Episode 44

2187 Words

Chapter 44 Julie Ann Dalawang buwan na akong wala. Dalawang buwan mula nang lisanin ko ang lahat—ang bahay, ang panaderya, si Lola... si Mark. Hindi ko rin inakalang darating ako sa ganito. Isang gabi lang nang magdesisyon ako na umalis. Hindi na ako bumalik. Umakyat ako ng bus nang hindi tumitingin sa likod. Bitbit ko lang ang isang backpack, kaunting pera, at ang paniniwala na mas makakabuti ito. Para sa akin. Para sa amin. Ngayon, nandito ako sa Montalban, Rizal. Tahimik dito. Mas tahimik kaysa sa Makati. Walang tindahan sa tapat. Walang ingay ng tricycle. Wala rin si Mark na bigla na lang papasok sa bahay niya at kukulitin ako. Pagkatapos matatangay ako kapag kaunting dikit lang ng katawan namin. Ang bahay ng tiya ko ang pansamantala kong tahanan. Wala siya rito—nasa ibang bansa,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD