Chapter 48 Julie Malakas ang hampas ng hangin sa bubong ng aming bahay nang magising ako. Halos kasabay ng tunog ng mga yero ang sunod-sunod na mensahe sa group chat ng Montalban group. May babala na ng malakas na bagyo, at may ilan na ring hindi papasok dahil hindi raw kakayanin ang lakas ng ulan sa kanilang lugar. Wala din pasok sa paaralan. Suspendi ang klase. Ganun din ang mga nasa government worker walang pasok. Pero ako? Nakatitig lang ako sa kawalan habang pinakikiramdaman ang paligid. Binilisan ko ang pagligo, saka agad nagbihis ng itim na pantalon at hoodie. Nilagyan ko ng kapote ang bag ko, at pinagtakpan ng plastic ang sapatos kong luma. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na hangin at tila galit na ulan. Napasinghap ako. Ngunit hindi ako umatras. Kai

