CHAPTER 5 - Proud

2532 Words
PAGBANGON ko pa lang mula sa kama ko, sumilay na agad ang ngiti sa labi ko. Masyadong masaya ang buong gabi ko kagabi kaya hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Hindi na rin kataka-taka na kahit nasa eskuwela na ako, panay pa rin ang pagngiti ko. Nae-excite rin ako sa pag-a-announce ng top sa classroom mamaya. Sana lang ay palarin ako. Umayos na ako ng upo nang pumasok na ang teacher namin. Lahat ng atensiyon namin ay nakatuon sa kanya at inaabangan ang sasabihin niya. “Good morning, class," bati niya sa buong klase. Sabay-sabay rin namin siyang binati. Matapos noon, nagpatuloy na siya sa pagsasalita at sunod-sunod nang tinawag ang mga pangalan ng nasa top. Ang mga natatawag naman ay pupunta sa harapan ng classroom para tanggapin ang certificate nila. “Top 3, miss Del Fuente.” Nagpalakpakan kami kasabay ng pagtayo ng kaklase namin mula sa kinauupuan niya. Napalunok ako. I’m starting to get nervous. Natawag na ang mga nasa top 10 hanggang top 3, malapit na ang top 1 at hindi pa rin ako natatawag. Baka mamaya ay hindi pala ako kasali sa top! “And our top 2...” Iginala ni Ma'am ang tingin sa buong classroom at tumigil ang mga mata sa akin. “Miss Mclaren.” Bumagsak ang balikat ko, disappointed sa narinig. Dapat masaya na ako sa nakuha kong top, pero hindi 'yon ang gusto kong makuha. Napilitan akong ngumiti nang magpalakpakan ang mga kaklase ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad sa harapan ng klase. Todo ang ngiti ng teacher ko nang iabot niya sa akin ang certificate ko. “Congrats, Raileigh.” I faked a smile. “T-thank you...” Inalis na niya ang tingin sa akin at humarap sa buong klase. “And our top 1 for 2nd quarter, Mr. Ryker.” Matapos noon ay nagpalakpakan ulit silang lahat. Bumaba ang tingin ko sa sahig at ramdam ko at pag-init ng gilid ng mga mata ko. Humugot ako ng malalim na hininga at humigpit ang hawak sa certificate na nasa kamay ko. I failed. Buong oras ng klase, tahimik ako at walang ganang makipag-usap sa kahit na kanino. Kaya kahit na nag-recess na, hindi ako lumabas ng classroom at nagkulong doon. Hindi ko matanggap ang nangyari. I did my best... pero hindi pa rin pala sapat. Kung tutuusin, nakakagulat ang nangyari sa akin. Bigla akong nag top 2 kahit na noong 1st quarter naman ay wala ako sa top, pero hindi sapat ang maging pangalawa lang. Isinubsob ko ang ulo ko sa desk habang nakaunan sa mga braso ko. I wanna cry, pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nasa classroom pa ako. Ayaw kong makita ng mga kaklase ko ang pag-iyak ko. Natigil ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na ang bell, senyales na tapos na ang recess. Isa-isang bumalik ang mga kaklase ko saloob ng classroom hanggang sa nagpatuloy na ulit ang klase. Malalim akong napabuntong hininga nang sumapit na ang oras ng uwian. Tamad na tamad kong ibinalik sa loob ng bag ko ang gamit ko at tahimik na lumabas ng classroom. At ganoon na lang ang pagkagulat ko nang pagkababa ko ng building namin ay nahagip ng mga mata ko si Chaos, mukhang may hinihintay. Gusto ko siyang lapitan at ilabas sa kanya ang sama ng loob ko ngayon pero hindi ko magawa. Baka kapag sinabi kong hindi ako ang nag top 1, ma-disappoint siya sa akin. Kaya sa huli, mas pinili kong sumabay sa ibang estudyanteng naglalakad para makadaan kay Chaos nang hindi ako napapansin. Matagumpay ko siyang nalagpasan nang hindi niya ako napapansin. Tumigil ako sa paglalakad nang medyo nakakalayo na ako sa kanya at binalikan siya ng tingin. “I’m sorry, Chaos," tanging nasabi ko at tuluyan nang naglakad palabas ng school. Ang ma-disappoint ang sarili ay makakaya ko pa, pero kung siya ang madi-disappoint ko... hindi ko kaya. Pagkauwi ko ng bahay ay dumeretso kaagad ako sa kama at hindi na nagpalit ng damit. Pagod kong ipinikit ang mga mata ko at bumuntong hininga. Ang akala ko ko ay mawawala rin ang bigat sa dibdib ko kapag itinulog ko ito, but I was wrong. Dahil ang bigat sa dibdib ko ay dala-dala ko pa rin sa sumunod na araw. Bagsak pa rin ang balikat ko at nakasimangot ang mukha habang naglalakad papasok ng school. Balewala ang tulog ko dahil mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Nahinto ang paglalakad ko dahil sa sumalubong sa akin sa baba ng building namin, it’s Chaos. Nasa mismong daanan pa siya patungong hagdanan. He looks like he’s waiting for someone. Sumarado ang kamao ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ang balak ko lang ay lampasan siya at dumeretso sa hagdan sa likuran niya, pero hindi ganoon ang nangyari nang hulihin ni Chaos ang pulso ko. My heart raced. “Raileigh," he called to get my attention. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. “What?” malamig kong tanong. “Can we talk?” I immediately shook my head. “I need to go.” Sinubukan kong bawiin sa kay Chaos ang pulso ko pero hindi niya ako hinayaan. Mas humigpit ang hawak niya sa akin. “What’s wrong with you?” ngayon ay bakas na ang inis sa boses niya. I bit my lower lip. Ayaw ko nang magsalita pa at baka bumuhos na ang luha ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na binigo ko siya. “Raileigh...” there’s a warning in his voice. “Come on, face me. What’s wrong with you?” Sunod-sunod akong umiling at sapilitang binawi sa kanya ang braso ko na mukhang ikinagulat niya. “I’m s-sorry...” sabi ko at nagmamadaling umakyat ng hagdan. Akala ko ay iyon lang ang magiging pagkikita namin ni Chaos sa loob ng school pero nagkamali ako. Dahil nang sumapit ang oras ng recess, nagtungo siya sa classroom para kausapin ako. Hindi ko siya pinansin. Isinubsob ko na lang ang mukha sa desk ko at nagpanggap na tulog. Hindi na rin naman siya nagpumilit na kausapin ako at umalis na lang. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nag-angat ako ng ulo at tiningnan ang puwesto ni Chaos kanina kung saan siya nakatayo. I let out a deep sigh. Chaos... Hindi ko naman gustong huwag siyang pansinin, pero hindi ko pa kasi kaya siyang harapin. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. I failed him. Akala ko ay titigil na si Chaos dahil sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya mula umaga hanggang recess, pero hindi pa rin ako tinantanan ni Chaos. Pagsapit ng uwian, nasa labas siya ng classroom at inaantay ako. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa kanya, pati na rin ang ibang mga estudyante na napapadaan. Lalo na ang mga babae. “Raileigh,” seryoso niyang tawag sa akin at nilapitan ako. Pilit akong ngumiti. “K-kailangan ko ng umalis... Sa susunod na lang, Chaos," pagdadahilan mo at nagmamadaling naglakad palayo mula sa kanya. Hinabol naman ako ni Chaos na mukhang walang balak na tigilan ako. “Raileigh! Wait a minute!” Hindi ko siya pinakinggan. Kahit anong tawag ang gawin niya sa akin, patuloy lang ako sa paglalakad ko. Nakalabas na kami ni Chaos ng school pero nakasunod pa rin siya sa akin. “Raileigh! f**k!” bakas na sa boses ni Chaos ang asar. Napakagat ako sa labi ko nang mahuli niya ang braso ko. Kahit anong gawin kong bilis sa paglalakad ay naabutan niya pa rin ako. “What the hell is your problem?” he asked, annoyed. Hindi ko siya hinarap. Nanatili lang akong nakatalikod kay Chaos. “W-wala...” nauutal kong sabi, kinakabahan na. “You’re lying." He tsked. “Ano ba talaga ang meron? Bakit mo ‘ko iniiwasan?” sunod-sunid niyang