Episode 39

2246 Words

Chapter 39 Julie Isang linggo na ang lumipas simula noong madaling araw na iyon. Hindi ko makalimutan ang ginawang pagwawala ni Mark. Ang sigaw. Ang pagkabasag ng bote. Kahit ilang ulit ko pang tangkain na ibaling ang atensyon ko sa paggawa ng tinapay, pagbibilang ng sukli, o pagtutok sa mga bagong order—bumabalik pa rin ang eksenang ‘yon. Isang linggo na siyang hindi umuuwi rito. Ayokong aminin, pero hinahanap-hanap ko ang mukha niya. Yung tinig niyang malalim, pabiro minsan, seryoso kung kailan hindi mo inaasahan. Minsan sa kalagitnaan ng pagmamasa ng harina, mapapatingin ako sa labas. Parang umaasa akong bigla siyang lalabas mula sa kanto, lalapit at magtatanong, “Mainit pa ba ang pandesal?” Pero wala. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo akong hindi makaintindi ng sarili ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD