Episode 58

1998 Words

Chapter 58 Julie Ann Amoy putik pa rin ang umaga. Pagdilat ko, wala pa ring kuryente. Mainit. Malagkit ang pakiramdam ko. Para bang kahit anong linis ang gawin ko kahapon, hindi pa rin sapat para matanggal ang bigat sa paligid—at sa dibdib ko. Pero ang una kong narinig? Kaluskos ng walis sa labas. Tiningnan ko mula sa bintana. Nakita ko si Mark. Walang suot na pang-itaas, pawisan, abalang-abala sa pagsabon ng labas ng bahay. May hawak na timba at brush, parang hindi napuyat, parang wala lang ang lahat ng nangyari kagabi. Umiling ako. Hayop talaga ‘to. Kahit kailan, basta gusto niyang gawin ang isang bagay, gagawin niya. Kahit pinapalayas ko na nga siya. Kahit hindi pa ako handang tanggapin siya. Tumayo ako, nagbihis, at lumabas ng kwarto. Diretso ako sa kusina. Nag-init ng tubig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD