Chapter 49

2475 Words

Chapter 49 Julie Ann Pagkababa namin ni Nanay Rosa sa jeep, agad akong sinalubong ng malalamig na patak ng ulan na kahit gaano kaliit ay parang mga karayom na tumatama sa balat. Sa paligid, makikita ang mga taong nagmamadali, may bitbit na mga bag, kumot, mga bata sa braso. Ang ilan, walang masisilungan. Basang-basa. Nanginginig. At ako? Gusto kong umiyak. Hindi dahil sa ulan. Hindi dahil sa lamig. Kundi dahil sa tanawing kahit ilang ulit ko nang nakita sa balita, iba pala kapag ikaw na mismo ang nandoon. Mga batang walang tsinelas, ang iba’y may dalang laruan na basa na rin. May isang batang lalaki, siguro apat na taong gulang, nakatayo sa gilid habang hawak-hawak ang laylayan ng damit ng ina niya. Umiiyak. Walang masabi kundi, “Nanay, giniginaw ako…” Hindi ko napigilan ang luha ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD