Chapter 5
Julie Ann
Lumipas pa ang ilang linggo at buwan sumapit ang araw ng kasal ni Danica at Alp. Syempre dahil magkaibigan kami, ako ang ginawa niyang abay sa kasal niya. Isa rin si Mark na bestman ng groom. Sa mga araw na nagdaan maayos naman ang pagsasama namin ni Mark, bilang magkasintahan, subalit hindi na ganoon kadalas kami magsama. Lalo na at busy siya palagi sa talyer niya. Ako naman ay busy sa bake shop ko. Gano'n pa man nagsasama naman kami sa dalawang beses sa isang linggo. Kung kailan kasi na malapit na ako sa talyer palagi naman siyang wala dahil naroon siya palagi sa kabila niyang shop sa Quezon City.
Subalit ngayong araw, sinigurado ko talaga na maganda ako sa paningin ni Mark. Kasalukuyan narito kami sa Cavite, kung saan ginaganap ang reception ng kasal ni Dani at Alp.
Kanina ko pa hinahanap ng aking mata si Mark, subalit hindi ko siya mahanap. Naisip ko na baka nasa labas siya ng reception, kaya pagkatapos ng kainan pumunta ako sa labas. Subalit gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko si Mark nakasakay sa kaniyang kotse at may kahalikang babae.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ng puso ko nang makita siya na may kahalikang iba.
Natulala ako at hindi ko alam kung paano ko ihakbang ang aking mga paa. Subalit ilang sandali pa napatingin siya sa akin, kaya nagulat pa siya ng makita ako.
Kusang pumatak ng sunod-sunod ang mga luha ko. Umiling-iling ako na hindi makapaniwala na nagawa niya akong lokohin. Hindi ko iyon matatanggap.
"Julie!'' narinig ko na tawag niya sa pangalan ko nang tumalikod ako. Bumaba siya sa kotse niya. Hindi ko pinansin ang tawag niya at gusto kong makalayo sa kaniya.
Subalit naabutan niya ako at hinablot niya ang aking kamay. "Mag-usap tayo!'' sabi niya sa akin.
Napahinto ako at pinunasan ang mga luha na masaganang umaagos. Bumaling ako sa kaniya.
"Sino ang babaeng kahalikan mo? Kailang mo pa ako niloloko? Anong nagawa ko sa'yo?'' puno ng panunumbat kong tanong sa kaniya.
"Let me explain,'' mahina niyang sabi sa akin.
"Sa araw ng kasal ng mga kaibigan natin talaga, Mark? Saan ako nagkulang? Lahat naman halos binigay ko sa'yo, upang mapaligaya ka lang, bakit mo ako niloko?'' umiiyak kong tanong sa kaniya.
Hindi siya nakasagot nang lumapit ang babae. "Babe, what's going on?'' tanong ng babae at pinalupot niya ang kamay niya kay Mark.
Malalim akong bumuntong hininga at tumalikod. Dali-dali akong nagtungo sa banyo upang doon ibuhos ang aking mga luha at sama ng loob. Kailan pa kaya sila ng babaeng iyon? Kailan niya pa ako niloloko? Hindi ako makakapayag na basta na lang niya ako itapon. Hindi ako magpapatalo sa babaeng iyon. aking lang si Mark at sa akin lang dapat ang puso niya.
Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag mapahagulgol dahil nakakahiya sa nakakarinig. Pagkatapos ng handaan sa kasal nila Dani at Alp, nagpaalam na ako sa kanilang mag-asawa.
Hindi na lang ako nagpahalata kay Dani, na broken hearterd ako ngayon.
Umuwi ako sa hotel na nirentahan ni Dani at Alp para sa mga abay. Nagbihis lang ako at nagtungo sa tabi ng dagat upang makalimutan ang nakita ko kanina. Parang tinutusok kasi ang puso ko sa tuwing naalala ko ang nakita ko kanina. Sino ang hindi masaktan kung ang boyfriend mo ay may kahalikang iba?
Nag-order ako ng alak at naglakad-lakad sa tabi ng dagat. Maliwanag naman ang buwan at maraming namamasyal. Para akong baliw na umiiyak habang tinutungga ko ang alak.
Subalit ilang sandali pa may umagaw sa iniinom kong alak. "Ano ba?'' protesta ko ko sa kumuha ng aking alak.
Paglingon ko natawa ako ng nakakauyam dahil si Mark ang nakita ko. "Anong ginagawa mo rito?'' tiim bagang kong tanong sa kaniya.
"Gusto ko mag-usap tayo ng masinsinan,'' sabi niya sa akin. Hinila niya ako at dinala niya ako sa isang lugar na hindi matao.
"Anong pag-uusapan natin? Pag-uusapan ba natin kung paano mo ako niloko?'' pagak na tawa kong tanong sa kaniya.
"Matagal ko ng girlfriend si Kristine. Pumunta lang siya sa ibang bansa upang magtapos ng kaniyang pag-aaral. Nangako ako sa kaniya na pagkatapos niyang mag-aral magpapakasal kaming dalawa.''
Parang malakas na bomba ang sumabog sa aking tainga nang marinig ko ang sinabi ni Mark. Malakas na sampal din ang ipinadapo ko sa pisngi niya. "So, mula simula niloloko mo lang pala ako! May girlfriend ka, pero pinatulan mo ako?'' panunumbat kong tanong sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak dahil sa sobrang sakit.
"I'm sorry, Julie Ann. Hindi kita mahal at ang nangyari sa atin akala ko wala lang iyon. Ginusto mo rin naman ang nangyari sa atin,'' sabi niya pa sa akin.
Parang lahat na ng patalim isinaksak niya na sa puso ko. "Ginamit mo lang ako para mapunan ang pangangailangan ng katawan mo, habang wala ang girlfriend mo. Niloko mo lang pala ako. Subalit tandaan mo may obligasyon ka pa rin sa akin dahil ikaw ang unang bumaboy sa katawan ko!'' galit kong sabi sa kaniya.
"Babayaran kita. Kahit magkano pa ang hingiin mo. Basta, layuan mo lang ako. Ayaw ko masaktan ang damdamin ni Kristine dahil mahal ko siya,'' mariin niyang sabi sa akin.
Hindi ko akalain na ang lalaking pinagkakatiwalaan ko ng aking sarili inaayawan na ako.
"Paano ako, Mark?'' tanging naitanong ko na lang sa kaniya.
"Tapusin na natin kung anuman ang mayro'n tayo. Magpapakasal na rin kami ni Kristine. Kung pwede sana huwag mo na kaming guluhin pa,'' sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang pagsubok na ito sa akin. Una kong pag-ibig bigo kaagad ako.
"Pinaasa mo lang ako. Ito ang tatandaan mo. Kahit kailan hindi ka makawala sa akin!'' mariin kong sabi kay Mark. Hindi ako papayag na basta biya na lang ako iiwanan.
"Sorry, kung nasaktan man kita. Kaya gusto ko na matapos ang lahat sa atin, para maka-move on ka na rin,'' sabi niya sa akin.
"Maka-move on? Pagkatapos mo akong pagsawahan gano'n na lang kadali sa'yo na iwanan ako? Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin!'' galit kong sabi sa kaniya.
Tinalikuran ko na siya. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya pa dahil lalo lang ako nasasaktan. Tumakbo ako at walang dereksyon ang aking mga paa kung saan pupunta. Ito yata ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Subalit hindi ako basta susuko na lang.
Kinabukasan maaga akong umuwi sa Paranaque. Nag-taxi lang ako. Tumuloy ako bake shop. Nakita ko na may mga bumibili ng tinapay subalit pumasok lang ako sa aking silid. Si Nene ang naiwan dito. Marunong din naman siya mag-bake dahil tinuruan ko siya. Humiga ako sa aking kama. Ayaw ko makaabala kay Dani dahil ayaw ko masira ang honeymoon nila ni Sir Alp.
Habang nakahiga ako tumawag naman sa akin si Mrs. Damerkan. Matamlay kong sinagot ang tawag niya.
"Julie, saan ka?'' tanong nito sa akin.
"Pasensya na, Ma'am. Maaga kasi ako umuwi dahil mag-isa lang si Nene rito sa bakery. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo.'' sabi ko sa kaniya.
"Ang aga mo pala umuwi. Ipapakilala sana kita sa kaibigan ko. Naghahanap siya ng gumagawa o nagbe-bake ng tinapay,'' sabi ni Mrs. Damerkan sa akin.
"Nako, pasensya na po talaga, Ma'am. Kailan niya ba kailangan ang tinapay?'' tanong ko sa kaniya sa kabilang linya.
"Sa susunod na linggo. Kaarawan kasi ng Mommy niya. Eh, ang matanda gusto ipag-bake siya ng mga tinapay. At syempre cake na rin. Naalala kita, kaya ikaw sana ang ire-rekomenda ko. Malaki magbigay ito.''
Parang naging interesado ako sa sinabi ni Mrs. Damerkan. Isa pa, nahihiya rin ako na tanggihan siya.
"Pwede naman po siguro kami magkita ng kaibigan mo, Ma'am. At pag-uusapan na lang namin kung ano ang mga tinapay na ipapagawa niya,'' sabi ko kay Mrs. Damerkan.
"Siya, sige. Ibigay ko na lang sa kaniya ang contact number mo para bahala na kayo mag-usap.'' Napatango-tango pa ako sa sinabi ni Mrs. Damerkan.
"Sige, Ma'am. Salamat sa pagrekomenda mo sa akin sa kaibigan ko,'' sabi ko sa kaniya. Pinatay ko na ang cellphone at umidlip na lang muna ako. Halos wala akong tulog kagabi dahil sa kaiiyak.
***
Dalawang araw ang nakalipas nang makipag-break sa akin si Mark. Hindi rin siya nakapunta rito sa talyer niya. Tinatawagan ko ang cellphone niya subalit hindi niya ito sinasagot. Pinapatayan niya ako. HIndi ko alam subalit hinayaan ko ang sarili ko na maghabol sa kaniya. Para kung sakaling mapagod na ako hindi ko na maramdaman ang sakit. Hinahayaan ko na mahibang ako kay Mark, kahit harap-harapan niyang sinabi sa akin na hindi niya ako mahal. May iba na pala siyang mahal subalit hindi ako susuko.
Kinabukasan nakipagkita ako sa kaibigan ni Mrs. Damerkan sa isang coffee shop dito sa Laspinas. Mabuti na lang ako ang nauna sa kaniya. Nakakahiya naman kung siya ang maghihintay sa akin.
Ilang sandali pa nakita ko na siya na pmasok dito sa loob ng coffee shop. Nag-video call na kasi kami kagabi para makita na namin ang isa't isa. Matamis at malawak naman ang mga ngiti nito sa kaniyang labi.
"Hi, Julie. How are you, iha? Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?'' tanong niya sa akin at nakipagbiso-biso pa ito sa akin.
"Wala pa pong 3 minutes akong dumating Madam, Lida. Maupo po kayo,'' matamis na ngiti kong sabi sa kaniya. Kahit ang totoo ilang araw na nawasak ang puso ko.
"Well, ano ang gusto mong coffee?'' tanong niya sa akin.
"Creamy Latte na lang po sa akin,'' sabi ko sa kaniya.
"Okay, ako na ang manlilibre sa'yo dahil naabala pa kita,'' sabi niya sa akin. Bumaling siya sa waiter at kinawayan niya ito.
"Hindi ko akalain na napakaganda mo pala, iha. Magaling ka raw mag-bake sabi ng amega ko.'' Napangiti ako sa papuri niyang iyon sa akin. Totoo naman talaga na maganda ako hindi iyon sa pagmamayabang.
"Opo, Madam. Mayro'n po akong maliit na bakery at palagi nga po sold out ang pandesal ko. Nagsisimula pa po kasi ako,'' sabi ko sa kaniya.
Tumango-tango naman siya sa akin. Ilang sandali pa dumating ang waiter. Si Madam Lida, na ang humarap sa waiter. May dalawang slice na cake pa siyang in-order para sa aming dalawa.
"Kaarawan ng Mommy ko sa susunod na linggo. Dahil matanda na gusto niya mag-bake ng cake at mga tinapay. Kaso ang gusto niya may kasama siya sa pag-bake. Lalo na at gusto niyang ipatikim sa apo niya. Laging busy kasi ang anak ko, kaya minsan lang umuuwi sa bahay. Gusto ng Mommy ko na ipag-bake ng tinapay ang kaniyang apo,'' paninimula ni Madam Lida sa akin pagkatapos niyang kausapin ang waiter.
"Sa inyo po ako magbe-bake?'' paniniguardo kong tanong sa kaniya. Akala ko kasi mag-order lang siya at i-dilever ko lang sa kanila.
"Yes, Iha. Doon ka sa bahay mag-bake kasama ang Mommy ko. Huwag ka mag-alala dodoblehin ko ang bayad sa'yo. May boyfriend ka na ba, iha?'' nakangiti niyang tanong sa akin. Hindi ko inaasahan ang huli niyang tanong sa akin.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na nagkaroon ako ng boyfriend na pinaglaruan lang ako.
"Wala po,'' tipid kong sagot sa kaniya.
"Good! Napakaganda mo talaga, iha. At sa tingin ko mukhang mabait ka rin dahil hindi ka magtatagal kay Mrs. Damerkan, kung hindi ka mabait,'' sabi nito sa akin.
Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. "Salamat po. Ilang tinapay po ba ang gagawin?'' tanong ko sa kaniya.
"Depende kay Mommy. Gusto niya lang kasi na ipag-bake ang apo niya. Huwag ka mag-alala dahil kompleto naman ang gamit sa bahay at kami na rin ang bahal sa mga ingredients,'' sabi ni Madam Lida sa akin.
Ayos naman sa akin kapag gano'n dahil hindi ko na kailangan bitbitin ang mga gamit ko sa bakeshop. Ilang sandali pa dinala na ng waiter ang in-order naming kape.
Agad kong nakagaanan ng loob si Madam Lida. Mukhang mabait din kasi ito.
"Ano ang tinapos mong pag-aaral, iha?'' tanong niya sa akin.
Uminom muna ako ng kape bago ko sinagot ang tanong niya. "Two years course lang po ang natapos ko. Computer Secretary ang kinuha kong kurso,'' sagot ko kay Mrs. Damerkan. Hindi ko naman afford na kumuha ng four years course dahil ako lang naman ang nagpapaaral sa sarili ko. Ulilang lubos na ako at ang Lola ko ang nagpalaki sa akin, subalit sumakabilang na rin siya.
Kaya ngayon lang ako nagka-boyfriend dahil priority ko ang pag-aaral ko noon at ang trabaho ko. Nagka-boyfriend nga ako palpak naman. Subalit kung inaakala ni Mark na gano'n niya ako kabilis mapasuko nagkakamali siya. Sisiguraduhin ko na mamahalin niya ako at hindi matutuloy ang kasal nila ng girlfriend niya!