Episode 4

2082 Words
Chapter 4 Julie Ann Habang nagpa-punch ako ng mga pinang-rocery ng mga customer matamis naman ang mga ngiti ko. Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung pinapakilig ako ni Mark? Tatlong araw na ang lumipas simula noong magkasama kami. Ganito pala talaga kapag na-inlove ang sarap sa pakiramdam. Ang saya-saya ng puso ko. Noon kasi hindi ko pinapansin ang mga nanliligaw sa akin dahil ang akala ko sakit lang sa ulo ang magmahal. Subalit hindi ko naman akalain na ganito pala ang pakiramdam na may sinisinta. Kaya pagsapit ng gabi hindi ko maiwasan na hindi maikwento kay Danica, ang tungkol sa amin ni Mark. "Hindi ka pa tulog?" nakangiti kung tanong kay Danica. Nagpapahangin ito sa labas ng bahay ni Mrs. Damerkan. Si Danica, ang kaibigan ko at malapit na rin silang ikasal ni Sir Alp, ang kaibigan ni Mark. Hindi pa ako makakatulog. Bakit gising ka pa?" tanong naman nito sa akin. "Paano kasi si Mark, hindi ako pinapatulog. Parang gusto ko na rin mag-asawa, Dani. In love na in love talaga ako kay Mark," nakangiti ko pang sabi sa kanya. "Ikaw tigil-tigilan mo 'yang nararamdaman mo. Hindi mo pa lubos na kilala si Mark. Saka bakit mo ibinigay kaagad ang bataan mo sa kanya?" tanong pa ni Danica sa akin. "Eh, bakit ikaw? Ibinigay mo rin ang sarili mo kay Sir Alp, kahit hindi mo naman siya kilala noon. At least, ako kilala ko kung sino ang binigyan ko ng katawan ko, eh ikaw? Noong kailan mo lang nalaman na si Sir Alp, ang tatay ng anak mo," sagot ko naman sa kaniya. "Iba naman kasi ang sitwasyon natin. Nalasing ako noon, kaya akala ko nananaginip lang ako," katwiran naman sa akin ni Danica, "Pareho lang din iyon. Nalasing din ako noon may nangyari sa amin ni Mark sa kangkungan. Malapit na pala ang kasal ninyo ni Sir Alp. Sana pagkatapos ng kasal niyno kami naman ni Mark ang ikakasal," kinikilig ko pang sabi kay Danica. "Sana nga panindigan ka ni Mark," sabi naman nito sa akin. "Nagpaalam na ako kay Mrs. Damerkan, na aalis na ako sa grocery store niya," sabi ko naman kay Danica. Nagulat pa nga ito sa sinabi ko. "Bakit ka naman aalis? Maganda naman ng trabaho mo rito? Libre na ang lahat, libre ang, bahay mo, libre ang pagkain mo. Wala ka ng babayarang kuryente at tubig," sabi pa ni Danica sa akin. "Kasi naman Danica, hindi habang buhay magtatrabaho ako sa ibang tao. Balak ko kasi na magpatayo ng bakery. At lingid sa kaalaman ni Mark, nakakuha ako ng pwesto malapit sa talyer niya. Kasi pangarap ko talaga noon na magkaroon ako ng sariling bakery o hindi kaya grocery store. Sapat naman ang pera na naipon ko, kaya ko gusto kong subukan mag-business," sabi ko pa kay Danica. Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay. "Kung alin ang sa tingin mo makakabuti sa'yo gawin mo. Nandito lang ako handa kang suportahan. Sana maging successful ka sa binabalak mong negosyo," sabi pa ni Danica sa akin. "Salamat, talaga. Tsaka hindi ba pagkatapos ng kasal ninyo ni Sir Alp, doon na kayo sa condo niya titira?" tanong ko naman kay Danica. "Oo, pero pupunta-punta rin kami rito," sagot naman nito sa akin. Tumango-tango lang ako sa kanya. Maya-maya pa pumasok na kami sa loob. Mag-isa na lang ako sa akin sikid dahil doon na siya natutulog sa silid nila ni Sir Alp. Nasa labas ng bahay nila Mr. Damerkan, ang tinutuluyan ko. Sa gilid lang ng bahay nila. Sakto naman nang makahiga na ako sa aking higaan ay tumawag sa akin si Mark. "Naistorbo ba kita?" tanong nito sa akin sa kabilang linya. "Hindi naman kapapasok ko lang galing sa labas nagpapahangin," nakangiti ko naman na sagot sa kaniya. "Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ako makakatulog dahil iniisip kita. Hindi ko na mahintay ang weekend, para makasama ka ulit," sabi pa sa akin ni Mark. Syempre, kilig na kilig na naman ako. Lalo na kapag naiisip ko ang mga masayang pinagsaluhan naming maiksing panahon. "Huwag kang mag-alala dahil sa mga susunod na linggo, araw-araw na tayo magkasama," kinikilig kong sabi sa kaniya. Hindi niya alam na ako ang nakakuha ng pwesto sa tabi ng talyer niya. Matagal na iyong bakante at mabuti na lang nakausap ko ang may-ari at pumayag siya na uupahan ko ang pwesto na iyon at gawing bakery. Parang malayo kasi ang mga bakery doon sa pwesto ni Mark. Ang kagandahan pa malapit pa iyon sa pwesto ng paradahan ng jeep. "Paano mo naman nasabi na araw-araw tayo makasama? May trabaho ka pa naman kina, Mrs. Damerkan," sabi pa nito sa akin. "Kapag gusto naman natin magsama araw-araw magagawa naman natin iyon, hindi ba? Ayaw mo pa kasi ako isama riyan sa talyer mo. Para naman may tagaluto ka na at may tagalaba ng mga marurumi mong damit," sabi ko pa sa kanya. "Hindi nga pwede dahil puro kami mga lalaki rito. Mabuti sana kung mag-isa lang ako rito sa talyer, alam mo naman na dito rin nakatira ang mga tauhan ko," sabi naman nito sa akin. "Oo, na! Naiintindihan kita. Matulog ka na, dahil ano oras na?" wika ko naman sa kanya. "Sige, ikaw rin matulog ka na," sabi naman nito sa akin. "Good night, I love you," sabi ko. "Good night," tugon naman niya sa akin. Hinintay ko pa na mag I love you siya sa akin, subalit naputol lang ang kabilang linya hindi man lang siya nag-a-I love you sa akin. Nagtataka ako kung bakit hindi man lang niya tinutugunan ang pag-I love you ko sa kaniya? Napabuntong hininga na lang ako ng malalim at natulog. *** Lumipas pa ang dalawang linggo, ito ang araw na aalis na ako sa poder ni Misis Damerkan. "Mag-ingat ka, Julie Ann. Kapag gusto mo pang bumalik dito sa amin welcome ka," sabi pa sa akin ni Mrs. Damerkan. Napakabait niyang amo, kaya nanghihinayang nga ako na umalis. Subalit hindi rin ako uusad kapag hindi ko isinakripisyo ang trabaho ko. "Opo, Ma'am. Susubukan ko lang naman na magnegosyo. Hayaan niyo po dadalawin ko kayo rito ng madalas," sabi ko sa kaniya. Sa kaniya lang ako nagpaalam at kagabi pa ako nagpaalam kay Danica. Naroon kasi siya sa condo unit ni Sir Alp ngayon. "Sige, good luck sa negosyo mo. Sana magtagumpay ka," nakangiti pang sabi sa akin ni Mrs. Damerkan. Yumakap naman ako sa kanya. "Salamat po, Ma'am. Napakabait niyo po. Hindi ko kayo makakalimutan," maluha-luha ko pang sabi sa kaniya. Pagkatapos kung magpaalam sa kanya ay sumakay na ako sa taxi. Hinatid na ako nito sa pwesto ko sa bakery shop. Pinangalanan kong Celikol Pandesal bakery shop ang pwesto ko. Bukas na ako magbubukas. May kasama naman ako si Neneng. Subalit stay out siya. Ako lang ang mga gumagawa ng pandesal at ibang tinapay. Pandesal lang muna ang binibinta ko at ang bread roll. Saka na ako magdagdag ng mga tinapay kapag may mga tauhan na ako at buminta ang pandesalan ko. Hindi alam ni Mark, na lumipat na ako at magkatabi lang kami ng pwesto. Gusto ko kasi siyang surpresahin. Inayos ko na lang muna ang mga gagamitin ko sa pag-bake. Kailangan kasi mamaya madaling araw may naka-display na sa stante ng mga pandesal. Kaya pinipreper ko na ang mga kailangan kong gamitin sa pag-bake. Alas-kwatro ng hapon na ako nakatapos sa pag-aayos ng mga gagamitin ko. Hindi ko rin muna sinasagot ang mga tawag ni Mark. Kaninang umaga pa ito tumatawag, subalit sinadya ko na hindi sagutin ang mga tawag niya. Isa pa busy rin kasi ako kanina. Medyo malaki rin ang pwesto na ito, kaya pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko naupo ako sa sofa, Saka lang ako nakahawak ng cellphone at nakita ko ang maraming missed call ni Mark. My text message pa nga ito sa akin. Ngayon ko lang ito babasahin. Mark: Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, babe? May nagawa ba akong mali sa'yo? Gusto sana kitang yayain manood ng sine. Wala ka namang pasok bukas, hindi ba?" Nakangiti ako habang binabasa ko ang text message niya, kaya tinawagan ko na lang siya. Ilang sandali pa nasa kabilang linya na siya. "Babe, kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" tanong pa nito sa akin na para bang sa tuno ng boses niya naiinis ito sa hindi ko pagsagot ng tawag niya kanina. "Pasensya ka na busy kasi ako babe, sa trabaho. Ngayon lang ako nakapahinga," sagot ko sa kanya sa kabilang linya. "Wala ka na bang ginagawa ngayon?" tanong niya pa sa akin. Dalawang linggo kasi kami na hindi nagkita. Nag-out of town kasi siya. "Marami pa akong gagawin at bukas may trabaho pa ako," sabi ko naman sa kanya. "Saan ka ba ngayon?" tanong ko pa. "Nandito ako sa talyer. Kahapon lang ako dumating. Yayayain sana kita mamaya na manood ng sine. Kaso busy ka naman," sabi pa nito sa akin. Sa tono ng boses niya mukhang nagtatampo siya. "Maaga pa naman, kaya pwede pa tayong manood ng sine sa mall. Kaso hindi ako pwedeng gabihin ng husto. Kailangan pagsapit ng 8:00 ng gabi nakauwi na ako dahil marami pa akong aasikasuhin sa madaling araw. Kaya hindi ako pwedeng magpuyat," sabi ko pa sa kaniya. Bumuntong hininga naman siya ng malalim. "Akala ko pa naman makakasama kita ng buong gabi," protesta pa nito sa akin. "Pasensya na babe, pero kailangan kong umuwi ng maaga. Pwede pa naman tayo makapanood ng sine ngayon, basta maaga ako uuwi," wika ko pa ka sa kanya. "Sige, manood tayo ng seni at sa labas na lang tayo maghapunan mamaya," sabi niya pa sa akin. "Okay, pupuntahan kita ngayon sa shop mo," sabi ko pa sa kanya. "Sige hihintayin kita rito," tugon naman niya sa akin. Pinatay ko na ang cellphone at dali-dali na akong nag-ayos ng aking sarili. Naligo pa ako dahil gusto ko fresh ako at mabango sa tuwing niyayakap niya ako. Pagkatapos kong maligo inayos ko na ang sarili ko at pagkatapos lumabas ako ng pwesto ko. Maya-maya pa naglakad na ako patungo sa pwesto ni Mark. Wala naman siya sa labas, kaya nagtanong na ako sa kanyang mga kasamahan. "Saan si Mark?" "Naroon po sa silid niya, Ma'am. Pumasok na lang po kayo," sabi naman sa akin ng isang Mama. "Baka mamaya ibang silid ang mapasukan ko?" nakangiti ko naman na sabi kay Manong. "Hali kayo, Ma'am. Ituturo ko po sa inyo ang silid niya," sabi naman ng Mama sa akin. Malaki kasi ang pwesto ng talyer ni Mark. Separate ang talier sa bahay na tinutuluyan nila. Akala ko nga magkadikit lang subalit papasok ka pa pala bago ka makarating sa bahay na tinutuluyan niya. "Iba na naman ang babae ni boss!" Narinig ko pang sabi ng binatilyo sa kasamahan nito. Lumingom naman si Manong sa binatilyo na kasamahan niya. "Magtrabaho ka riyan. Ang bunganga mo, mamaya iisipin ni Ma'am na totoo ang sinasabi mo," sabi pa ni Manong sa binatilyo. Bumaling naman si Manong sa akin. "Huwag mo ng pansinin Ma'am, ang sinabi ng kasamahan ko. Mapagbiro talaga iyan," sabi pa ni Manong sa akin. Tipid lang ako na ngumiti sa kaniya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng binata. Sinamahan niya ako patungo sa silid ni Mark. "Ayan po 'yong silid ni Sir, Ma'am. Katukin mo na lang," sabi pa ni Manong sa akin at tumalikod na siya. "Kinantok ko naman ang silid ni Mark. Maya-maya pa bumukas ang pintuan. "Babe, nandito ka na pala. Pumasok ka pasensya na nakatulog ako," sabi niya sa akin at binuksan niya ng malawak ang pintuan. Pumasok ako at ganoon na lang ang paghanga ko dahil napakalinis ng silid ni mark. May maliit lang siya na tv at upuan at nariyan na rin ang kama niya. "Parang ang bilis mo naman makarating? Hindi ba ma-traffic?" tanong niya sa akin. Umiling-iling naman ako sa kanya. "Bakit hindi ka pa nakabihis? Saan mall ba tayo manonood ng sine?" tanong ko sa kanya. "Pwede rin sa mall of asia. Pero, bago tayo pumunta doon pa hali ka muna. Sobrang na-miss kita," sabi pa nito sa akin at niyakap niya ako at siniil ng halik sa aking labi. Na-miss ko rin siya ng sobra. Dalawang linggo palang nga na hindi kami nagkikita parang dalawang taon na iyon para sa akin. "Ang bango talaga ng babe ko. Sobrang na-miss kita," nakangiti niya pang sabi sa akin pagkatapos niya akong siilin ng halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD