa isang bahay kami na puti parang modern french ang desinyo ng bahay.At sa panaginip ko malamig doon at maraming pine tree sa lugar."Paglalahad ko sa kanya ng panaginip ko.
"Sa baguio sa Rest House nila."Si Jasper na inaalala ang lugar.
"Ibig mong sabihin nakapunta na ako ng baguio?"Pagkaklaro ko sa sinabi niya.
"Oo..tayong lahat nagpunta doon noong christmas nakalimutan ko nga lang anong year yon."Pagkonpirma niya sa tanong ko.
"Teka sandali,kung lahat tayo nakapunta doon,..bakit wala akong maalala?Pati ang ibang kabarkada natin?"Takang tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam."Pasigaw na bulong niya.
"Teka sandali meron ka bang proof na nangyari nga yon at ng lugar ng sinasabi mong bahay?..para lang malaman ko na parehong memory o panaginip at tao ang tinukoy natin?"Sabi ko dahil gusto kong malaman kong nahihibang na ba ako dahil naniniwala ako sa kanya.
"Sumunod ka sakin."Sabi niya sakin bago naglakad papunta sa garahi nina Alex dito kasi siya nagsistay ng magmigrate ang family nina Alex sa Amerika.Magpinsan kasi si Alex at Jasper Magkapatid ang mga Ama nila.
Nakita namin na pabalik sina Alex sa Living Room kasama ng iba pang dumating na bisita na sina Almira,Jorel,Gleen at Althea.
Hinila ako ni Jasper para magtago sa kanila.
"Lika na kailangan di nila tayo mahalata."Bulong ni Jasper sa tenga ko.
Binuksan niya ang parang isang Bodega sa may garage nila at binuksan ang pinto sa sahig.Bumaba kami ni Jasper sa hagdan na papuntang basement at isinara niya ang pinto.
Nabalot ng dilim ang lugar at madali naman na inon namin ang flashlight nang mga cellphone namin.
"Anong ginagawa natin dito?"Tanong ko sa kanya.
"Ipapakita ko sayo ang proof na hinahanap mo."Sagot niya habang may hinahalungkat sa box na kinuha niya sa ilalim ng mesa.
Pinagmasdan ko lang ang kilos niya bakas sa kilos niya ang pagkabalisa,excitement at takot na pilit niyang tinago sa kilos niya.
Pero hindi ko na ito pinansin at pinabayaan lang siya.
"Sandali lang,dito ko lang kasi itinago yon ng magkamalay ako sa ospital ng maaksidente ako."Sabi pa niya.
"Ano yon?.Ano ang itinago mo?"Tanong ko pa.
"Heto..yan na lang ang natitirang ebidensiya that Ann existed..maliban diyan everything just disappeared..i dunno what happened but when i woke up..iba na ang lahat para bang nagkaroon ng malaking hiwaga sa lahat."Pagkukwento niya na parang nalilito sa nangyayari at inabot niya sakin ang mga litrato.
Ng isang bahay na akala ko isa lamang panaginip.
At ang babaeng isang napakalaking question mark sa buhay ko.
Dalawang babae ang naksupo sa isang sofa.Sa isang bahay na pamilyar sa'kin.
Ako at ang babaeng nakalean sa balikat ko yan ang babaeng napapanaginipan ko.
"Kuha ko yan mula sa Camera mo dati na binigay mo sakin ng birthday ko..kinunan ko kayo ng larawan habang kumakain kasi ang cute niyo tingnan.Kararating lang natin niyan mula sa lugar natin.Mahaba at nakakapagod ang biyahe kaya nakatulog si Ann."Pagkukwento pa ni Jasper sa mga pangyayari sa larawan na ipinakita niya sakin.
Napatakip ako sa bibig ko sa nakikita ko hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa mga nalaman ko.
"Imposible 'to."tanging lumabas sa bibig ko after ng ilang minutong pagkashock sa nalaman ko.
"Mas imposible na malaman ko na ni isa sa inyo hindi siya matandaan..lalo na ikaw melissa."Sabi niya pa na parang dinadama ang naramdaman pagkalito sa nanyari.
"Hindi ko alam kung anu ang nangyayari.Pero pwede bang sa'tin na lang muna 'to?"Paghingi ko ng pabor sa kanya.
"Alam mo kahit sabihin ko man sa kanila wala ring naniniwala sakin..maliban sayo syempre."Malungkot na salasay niya.
"Bakit sinubukan mo na bang sabihin sa kanila?"Tanong ko.
"Oo..noong nasa hospital pa ako pero para bang isa akong baliw na nanaginip at gumagawa ng istorya sa kanila dahil wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa kanya.Hinanap kita pero wala ka hindi ka nagpakita sa hospital kahit isang beses."Kwento niya sa mga pangyayari.
"Hindi talaga ako makakapunta dahil nasa Cebu ako noon naaksidente din ako.Nabangga ako ng motorsiklo sa may Mabolo doon sa may basketball court ng brgy. Regla."Pagpapaliwanag ko sa kanya kung bakit di ako nakapunta sa kanya.
"Sa Mabolo ba kamo?"Tanong niya.
"Oo."Sagot ko.
"Huli ko kayong nakitang magkasama ni Ann sa may SM doon sa may terminal sakayan papuntang lapu-lapu.Papunta kasi ako noon sa Dunkin donuts sa lapu-lapu branch.That time kasi doon ako naassign as TL.Nakita ko kayo ni Ann na nakasakay ng motorsiklong minamaneho mo.Lumiko kayo doon sa may simbahan."Paglalahad niya ulit ng pangyayari sa araw na iyon.
"Paano nangyari yon hindi ako marunong magdrive kahit bike diko alam paano paandarin?"Buong pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Melissa yan ang point ko meron nangyayaring kakaiba sa'tin na hindi ko maexplain-"Hindi natuloy ni Jasper ang sasabihin dahil dali-dali ko siyang hinila sa gilid upang magtago at tinakpan ko ang bibig niya.
Narinig kung may pumasok sa basement at hindi kami gumalaw sa pinagtataguan namin.
Dahan-dahang lumalapit sa deriksyon namin ang ingay ng yapak ng kung sino man ang pumasok.
Nabibingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko habang pareho kaming nagdahan dahan sa paglayo sa taong papalapit sa min at marahan sa pagtatago.
Hanggang sa naabutan kami ng taong
humabol sa min.
-------------------------------------------------------------
to be continued...