tanong at pilit akong iniharap sa kanya. Kagat-labi ako nang tuluyan ko nang makaharap si Chaos habang nasa baba ang tingin ko. "Busy lang talaga ako ngayon.” “Raileigh...” may babala sa boses ni Chaos na tila inuutusan akong magsabi ng totoo. Pakiramdam ko rin ay nauubos na ang pasensiya niya. Pilit akong nag-angat ng tingin sa kanya para makita ang mukha niya. Tulad ng inaasahan ko, bakas na sa kanya ang asar at mukhang naguguluhan sa inaakto ko. “Okay lang naman talaga ako... busy lang," pagkumbinsi ko kay Chaos. Naningkit lang ang mga mata niya sa sinabi ko, halatang hindi naniniwala sa akin. Nawala ang atensiyon ko sa kanya nang tumigil sa gilid namin ang isang pamilyar na kotse. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagdating ng sundo ko. Ibinalik ko na ang tingin kay Chaos. “I got to go, nandito na ang sundo ko. See you tomorrow.” Hindi ko na hinintay ang tugon niya at nagmamadaling sumakay na sa kotse. Habang umaandar ang kotse papaalis, ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kay Chaos na nakatayo pa rin sa pinag-iwanan ko sa kanya habang pinapanood ang paglayo ng kotse ko mula sa kanya. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, doon lang ako umayos ng upo. Mariin kong ipinikit ang mga mata at napabuntong hininga. I’m really sorry, Chaos. Umuwi ako ng bahay ng malungkot. Mas nalungkot pa ako nang malaman kong hindi makakauwi sina Mommy at Daddy ngayong araw dahil busy sila sa pagtatrabaho. Kaya nang sumapit na ang dinner, mag-isa lang akong kumakain sa hapag-kainan. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko malunok ang kinakain dahil sa sobrang kalungkutan. Wala akong masabihan ng problema ko. Gusto ko man maglabas ng sama ng loob kina Mommy o Daddy, wala naman sila. Ayaw ko naman istorbohin si Hestia dahil alam kong namomoblema din siya dahil sa kumalat na picture nila ni Mattrix. “HI, Raileigh! Sama ka sa amin sa canteen,” nakangiting aya sa akin ni Thea, isa sa mga kaklase ko. Umiling ako at ngumiti. “I’m sorry, hindi ako makakasama. Wala kasi akong balak na lumabas ng classroom ngayon.” Bahagya siyang napanguso. “Oh... Are you sure?” I nodded my head. “Yes. I’m really sorry, Thea.” Ngumiti siya na parang sinasabi na okay lang ang ginawa kong pagtanggi sa alok niya. “No, it’s okay. I understand... Sige, aalis na ako. Bye.” Napabuntong hininga ako nang umalis na siya sa harapan ko. Napatingin ako sa buong paligid ng classroom, ako na lang ang tao rito. Nasa labas na ang lahat at nagre-recess. Sumubsob ako sa lamesa ko at itinago ang mukha. Hanggang kailan ako magiging apektado sa nangyari? Dapat tanggapin ko na lang iyon. Pero hindi ko lang kasi matanggap na kahit ginawa ko na ang lahat ay hindi pa rin pala sapat. Nakarinig ako ng mga yabag pero hindi ko ‘yon pinansin. Sigurado naman akong isa lang ‘yon sa mga kaklase ko, pero nalaman kong mali ako nang may marinig na pamilyar na boses. Nabato ako sa kinauupuan ko. “Wala ka bang balak na kumain? Ano, gugutumin mo ang sarili mo?” tanong ng kung sino gamit ang matigas at supladong boses. Nag-angat ako ng ulo at sumalubong sa akin si Chaos na may dala-dalang plastic at sa kabilang kamay naman ay shake.inilapag niya ‘yon sa lamesa ko. "Kumain ka na," seryosong utos niya. Umawang ang bibig ko at bumaba ang tingin sa lamesa ko. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya, hindi makapaniwala at bahagyang naguguluhan sa ginagawa niya. Bakit siya nandito? “Kumain ka na,” pag-uulit niya. Tumagal pa ang tingin ko kay Chaos bago tumango. Tahimik kong binuksan ang plastic na dala-dala niya na naglalaman ng iba’t ibang klase ng sandwich at sinimulan nang kainin. “Alam ko na kung bakit ganito ka," pagbubukas niya ng usapan habang kumakain ako dahilan para masamid ako sa sinabi niya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. “What do you mean?” Kumuha siya ng upuan at ipinuwesto ‘yon sa harapan kobago tinugon ang tanong ko. “Alam ko na ang rason kung bakit iniiwasan mo ‘ko," ulit ni Chaos sa sinabi niya kanina. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Chaos, pero kinalaunan ay nagbaba na lang ng tingin nang makaramdam ng pagkapahiya. “Yes...” I took a deep breath. “I disappointed you.... I’m sorry, I failed you...” Ramdam ko na ang luha sa mga mata ko matapos kong sabihin 'yon. Dumating na ang kinatatakutan ko, ang malaman ni Chaos na binigo ko siya. “Hindi ko alam kung paano sasabihin sa 'yo kaya—” “Kaya iniiwasan mo ‘ko?” pagpapatuloy ni Chaos sa sinasabi ko. Marahan akong tumango. “Ginawa ko naman ang best ko para maabot ‘yong gusto mo kaso... hindi ko talaga kaya. Nag-aral naman ako. Hindi na nga ako nagre-recess para lang makapag-aral. Late na rin ako nakakatulog dahil sa pagbabasa ko ng mga libro. Nakikinig din naman ako ng maayos sa mga lecture. Kaso wala talaga. Top 2 lang ako.” Nakayuko pa rin ako. Hindi ko na yata kayang mag-angat ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan. Ito ang dahilan kung bakit iniiwasan ko siya mula pa kahapon. “I’m sorry," ani Chaos. Naguluhan ako sa narinig. “Raileigh, look at me," utos ni Chaos at hinawakan niya ang baba ko at inangat ‘yon dahilan para magtama ang tingin namin. Masyado na siyang malapit sa akin. “I’m sorry," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina. “Bakit? Para saan?” I asked, puzzled. What’s happening? Lumambot ang tingin sa akin ni Chaos. “I’m sorry. Dahil sa akin, nagkakaganito ka. Hindi dapat ako nakipagdeal sa 'yo. Hindi mo dapat nararamdaman ‘to.” Mas nangunot ang noo ko sa sinasabi niya. “Wala naman talaga akong paki kung top 1 ka or top 2, o kahit na wala ka sa top. So don’t feel bad. You didn’t disappoint me. You didn’t fail me. Do you get that?” Nagtubig ang mga mata ko sa mga naririnig ko sa kanya. Ang lahat ng takot ko ay biglang nawala dahil sa sinabi ni Chaos. Buong akala ko ay magagalit o madi-disappoint sa akin si Chaos, pero nagkamali pala ako. “C-chaos...” tanging nasabi ko. I’m speechless right now. His mouth curved into a smile. “I’m proud of you, Miss Top 2.” My heart raced. Hindi ako nakagalaw dahil sa biglang pagreact ng puso ko sa sinabi niya. Sigurado rin akong namumula na ang pisngi ko. Marahan siyang natawa sa naging reaksiyon ko. Mas namula pa ako nang pisilin niya ang pisngi ko. “Chaos, bitiwan mo ang pisngi ko," awat ko sa kanya. “Mangako ka muna.” Pilit kong inaalis ang pagkakapisil niya sa pisngi ko, pero napanguso na lang ako nang mapagtantong wala talaga siyang balak pakawalan ang pisngi ko. “Ano ba ‘yon?” kunwaring naiinis kong tanong. Nangunot ang noo ko nang biglang nag-iba ang ekspresiyon ni Chaos sa mukha. Bigla siyang naging seryoso. "Huwag mo na ako iwasan dahil doon. Wala akong paki kung top 2 ka lang, I’m still proud of you. Nag-aral ka nga talaga ng mabuti," sabi ni Chaos kasabay ng paglitaw ng tipid na ngiti sa labi niya. Napipilitan akong tumango. “Oo na. I promise, hindi na kita iiwasan. Kaya bitiw na, masakit na.” Mabilis naman niyang sinunod ang sinabi ko. Pinakawalan na niya ang pisngi ko. “Kumain ka na ulit," ani Chaos ng nakangiti pa rin. Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ulit sa pagkain ang atensiyon ko. At sa tuwing susulyap ako sa kanya, ngingiti siya sa akin sa tuwing nagtatama ang tingin namin. Oh God, Chaos. Mas binabaliw mo ako sa 'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD