Chapter 15

1068 Words
NASA sala si Joaquin sa bagong tirahan ni Luna at kanina pa nakabantay si Monique sa kanya. Ang balingkinitang babaeng may malagong buhok at maiksing pananamit ay nakatayo sa pinto ng kwarto ni Luna at binabantayan siya. Nakahalukipkip ito at panay ang tapik ng talampakan sa sahig. Nilinga niya ang paligid. Hindi na siya nag-aksayang maupo sa monoblock na in-offer ni Luna kaninang pagdating niya. Nakatayo lang siya sa gitna ng sala na walang kalaman-laman.  Tumikhim siya. “Is there anything else you need?” tanong niya sa dalawang babae. Sumilip si Luna mula sa loob ng kwarto nito. “Sorry, just a bit more. Inaayos ko lang itong dala mong folding bed. Salamat pala ulit, ha?” “No problem. And I’m not going anywhere. I can wait,” sagot niya.  “Kumain ka na ba?” tanong pa ni Luna. “Yeah, kanina pa.” Muling bumalik si Luna sa ginagawa nito. Sa gulat niya ay nilapitan siya ni Monique. Her eyes were cold, permeating and trying to see past his façade. “I don’t like you,” she whispered. Hindi siya sumagot. Tinapatan niya ang tingin nito.  “But you seem good for my friend,” dugtong ni Monique. Nagulat siya sa narinig pero hindi niya iyon pinahalata. “Do you have the balls to stick with her through thick and thin?” Monique asked. No doy. Of course he’d stick around. “I’m here, aren’t I?” sagot niya. Monique smiled, satisfied with his answer. “I expect you to keep a close eye on her whenever I’m not around.” Bago siya makasagot ay lumabas na ng kwarto si Luna. “Have you been talking behind my back?” mahihimigan ang tampo sa boses nito. Monique pouted. “Not really, Clip.” “She’s a sweetheart,” wika ni Joaquin na ikinalingon ni Monique. Umirap ang babae sa kanya. “She cares for you, Luna,” nakangiting sabi ni Joaquin sa una.  Mabilis na kinuha ni Monique ang bag sa mesa at humangos palabas. “I’m going now! May taxi ba rito?” Huminto ito at nilingon siya. “Can you take me back to my house?” “Wait, Monique!” habol ni Luna sa kaibigan. “Stay the night…” piping hiling nito. Luna’s friend was shocked. “You want me to sleep here?!” hindi makapaniwalang tanong nito. “Unless may dalang memory foam iyang Mr. Blue mo, it’s a hard pass for me.” Sumimangot si Luna. “I don’t think I’ll be able to sleep through the night.” “I’ll stay,” presenta ni Joaquin. Lumingon ang dalawa sa kanya. Hindi nakatakas sa paningin niya ang ginawang paghawak ni Monique sa kamay ni Luna. “No,” mariing wika ng babae. “She can handle this place. We better go, Sinatra Blue,” mariing tawag nito sa pangalan niya. “Sisiguraduhin ko munang maayos nating iiwan si Luna,” sagot niya. “Hindi ako kumportableng maiiwan ang kaibigan kong ito kasama ka,” wika ulit ni Monique. Ayaw papigil sa pakikipagtalo. Tiningnan niya ito. And here he is thinking that Monique wanted him to keep an eye at Luna. Naliwanagan siya bigla. “Wala akong ibang gagawin, Monique, kung iyon ang iniisip mo.” Sabay na napasinghap ang dalawa.  “Gross!” Luna shrieked. Monique acted as if she wanted to vomit. “Skram, old man!” Joaquin sighed. Napahawak siya sa ulo nang maramdamang sumakit iyon. Ang mga batang ito, kung anu-ano ang iniisip patungkol sa kanya. Nagkibit-balikat siya. Tiningnan niya si Monique. “I’m going to give you a ride, and then I’ll come back here.” Saka niya tinapunan ng tingin si Luna. “Mag-uusap pa tayo.” Napalunok ang babae. “Fine,” kunwa’y masungit na sagot nito. “Okay, hurry up,” pukaw ni Monique. Kinuha ni Joaquin ang helmet sa ibabaw ng mesa at nagpaalam na kay Luna. Binuksan niya ang top-box ng motorsiklo at kinuha ang spare helmet at inabot iyon kay Monique. Alanganin iyong tinanggap ng babae. Hindi ito nahiyang amuyin ang loob ng helmet. Napangiwi siya nang makitang nalukot ang mukha nito. Mabilis niya iyong kinuha at tsinek kung may amoy iyon. “Ang arte mo naman,” wika niya sabay abot pabalik ng helmet.  “Amoy shampoo,” reklamo ni Monique. “Sinu-sino na ang nagsuot niyan? Kadiri naman. Wala ka bang disposable shower cap diyan?” “Ano ako, Angkas?” balik niya rito. Ipinatong nito ang helmet sa ibabaw ng upuan ng motorsiklo. “I’ll be damned if I wear that.” “Not my skull getting bashed by an elf truck,” he warned. Monique angrily reached for the helmet. “Wait, are you a bad driver?” Her shrill voice was starting to get on his nerves. Umiling siya. “Just get on the goddamned seat, Monique.” Napalunok ang babae. “Geez.” Napilitan itong isuot ang helmet. “Lock it,” paalala niya rito. “How?” natatarantang tanong ng babae nang ito na lang ang hindi nakakaupo at siya ay na-start na ang motor. Inabot niya ang magkabilang dulo ng lock at ikinabit iyon. Ramdam niya ang titig ng babae sa kanya. He could feel her breathe on his fingers. There was a sudden jolt when his fingertip touched the side of her cheek. Monique brushed his hands aside.  Inangat nito ang sarili at naupo na sa bandang likuran niya. Sa buong biyahe ay iniimik lang nila ang isa’t isa kapag ang direksyon ng bahay nito ang pag-uusapan.  Mabilis ang naging pagkilos ni Monique nang huminto sila sa tapat ng bahay nito. “Thank you,” tahimik na sabi nito. “You’re welcome. Now I wanna see you get inside.” Monique rolled her eyes. “Ang demanding mo naman,” masungit na sabi nito. “Matulog ka na.” “Huwag mo akong utusan. Gabi na. Ano pa bang gagawin ko? Balikan mo na si Clip,” anito na patuloy sa pagtataray. “Just get inside,” aniya na ayaw na makipagtalo. Agad itong tumalima at pinanood siyang makaalis hanggang hindi na nito makita ni anino ng motor ni Joaquin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD