*JACKIE's POV* "Huy anong nginingiti-ngiti mo riyan?" puna sakin ni Marjorie. Ito yung nurse na kaibigan ko at kasamahan ko sa trabaho. Kumakain kami ng lunch ngayon. "H-ha? W-wala," sambit ko nang matauhan ako mula sa pagkatulala. Ewan ko ba. Nababaliw na yata ako. Napapangiti ako nang bigla-bigla tapos isang tao lang naman ang nasa isipan ko. Si Bruno. "Gagi, anong wala? Para kang timang na ngumingiti na lang bigla. Nakakaloka!" ani Marjorie sa akin habang binubuksan ang lalagyan nito ng ulam. "May naisip lang ako," sagot ko naman sa kaniya. "Inlove ka no?" bigla ay sabi nito sa akin. Namilog naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ako? In love? "In love? Hindi ko alam," sagot ko. "Sus! Sino ba yang lalaki na yan at mapintahan nga?" ani Marjorie sakin. Usyosera talaga ang

