CHAPTER 4 - Why

2263 Words
“OH god, is that Hestia?” “She’s so lucky to have a boyfriend like Mattrix.” “Sila na ba talaga? O baka naman... fling lang?” Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga bulungan na ‘yon ng nadaanan kong kumpulan ng mga babaeng estudyante. Kaagad na nag-init ang ulo ko. Gusto kong hablutin ang mga buhok nila. Bakit kailangan nilang pagtsismisan ang kaibigan ko? Humugot ako ng malalim na hininga at ikinalma ang sarili ko. Pilit kong nilampasan ang kumpulan ng mga babae nang walang ginagawang gulo. Katatapos pa lang ng sembreak at araw ng mga patay, puro init na agad ng ulo ang sasalubong sa akin. Hindi ko na nga na-enojoy ang nagdaan na sembreak, ganito pa ang mangyayari. Malalaki at mabibigat ang hakbang na nagagawa ko habang naglalakad paakyat ng hagdan dito sa fourth year building. I went here to see Hestia. Higit dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita. Kahit noong exam, hindi siya pumasok na labis kong ipinagtaka. Wala pa man ako sa room ni Hestia ay nakita ko na agad ito na naglalakad patungo sa gawi ko at mukhang pauwi na. Nakasuot siya ng headset at halata sa mukha niya na hindi siya nasisiyahan sa paligid niya. “Hestia!” I called her attention. Sinalubong ko siya sa paglalakad at sinabayan. Inalis niya ang headset sa tainga nang mapansin ang presensiya ko. “What?” she asked. “Are you okay?” una kong tanong. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero ang mga salitang ‘yon ang unang lumabas sa bibig ko. Maybe because I want to know if she’s okay. “Yeah...” I let out a deep sigh. She’s lying. “If you need a friend, just call me. I’m just here, okay?” paalala ko sa kanya. Napatigil kami sa paglalakad nang makasalubong namin ang dalawang pamilyar na lalaki. Napatingin sila sa amin ni Hestia nang mapansin nila kami. Ngumiti ako kay Chaos, pero agad din na bumalik ang tingin ko kay Hestia at kay Kuya Silent. Hindi nakatakas sa paningin ko ang titigan nilang dalawa. “I’m... I’m leaving," paalam ni Hestia sabay suot ulit ng headset niya at naglakad na palayo. Bumakas naman ang pagkagulo sa mukha ko nang maglakad na rin paalis si Kuya Silent at sinundan ang naglalakad na palayo na si Hestia. Okay... What’s with them? Puno ng tanong ang mukha ko na bumaling kay Chaos. “Anong... Anong meron sa kanila?” He shrugged. “They have something between them that no one knows what.” Mas napuno lang ng tanong ang isipan ko dahil sa itinugon niya. Naputol lang ang mga ‘yon nang mapansin kong naglalakad na palayo si Chaos. “Hey! Wait for me!” habol ko sa kanya. Bumagal naman ang lakad niya hanggang sa nasabayan ko na nga siya. “Where are you going?” pang-uusisa ko. “Home,” matipid niyang sambit. I pouted my lips. “Can I ask you a favor?” pinalambing ko pa ang boses ko. Tumigil si Chaos sa paglalakad at itinuon ang tingin sa akin. “What?” “Samahan mo ako sa mall, pretty please?” ipinagdikit ko pa ang palad at mas pinapungay ang mga mata. Sana lang ay gumana sa kanya ang charm ko. “No.” Mas humaba ang nguso ko. “Chaos, naman! Sige na, samahan mo na ako!” pagpupumilit ko sa kanya. Nagsimula na siyang maglakad ulit kaya dali-dali ko siyang sinabayan sa paglalakad. “Ang usapan natin, ‘pag nag top 1 ka saka kita ide-date," aniya. “Hindi naman date ang gagawin natin sa mall, sasamahan mo lang ako roon.” “It’s still a no," pagmamatigas ni Chaos. Bumakas ang inis sa pagmumukha ko. Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil din siya. Naguguluhan niya akong tiningnan. “E ’di huwag, sa iba na lang ako magpapasama!” bakas na ang inis sa boses ko. Pinag-ikutan ko pa siya ng mga mata at tinalikuran na. Nagsimula na akong maglakad ulit kahit na hindi ko naman alam kung saan ba ang punta ko. “Hi, Raileigh!” Tumigil ako sa paglalakad dahil sa lalaking bumati sa akin. Nakangiti siyang naglakad palapit sa kinatatayuan ko. “Pauwi ka na?” tanong ni Clarence nang makalapit sa akin. Siyaang lalaking bumati sa akin. Ginantihan ko ang ngiting iyon ni Clarence. “Hindi pa, may pupuntahan pa ako.” “Saan ka pa pupunta?” Lumawak ang ngiti sa labi ko nang may mamuong ideya sa isipan ko. “Uwian na, ‘di ba? Gusto mo bang sumama sa akin sa mall—” Hindi ko na natapos ang sinasabi nang may taong humawak sa pulsuhan ko at hinila ako palayo kay Clarence. Bumakas ang gulat sa mukha ko nang makitang si Chaos ‘yon. “Hoy, ano ba ang problema mo?” gulat kong tanong sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad. Palabas na kami ng Rosevelt. Nakaramdam ako ng inis nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya. “Saan mo ba ako dadalhin?” I asked him again. Tumigil na kami sa paglalakad sa gilid ng kalsada. Nang may mapadaang taxi, agad niyang pinara ‘yon. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bahagyang itinulak papasok sa kotse. Wala akong nagawa kundi ang sumakay na lang. Tumabi rin naman siya sa akin dito sa backseat. “Sa pinakamalapit na mall, Kuya," ani Chaos sa driver. Umandar na ang taxi, pero ako ay gulat pa rin sa narinig. Did I hear it right? “Pupunta tayo ng mall?” tanong ko nang makabawi na sa gulat. Binalingan ko ng tingin si Chaos. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang nakakunot ang noo. “Sasamahan mo na ako sa mall?” tanong ko ulit dahilan upang inis niya akong balingan ng tingin. “Yes. Isn’t obvious?” inis niyang sabi. My lips parted. “Pero sabi mo... hindi ka sasama.” Bakas pa rin ang inis sa mukha niya nang ibalik niya ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Hindi na siya umimik pa at nanatili na lang tahimik. Kaya ba nagbago ang isip niya ay dahil nakita niya akong kausap si Clarence at nagbabalak na dito magpasama? Kung ganoon... My baby is jealous. That put a soft smile on my lips. Umayos na ako ng upo sa tabi niya at tumahimik na lang din. Pero ang ngiti sa labi ko, hindi na naglaho. Kalahating oras ang lumipas ay tumigil na ang taxi sa tapat ng isang mall. Bumaba na kami ni Chaos ng taxi at nagbayad na siya. “Thank you,” sambit niya nang magbigay ng bayad sa driver saka nagtungo sa tabi ko. “Anong gagawin natin dito?” he asked. I smiled widely. “Shopping!” tugon ko at masayang hinatak siya papasok sa loob. Nang makapasok ng mall, pumasok kaagad kami sa unang store na nakita ko. Isa itong kilalang store ng mga damit. “Which one is better?” tanong ko kay Chaos habang hawak sa magkabilaan kong kamay ang dalawang dress. Dito agad ako dumeretso pagkapasok ng store. “’Yong hawak mo sa kanan—” “Oh, nevermind! Bibilhin ko na lang silang dalawa,” putol ko sa sinasabi ni Chaos at tinalikuran na siya. Namili pa ako ng iba’t ibang klase ng damit at bumili na rin ng mga bagong sandals. Matapos mamili roon ay sumunod naming pinuntahan ni Chaos ay ang jewelry shop. Kahit maraming store na ang napasukan namin ni Chaos, hindi siya nagrereklamo. Nakasunod lang siya sa akin habang bitbit-bitbit ang mga pinamili ko. “Bumili na rin kaya ako ng bagong phone? Nagsasawa na ako sa phone ko ngayon. What do you think, Chaos?” tanong ko at nilingon si Chaos na nasa likuran ko. Napabuntong hininga siya at tamad na tumingin sa akin. Marami siyang bitbit na mga paper bags. Napanguso ako sa naging reaksiyon niya. “Are you tired? Oh, I’m sorry! Hindi man lang kita naisip—” “No, it’s fine," he interrupted. “You sure?” I asked, still pouting my lips. He nodded his head and gave me an assuring smile. Napangiti na lang din ako at tinalikuran na siya. Nagpatuloy pa ako sa pamimili hanggang sa inabot na kami ng gabi sa mall. Madilim na ang langit nang makauwi kami ng bahay. Inihatid ako ni Chaos na dala pa rin ang mga pinamili ko. “Ibigay mo na lang sa kanila ang mga pinamili ko, sila na ang bahalang mag-akyat niyan sa kwarto ko." Tutukoy ko sa dalawang kasambahay na sumalubong sa amin. Tulad ng sinabi ko, ibinigay ni Chaos sa dalawang kasambahay ang mga bitbit niya. Hindi ko alam kung paano niya nagawang hawakan ang ganoong karaming paper bags na may iba’t ibang tatak ng store. “Maupo ka muna,” anyaya ko kay Chaos. Binalingan ko ng tingin ang isa pang kasambahay at nagpasuyo rito ng juice. Nang ibalik ko ang tingin kay Chaos, nakaupo na siya sa mahabang couch. Naglakad ako palapit sa kanya at tinabihan siya. “I know you’re tired. I’m sorry.” He gave me a half-smile. “No worries.” Pumungay ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. “Masyado ka talagang pa-fall.” Kita ko ang gulat sa mukha ni Chaos dahil sa sinabi ko. Hanggang sa unti-unting nagkaisang linya ang kilay. “Sabi mo, ayaw mo sa akin. Pero bakit ganito ka?” Natawa ako sa naging tanong ko kay Chaos at napailing. “Oh, sorry! Nakalimutan kong mabait ka lang pala talaga.” But he’s too kind. At hindi maganda ‘yon! Mas lalo ko siyang nagugustuhan dahil sa ipinapakita niya sa akin. Kahit na alam kong napagod siya sa ginawa kong pagsha-shopping kanina, wala akong narinig na pagrereklamo sa kanya. Ni hindi nga niya ako pinagbitbit ng mga pinamili ko kahit na inaalok ko siyang tutulungan ko siya. Kahit sa mga simpleng ganoong gawain ng mga lalaki, masyado ng malaki ang impact nito sa aming mga babae para mas lalong mahulog ang loob namin sa kanila. “I can feel it... you like me. Hindi lang ako nag-a-assume," seryosong sambit ko pinagtaasan siya ng kilay. “Pero bakit ipinipilit mong ‘di mo ako gusto?” Wala akong nakuhang sagot kay Chaos. He remained silent. I sighed. “What’s wrong with you, Chaos? Bakit parang... natatakot ka sa akin?” Tulad kanina, hindi na naman niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa akin habang blangko ang mukha. Naputol ang titigan namin nang dumating na ang juice namin. Nagpasalamat ako sa kasambahay na naghatid. “Sige, iiwan mo na kami." Ngiti ko sa kasambahay. Hindi ko na muling tinapunan pa ng tingin si Chaos at itinuon na lang ang atensiyon sa juice ko. Hindi rin naman siya nagsalita kaya tuluyan nang namalagi sa pagitan namin ang katahimikan. Nasa limang minuto ang lumipas nang muli siyang magsalita. “Aalis na ako...” paalam ni Chaos. Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakatayo na siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko at handa nang umalis. “Ihahatid na kita sa gate,” alok ko at tumayo. Sabay na kaming naglakad palabas ng bahay nang wala man lang ni isang nagsasalita sa amin. Nagsalita lang ako nang maihatid ko na siya sa gate. “Ingat ka. Salamat ulit.” He nodded his head. “Okay.” Lumapit ako kay Chaos at mahigpit siyang niyakap na mukhang ikinagulat niya. Nabato siya sa kinatatayuan niya. “Higpitan mo lang ang kapit mo, Chaos... dahil sisiguraduhin kong kaunti na lang, tuluyan ka nang mahuhulog sa akin.” Binitiwan ko na siya at hinarap habang suot ang matamis na ngiti sa labi. “I-text mo ako kapag nakauwi ka na, okay?” “Okay...” tugon niya habang bakas pa rin sa kanya ang gulat dahil sa ginawa ko. Tumingkayad ako at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi. “Goodnight, baby.” Nasa labi ko pa rin ang ngiti ko nang ilayo ko na ang sarili kay Chaos. Kumaway muna ako sa kanya saka pumasok na sa loob ng gate. Ngingiti-ngiti ako habang naglalakad papasok ng bahay. I’m too happy. Pakiramdam ko ay mas nagiging malapit kami ni Chaos. Kaunti na lang... malapit na. Pero hindi rin maalis-alis sa isipan ko kung bakit kaya ganoon sa akin si Chaos. Pilit siyang nagpapanggap na walang gusto sa akin kahit ramdam ko naman na meron. Anong dahilan niya at bakit niya ginagawa ‘yon? Katatapos ko lang maligo nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Halos lumipad ako patungong kama makuha lang agad ‘yon. I received a message from Chaos. He just got home. Pinindot ko ang tawag. Ilang ring pa lang, sinagot na ng kabilang linya ang tawag ko. “Why did you call?” ang antok na boses ni Chaos ang sumalubong sa akin. “Masyado ba kitang napagod?” Nahiga ako sa kama at naghanap ng magandang posisyon ng higa. Ibinulot ko sa kumot ang katawan mula paa hanggang leeg. “Medyo lang,” tugon ni Chaos sa kabilang linya. Bigla akong nakonsensiya sa mga pinaggagawa ko sa kanya kanina. “I’m really sorry. Masyado akong nadala sa pagsha-shopping kanina kaya ‘di ko namalayan na pagod ka na pala.” Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. “Masyado kang adik sa pagsha-shopping. Kulang na lang, bilhin mo na ang buong mall.” Natawa ako. “Mas adik ako sa 'yo.” Natahimik ang kabilang linya dahilan para mas matawa ako. Kinilig ba siya sa sinabi ko kaya hindi na siya makapagsalita? Siguradong namumula na siya ngayon! “Chaos, sabi nila nakaka-inlove raw ang mga taong maganda ang boses," sambit ko. “Gusto mong kantahan kita para mas ma-inlove ka sa akin?” Narinig ko muna ang paghikab niya sa kabilang linya bago niya ako tugunin. “Sure...” I grinned. “Hey, hey, you, you, I want to be your girlfriend—" “s**t!” malutong niyang mura. Hindi man lang ako hinayaang matapos sa pagkanta ko. Malakas akong napahagalpak ng tawa dahil sa naging reaksiyon niya. “Sinabi ko lang na kakantahan kita, pero wala akong sinabing maganda ang boses ko!” "Baliw ka talaga, Raileigh," ani Chaos at ngayon ay nai-imagine ko na ang itsura niya. Malamang ay umiiling siya sa kalokohan ko. At nang gabing iyon, buong gabi kaming magkausap sa cellphone hanggang sa pareho na kaming nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD