Chapter 55 Julie Ann Kumunot ang noo niya. “Bakit? Maliban ba sa akin, may iba pang gumagalaw sa’yo?” Tumaas ang kilay ko. “Anong klaseng tanong ‘yan?” “Gusto ko lang klaro, Julie. Huwag mong sabihing may nangyari sa inyo ni Ben?!” Tumalim ang boses niya, pero pinipigil pa rin ang galit. Napatingin ako sa kanya, nag-init ang pisngi ko sa halong inis at insulto. “Ikaw ba may karapatan pang magtanong ng ganyan sa’kin? Ikaw ang naunang bumitaw, Mark. Hindi ba ikaw rin ang nagsabing wala tayong patutunguhan?” “Hindi ko sinabi ‘yon!” singhal niya. “Hindi mo man sinabi nang direkta, pero ‘yon ang ginawa mo!” balik kong sigaw. Tumayo ako mula sa monoblock na upuan, hindi na alintana kung basa pa ang paligid o may putik sa paanan ko. "Hindi ka sigurado sa nararamdaman mo para sa akin. Hindi

