Chapter 5

1049 Words
NAKATULALA SA KAWALAN si Clip. Dalawang oras na siyang late sa unang klase niya. Nakabihis na siya’t lahat ngunit hindi niya magawang kumilos. Sumasakit na ang ulo niya kakaisip. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ipokus ang tingin sa paligid.  Magulo ang kwarto niya sanhi nang may nawawala siyang gamit. Kanina niya pa hinahanap ang debit card niya sa loob ng pitaka sa bag niya. Nakailang beses na siya ng halughog sa lahat ng sulok ng kwarto. Sa card na iyon lahat nakatago ang perang padala ni Alex. Ano na lang ang sasabihin ng nobyo niya kapag ibinalita niya rito na hindi niya matagpuan ang card na naglalaman ng allowance niya? One hundred pesos lang ang hawak niyang cash ngayon.  Palagay niya ay kagagawan ito ng Mommy niya. O ng Papa niya. Kahit sino sa dalawa. Baka nag-tandem pa nga sila. Mag-isa siya ngayon sa bahay kaya binalak niyang tawagan ang numero ng mga magulang. Doon niya naman nalaman na nawawala rin ang phone niya.  Talunan na naman siya. Hindi ito ang unang beses na kinuha ang phone niya. Dati ay ilang araw siyang walang koneksyon sa mundo, resulta na wala siyang kaalam-alam sa mga kaganapan sa school nila, kung anong bagong balita sa mga klase nila, kaya marami siyang na-miss noon. May hindi nalamang coverage ng exam na malaking porsyento ang kinain sa final result kaya bumagsak siya. Huling dalawang semestre na lang, kakayanin niya pa kaya?  Makapagtapos pa kaya siya ng Tourism sa lagay na ito?  Takot siyang i-check ang laptop niya at baka wala na namang WiFi connection. Itatago ng Mommy niya ang router para hindi siya makasagap ng connection. Kaya mapapagastos pa siya sa PC shop para lang maki-message sa mga kakilala.  Minabuti na lang niyang magpunta ng sala at tingnan kung nandoon pa ang router. Saglit niya lang tinapunan ng atensyon ang libreng espasyong pinaglalagakan ng router.  Kabisado niya ang numero ni Mr. Blue. Pinag-iisipan niya kung ite-text niya ito gamit ang libreng website na matatagpuan sa Internet. Pero ano ang sasabihin niya? Palagi na lang ganito. Kailangan niyang i-rehearse ang sasabihin kapag nalalagay siya sa alanganin. Ang musikero lang ang malalapitan niya ngayon dahil kung sina Monique naman ay malabong tumahimik ang mga ito sa kalagayan niya sa bahay. Hindi niya pa nahihingan ng tulong si Mr. Blue sa ganitong kalagayan dahil nahihiya siya. Si Alex ang lagi niyang kinakausap.  Ito ang unang beses na kinuha ang debit card niya kaya nahihiya siyang sabihin kay Alex na hindi niya hawak sa ngayon ang perang binigay nito.  Hindi niya magawang umiyak. Manhid na yata siya sa ganitong sitwasyon. Ang tanging pumapasok lang sa isip niya ay ano ang pwede niyang gawin sa maghapon para masabihan ang mga kaklase na hindi siya makakapasok, at kung paano siya makakabawi sa mga magulang. Hindi siya kakausapin ng mga ito. Kung hindi siya kikilos ay lalangawin na lang silang tatlo. Kailangan niyang magpakabait. Kapag ganito ay nagtatagal pa ng dalawa o tatlong araw ang pagka-badtrip ng Mommy at Papa niya sa kanya. Paano niya pagkakasyahin ang isandaang piso sa loob ng tatlong araw? Tinataon ng dalawa na nasa business trip ang Papa niya habang ang Mommy niya ay makikituloy sa Lolo’t Lola niya. Nasa kanya naman ang susi ng bahay nila. Pwede siyang makalabas. Kung mag-withdraw kaya siya ng pera sa counter? Nagligpit na lang muna siya ng kwarto niya saka lumabas. Nakarating siya sa labas ng subdivision nila at pinuntahan ang tinatawag nilang si Ka Toni. Hindi niya pa ito nakita kahit isang beses. Ang nakakausap niya lang lagi ay ang mga bubwit nito. Pumasok siya ng arcade at naglaro ng Pac-Man.  “Napapadalas ang dayo mo, boss, ah.” Tumabi ang isang patpating binatilyo at inagaw nito ang controler nang makain siya ng blue na ghost. “Patambay lang. Masama ba?” asik niya rito. Inambaan niya ito ng suntok. Hindi ito tuminag. “Bibili?” tanong nito. Umiling siya. “One hundred nga lang laman ng bulsa ko. Baka may mag-magandang loob, okay lang naman,” parinig niya.  “Tanga, nagpunta ka sa pinakamahirap na parte ng Bulacan tapos gusto mo magpaambon ng biyaya? Ano ka, anak ng Diyos?” patuloy nito habang nanggigigil na kinakabig ang kambyo. “‘Di ko sure,” sagot niya lang. “Psst,” anang sumitsit sa likuran nila. Nilingon nila ito at narinig nila ang pagkatalo sa laro ng patpating binatilyo.  “Ikaw,” turo sa kanya ng sumitsit. “Ano ang ginagawa mo rito? Akala ko ay huling beses mo nang gagamit?” anang lalake sabay labas ng maliit na glass pipe at sinindihan iyon.  Pinanood niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito. “Pwede ba ‘ko niyan?” tanong niya. Wala naman siyang ibang gagawin. Walang ibang mapupuntahan. “Wala kayong pasok? Bakit nandito ka?” tanong ulit ng bagong dating. “Hayaan mo na lang ako rito. Naglalaro lang naman ako. Hindi ka na nga nagsye-share ng blessing, eh,” sumbat niya rito. “Ano ba ang ginagawa ng isang dilag sa lungga ng mga nagtitinda ng iba’t ibang droga? Papatusin mo na naman ang weed? Bakit, boring na naman ba sa university mo? Imbis na nag-aaral ka, eh, baka matulad ka pa sa amin,” patuloy ng lalake. “Wala akong alam na ibang droga, boss,” singit ng binatilyo. “Legalize m*******a lang ang adbokasiya ko sa buhay.” “Kabisado mo na talaga ang linya mo kapag nagkahulihan,” sabi ni Clip rito. “Tangina, patay na naman!” sigaw ng binatilyo at hinampas ang machine sabay sipa. “Bulok.” “Umalis na kayo rito, wala kayong mapapala. Maaga pa. Maya pa bagsakan.” Tumalikod na ang lalake. Hindi niya alam ang pangalan ng dalawa. Basta underling ang mga ito ng tinatawag nilang Ka Toni. Wala siyang balak alamin ang pangalan ng kung sino mula sa lugar na ito. Sa sobrang curious niya maranasan ang sinasabi nilang high, sumubok siya ng pinagbabawal na d**o sa Pilipinas. Legal naman ito sa ibang bansa lalo na bilang pain control kung medicinal m*******a lang din naman ang pag-uusapan. Gusto niya sanang ma-high ngayon, mawala lang ang problema niya. Nagbaka-sakaling may magpa-‘free taste’ sa kanya. Kulang na lang ay mamalimos siya ng weed.  Umeskapo na ang binatilyo ng hindi nagpapaalam. Mayamaya pa ay may mga pumasok na batang hamog na naglaro ng kung anu-anong machine. Siya na lang ang matanda doon. At hindi niya pa magawang makain iyong cherry sa larong Pac-Man.  Pinaalis siya ng mga bata nang makitang nakatulala na lang siya. Agad din naman siyang umalis dahil takot siya sa mga ito. Mas matapang pa ang mga maliliit kaysa sa kanya. Minabuti na lang niyang lisanin ang lugar. Nag-iisip kung saang lupalop siya pupunta. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD