Chapter 40 Julie Ann Maaga pa lang ay gising na ako. Tahimik ang buong bahay, pero sa dibdib ko, parang may rumaragasang dagundong. Mula sa kwarto, tanaw ko ang likod ng bakery—karaniwan sa ganitong oras ay amoy na ang bagong lutong tinapay, pero ngayon, ibang klaseng init ang bumabalot sa katawan ko. Lumabas ako sa kusina at nadatnan si Tita Lida na naghahanda ng almusal l, habang si Lola ay nagsasalin ng kape. “Tita,” mahinahon kong bati, “pwede po bang huwag muna tayong magbukas ng bakery ngayon?” Napalingon sila pareho sa akin, bakas ang pagtataka sa kanilang mga mata. “Bakit, hija? May sakit ka ba?” tanong ni Tita Lida, lumapit agad sa akin para hawakan ang noo ko. Umiling ako. “Wala po… may pupuntahan lang po ako. Mahalagang bagay lang po.” Tahimik si Lola. Sinipat ako, paran

