Chapter 14

1387 Words
SA HULI AY hindi na pinatawag ni Clip si Romano kay Monique. Tama nang si Monique lang ang nakakaalam kung ano ang estado niya sa buhay. Instead, she called Mr. Blue. “It’s been a while,” bungad ng kabilang linya. Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil kasama niya sa sala na hindi mukhang sala si Monique. Lumabas siya ng bahay para makausap ng maayos ang lalake. “Do you need anything?” tanong pa ni Mr. Blue. “I’ve fallen hard enough to need your help, Mr. Blue,” piping wika niya. Nahihiya siya pero kakapalan na niya ang kanyang mukha. She only needed a folding bed and a few pillows to last the night. Bukas na bukas din ay isasama niya iyon sa bibilhin niya. “Pwede na ba tayong mag-usap, Luna?” tawag nito sa kanya. Pagkarinig sa kanyang pangalan ay may bumikig sa kanyang lalamunan. At this point, wala na siyang pakialam kung bakit walang tumatawag ng ‘Dominique’ sa kanya. Mr. Blue made it sound so lovely in her ears she doesn’t want to be called any other name. Fck Clipper. That girl is an addict, a user, a slut, all the bad things. Luna sounds like a good daughter. But instead what they got was this version of her. Nilabanan niya ang papausbong na iyak. “Yes, Mister. May bago na pala po akong address. I-text ko po sa inyo. Monique is here. I hope you don’t mind. She’s staying,” imporma niya rito. “That’s okay,” mabilis nitong sagot. “She’s keeping you company? Okay lang ba kayo riyan? Is there some sort of message you’re trying to send me and I’m just too stupid to realize it? No one’s pointing a gun to your head, right, Luna?” sunod-sunod na tanong nito. Pinunasan niya ang luhang kumawala. Natawa siya sa sinabi nito. “We’re okay here. But, I just need a favor po. If you will,” nahihiyang sabi niya, halos hindi na nga niya marinig ang sarili. “Tell me,” wika ng kabilang linya. “I need a folding bed, anything I can sleep on, and unused pillows, if you have one.” Napakagat siya ng kanyang labi. Hiyang-hiya siya sa sarili habang sinasabi iyon. Mula sa likuran niya ay nagsalita si Monique na hindi niya namalayang pinakinggan ang usapan nila. “You better come through, Sinatra! You better, or else…” banta nito. Nilingon niya ang kaibigan at pinatahimik ito. “Tell her I say I’ll see her soon,” anang lalake. She could imagine him smirking. “Okay, see ya,” paalam niya rito. Siya na ang unang nag-patay ng linya. Hinarap niya ang kaibigan at saka humalukipkip. Her friend was wearing a very snobbish look. “What?” tanong niya rito. Monique’s face contorted. “Why him? Why not Romano?” reklamo nito. “Nahiya ako bigla sa kaibigan mong iyon,” aniya na niyakap ang sarili at inilayo ang tingin. “Isa pa, ayokong makita niya kung saan ako tumutuloy ngayon. Mas masahol pa sa daga.” “Daga ka ba? May bahay ka nga, eh,” masungit na sabi ni Monique. “You’d rather have that old guy than our trusted friend.” “This old guy…” she trailed off. Huminga siya ng malalim. “I treat him as a friend, Monique. And he treats me equally as well.” Clip saw her friend roll her eyes. “F*cking boo hoo, Clip,” gagad ng isa. “Really? It’s as if you forgot how he treated you outside the botika,” paalala nito. Pumasok na siya sa loob ng bahay na walang kagamit-gamit. Sumunod si Monique. “Tama ako, ‘di ba? O kinalimutan mo na iyon? Para lang may matulugan ka ngayong gabi?” inis na inis na wika nito. Sa galit niya sa narinig ay padabog niya itong hinarap, ipinadyak pa ang isang paa. “How dare you say that to me!” Pinigilan niya ang sarili. They were okay before the phone call. “Okay, stop! I don’t want to fight with you.” Kinalma niya ang sarili. “Malaki ang pasasalamat ko na dumating ka ngayong gabi, Monique. Nilunok ko na ang lahat ng pride na meron ako nang humingi ako ng tulong sa ‘yo. You know me, Monique. I keep things to myself as long as I can help it. But I’m at my rock bottom. Hindi ko ito kaya ng mag-isa. And I’m so thankful that you’re here. More than I can say. Please, let me have this. You can’t imagine what he means to me. He let me be me when I’m with him.” Sinapo niya ang kanyang noo at naupo sa monoblock. “If I call Romano, if he sees me like this, hindi ko kaya.” Tiningala niya ito. Gulat ang rumehistro sa mukha nito. “Hindi ko kaya kasi siya na lang ang nag-iisang taong humahanga sa akin. Ng walang alinlangan. Despite of all the lies and truths thrown at me, nandiyan siya lagi. Alam mo iyong pakiramdam na may humahanga pa pala sa iyo dahil ikaw ‘yan?” mapaklang tanong niya. “I don’t want that feeling to go away. Vain na kung vain. Pero iyan ang totoo. I like keeping him around just because I know he’s attracted to me. And I don’t want him to see me like this.” Pinatigas niya ang damdamin nang muli niyang maramdaman ang paahong iyak. “Just like her momma.” Narinig niyang wika ni Monique. Muli niya itong tiningala. Tinitigan niya ito ng matalim. “She’s vain, right, your mom,” wika nito. Kinuha ang isang upuan at ipinuwesto iyon sa harap niya saka umupo. “She likes receiving gifts. Gusto laging tampulan ng atensyon. Kahit may asawa na, nakuha pang kumabit sa may asawa. Hindi man lang pumatol sa single at bagets,” natatawang sabi nito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “What’s your point, Monique? Bakit bigla mong dinadamay ang Mommy ko sa usapan?” singhal niya rito. “As I said,” she said matter-of-factly. “You’re like your mother. Vain and self-centered. Do you really want to be like her? As selfish and as spoiled as she is? Running under her mother’s protection when her sissy husband couldn’t grow a pair so he will beat her?” She scoffed. Naningkit ang mga mata niya sa narinig. This is what she has to deal with Monique. Always the change in mood and hurtful words. Hindi niya maiwasang isipin na may pinagdadaanan din ito dahil ganoon na lamang kung makapagsalita. Para itong nagla-lash out sa mundo. Sa mga tao sa paligid nito. Lalo na sa kanya. “I just feel… at peace,” wika ni Clip na ngayon ay nakatingin na sa kawalan. “When I’m with him. When I’m with Mr. Blue.” She heard Monique shudder. Pinilit niya ang sariling itutok ang mga mata rito. “What’s wrong with what I said?” “Mr. Blue,” gagad nito. “Why’s that? Ang creepy pakinggan.” “His stage name,” aniya. “Plus he’s older than me, hence the mister.” Monique crossed her hands at her chest. “And you don’t think he’s taking advantage of you?” Her brows furrowed. “Bakit mo naman nasabi?” Nagkibit-balikat ito. “Sabi-sabi lang.” Napapalatak siya. “Monique naman. Kung hindi nanggaling sa akin, huwag mong paniwalaan. Let them say what they want. We have a clean relationship, Mr. Blue and I. This place is so disgusting I can’t wait to get out.” “Ang tanong,” wika ni Monique. “Ano ang magpapabalik sa atin sa lugar na ito? I always feel like I’d die in this place.” She pursed her lips. “Yeah, me, too,” she whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD