*JACKIE's POV* Nakatitig lang ako kay Bruno habang umiinom ito ng kape. Magkatabi kami ngayon sa upuan. "Bakit?" bigla ay tanong niya sakin nang mapansin niya na kanina ko pa siya tinititigan? Bakit ba ang gwapo niya? Nakakainis na ang kagwapuhan niya ha! "Ang gwapo mo no?" sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya. "Sabi ko na nga ba at nagugwapuhan ka sakin eh," may pagmamalaking sabi nito. Totoo naman at hindi ko naman idini-deny ang bagay na iyon. "Talaga namang gwapo ka," sabi ko sa kaniya. Tumayo ako at lumapit ng upuan sa puwesto niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko lalo pa nang tumabi na ako sa kaniya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya habang nakatitig sakin na tila gulat na gulat. "A-anong ginagawa mo Jackie?" nauutal na sabi niya. Pinagmasdan ko ang mukha

