Chapter 38 Mark Pagkaalis ko sa ospital, hindi ako agad umuwi. Naglakad ako, walang direksyon. Gusto ko lang maramdaman na buhay pa ako, kahit parang wasak pa rin sa loob. Pero habang naglalakad ako, may isa akong biglaang naisip—isa sa mga sugat na hindi ko pa tuluyang hinaharap. Si Kristine. Pagdating ko sa mental health facility, nanikip ang ;;dibdib ko. Huling beses na nagkita kami, siya ang dahilan ng pagkasira ko, ni Liza, at ng relasyon ko kay Julie Ann. Pero ngayon, wala na akong galit. Mayroon na lang akong tanong: Bakit? Pinapasok ako ng staff, matapos kong sabihin kung sino ako. At sa isang maliit na receiving area, dumating ang mga magulang ni Kristine. Nakangiti ang ginang, pero bakas sa mukha ang pagod at guilt. “Mark,” mahinang bati niya. “Hindi ko akalaing darating k

