Chapter 47 Julie Tahimik ang buong shop ngayong hapon. Wala akong schedule sa cashier, kaya nag-aayos lang ako sa storage area sa likod. Binibilang ko ang mga resibo, nire-review ang inventory sheets. Simple lang ang trabaho, pero sapat na ito para hindi ko maisip ang taong ayaw ko nang isipin. Sa totoo lang, kahit anong gawin ko, hindi siya nawawala sa isip ko. Pero pilit kong tinuturuan ang sarili kong… mabuhay kahit wala siya. May mga araw na gusto ko siyang makita. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kasi alam kong kahit silip lang ng mata, baka masira na naman ang pinipilit kong buuing kapayapaan. Habang abala ako sa papel, napansin kong medyo bukas ang pintuan patungong opisina. Doon naroroon sina Mang Tino at Sir Joel. Nagsimula akong lumapit pa

