Chapter 6

1160 Words
HINDI NA NAKAYANAN ni Clip ang kalungkutan. Nakituloy muna siya kina Monique. Hindi niya sinabi ang tunay na dahilan. Iniwan niya ito sa isiping pinayagan siyang mag-sleepover kahit na may klase kinabukasan. Hindi niya rin sinabi na nag-withdraw siya over-the-counter para hindi ito magyaya lumabas.  Ngunit kahit ito ay bagot na bagot na. Gusto nitong lumabas kahit saglit lang, kahit school night, para lang maibsan ang kabagutan. Siya ay bored na rin naman sa kwarto ni Monique. Nagsa-soundtrip lang sila roon at naubos na ang baong kwento.  Nang lumabas si Monique ng kwarto nito upang mag-banyo ay isiningit niya ang pagtawag kay Mr. Blue. May spare phone siya na mumurahin lang. Nahihiya siyang ilabas iyon sa harap ni Monique dahil magdududa ito kung bakit naka-Samsung A3 siya. Nalalayo sa mamahalin niyang smart phone. “I just like hearing your voice. Ang lalim. Pinapakalma niya ako,” aniya sa kausap. Narinig niya ang papalapit na yabag ni Monique. Siya naman ang tumayo at lumabas ng kwarto. “Itulog ko na lang ‘to. Kesa magpuyat ako kaka-overthink. Thank you sa time, Mr. Blue,” saad niya. “Sleep tight, Luna. I’ll see you around.” Ni-lock niya ang phone nang tapos na ang tawag. Kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay nila Monique at nakatanaw sa kalangitan. Sa sala ay nakita niyang sinusuot ni Monique ang jacket nito habang naglalakad palapit sa kanya. Sa ilalim ng jacket nito ay nakasuot ito ng itim na halter top at denim skirt. Bitbit nito ang bag niya at saka iyon inabot sa kanya. Nang magkasama na sila sa labas ay nilabas nito ang telepono nito at may d-in-ial. “Hello, Romano, nag-aabang na kami sa labas ng bahay. Malapit ka na ba?” Napakunot-noo siya sa narinig. Ano na naman ang binabalak nitong gawin? At saan sila pupunta? Kapag ito ang magyaya ay malayo ang nararating nila.  Isinukbit niya ang bag sa balikat. Mabigat iyon at nagtataka nga siya kung bakit walang sinabi ang kaibigan tungkol doon. Pero si Monique ang pinag-uusapan dito. Malamang ay sinilip na nito ang bag niya. Nakita na siguro nito ang mga baon niyang damit, underwear, cash, at toiletries.  “Fifteen minutes pa raw, sabi ni Romano. Nagbibihis pa lang siya,” balita ni Monique. “Where are we going, Monique?” asked Clip. Matagal bago sumagot si Monique. “Tagaytay,” tipid na sagot nito. Maang siyang napatingin dito. “Anong oras na, bakit tutuloy pa tayo roon?” reklamo niya. “I don’t see you having your uniform with you,” balik nito.  Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag. “How about Romano? He agreed to this?” Monique rolled her eyes. “It’s fine.” Mula sa kung saan ay naglabas ito ng isang sigarilyo at sinindihan iyon. “Look, you look like s**t. You’re not your usual self. Romano is dying to leave Bulacan. I have cash. So… I don’t mind spending right now.” Tiningnan niya ang kanyang mga paa at nilaro-laro iyon. “But Romano… may pasok pa siya bukas.” Bumuntong-hininga ang kaibigan. Kumapit ang lipstick nitong rosa sa cigarette butt. “He likes spending time with us.”  Nagtinginan silang magkaibigan. “He likes it when he’s with you,” pagpapatuloy ni Monique. She stood there, hand in her chest, the other holding her cigarette beside her face. Monique was watching her intently. Her lip gloss and lipstick smudged. Highlights that sharpened her cheeks. Eyes that were piercing her.  “Did you run away?” There, she dropped it.  Clip has been dreading the question. Ayaw niyang binabahagi ang mga pribadong pangyayari sa buhay niya. Kilala niya ito. Matabil ang dila nito. Pero kahit ganoon ito, hindi niya ito magawang iwasan o iwan.  “No,” she answered plainly and simply. “Alex knows?” Nagkibit-balikat si Clip. “Mag-aalala lang ‘yon. He doesn’t need to know everything.” “Oh,” said Monique. Tumaas ang isang kilay nito. “So much for being his girlfriend.” Inikutan niya ito ng mga mata. “And what do you know about being someone’s girlfriend?”  Iningusan siya ni Monique sa narinig.  “Sorry,” hinging-paumanhin niya agad. Nabigla lang siya. “Nevermind,” ani Monique. “I’m sorry, Monique,” ulit niya. Tumalikod ito. “You don’t have to. You’re you and I’m me. You would have to say sorry a lot by being you and I’d just have to brace myself for hearing you repeat yourself over and over again. Alam ko naman. I’m a b***h. I don’t know why you put up with me. But yeah, you don’t have to say sorry every time you say something that you clearly mean.” “I put up with you because… you let me keep things to myself.” Pinanood niya ang pag-react ng katawan nito sa narinig. Natigil ito sa kinatatayuan nito. “You suck it up but you let me be. Iyon nga lang, ginagawan mo naman ng kwentong kakaiba.”  Natawa silang dalawa. Humarap ang kaibigan niya. “I do that to hurt you, you know,” Monique deadpanned. Tumango siya. “Manhid na yata ako.” “Ask me why I do it,” utos nito. “Monique,” aniya bago bumuntong-hininga. “Ganyan ka noon pa man. Mga bata pa man tayo. Sanay na ako. Pero ni minsan, hindi ko tinanong kung bakit. Tanggap ko na sa sistema ko na masama lang talaga ang ugali mo.” Tumango ang kausap niya. “That’s right. I’m a sick, jealous b***h. I need help.” Napatingin siya rito sa narinig. “Hey…” Humakbang siya palapit dito. “Not from you,” anito at naglakad palayo sa kanya. “Definitely not from you.” Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Ito ang una at posibleng huling beses na marinig niya ang pagtatapat nito. “Monique,” she called her. “Will you let me?” “No,” matigas nitong tugon. “Do you see me as your friend?” “Nagmamakaawa ka ba?” anito na may kasamang pang-uuyam. Gumuhit ang sakit sa kanyang dibdib.  “Huwag mo na masyadong isipin iyon. Okay lang ako,” anito. Hinarap siya nito at ngayon ay may ngiti na ito sa mga labi. “Okay lang ako,” ulit nito. Tumango siya at nginitian ito.  Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Binabalot siya ng kalungkutan. Parang gusto niyang magmakaawa matanggap lang siya ng mga tao sa kung sino siya, kung may tatanggap pa sa kanya bilang isang kaibigan.  Mahirap intindihin ang katulad nila ni Monique. Obsessed sila na panatilihin ang imahe nila gayong malinaw na kailangan nila ng tulong.  Kung hanggang saan nila kayang ipagpatuloy ang larong ito, walang nakakaalam. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD