*JACKIE's POV* Nagising ako nang wala na si Bruno sa tabi ko. Napatingala ako sa kisame habang nakatulala. Nakatapi lamang ng kumot ang katawan ko. Walang anomang saplot. Totoo ang lahat at hindi isang panaginip lang. May nangyari talaga samin ni Bruno. Napalunok ako habang inaalala ang mga nangyari. May dapat ba akong pagsisihan doon? Ako ang nagsimula at may gusto niyon kaya wala dapat akong pagsisihan. May pagtingin ako kay Bruno at iyon ang totoo. Napangiti ako at inalala ang mainit na sandaling pinagsaluhan namin kagabi. Hindi ko maiwasan ang kiligin. Ganoon pala kagaling si Bruno sa kama? Hindi ko akalain. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Mali ito. Hindi tama na mag-isip ako ng ganoon. Nagiging mahalay na yata talaga ako, bakit ba kasi ganito an

