Capter 45 Julie Ann Malamig ang simoy ng hangin sa Montalban nang bumangon ako mula sa banig. May kakaibang sigla sa dibdib ko. Ngayon ang unang araw ko sa TMR Motor Shop, at bagaman hindi ko pa alam kung anong eksaktong mangyayari, buo ang loob kong subukan ang bagong buhay na ito. Matagal kong pinag-isipan kung lilipat talaga ako rito. Ilang buwan din akong tuliro, takot, at puno ng panghihinayang. Pero dumating ako sa puntong hindi ko na kayang magtago sa anino ng nakaraan. Kailangan kong mabuhay muli—hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa anak ko. Alas-siyete pa lang, gising na ako. Maaga akong nag-ayos ng sarili at naglakad patungo sa shop. Alas-otso y medya ang usapan namin ni Mang Tino, pero nauna pa akong dumating. Hindi nagtagal, dumating na rin siya kasama ang dalawa pa

