Chapter 50 Julie Ann Umaga na. Pero hindi pa rin kami makauwi. Bagama't hindi na kasing lakas ang ulan kumpara kagabi, ang paligid ay nananatiling madilim. Kulay abo ang langit. Makulimlim. Basa pa rin ang hangin. Ang mga tubig-baha sa labas ng covered court ay hindi pa rin humuhupa. At kung makalakad ka man, lulubog sa putikan ang tsinelas mo hanggang sakong. Pinilit kong ngumiti habang inaabot ang tinapay na iniabot ng isang volunteer kaninang madaling-araw. Isang pirasong pandesal. Medyo malamig na, pero kahit paano'y nakabawas sa gutom. "Salamat po," sabi ko sa lalaking may dalang kahon ng pagkain. Tinanguan lang niya ako saka lumipat sa susunod na grupo. Umupo ulit sa banig si Nanay Rosa. Umupo kami doon habang pinagmamasdan ang paligid. Marami na ang gising. May ilang nagkukump

