Chapter 2: Last Meeting

2250 Words
Chapter 2:Last Meeting Pumunta ang Doctor ni Don Sedenio sa Mansion at ang naubutan nito ay sina Luchris, Ramona at Rosana. Kaya naman ito ang nakausap niya. Doc Paul: Nasaan po si Don Sedenio? Kailangan ko po siyang i-check ngayon. Luchris: Nasa kompanya siya ngayon. Bakit? Ano na po bang lagay ni Papa? Doc Paul: Sa result po na lumabas sa test ng blood niya ay hindi po yung gamot na binibigay ko ang naiinom niya. Yung gamot na iniinom niya ngayon ay masama para sa kanya. Ramona: Ikaw ang nagbigay sa kanya ng gamot Doc! Bakit ganun? Doc Paul: Baka po may nagpapalit ng mga gamot niya. Luchris: Huh?! Sasabihin niyo pang mga criminal kami! Your Fired! Wag ka nang magtrabaho bilang family doctor namin! Doc Paul: Sir sige po aalis na ko. Luchris: Tama lang! Alis! Umalis na ang Doctor. si Don Sedenio at Vecka naman ay nag-usap na sa Aces Company Lucy: Sir! Ma’am! Ito na po ang coffee niyo! Excuse po! Vecka: Pa! I’m sorry pero gusto ko naman na bigyan sila ng chance! Sedenio: alam mo Vecka wala ka ring pinagkaiba sa Mamala mo.. kahit alam niyong ilang beses na pumalpak yung tao, binibigyan niyo pa rin ng chance! Vecka: Pero Pa! iba naman ako. hindi ko pa sila nabibigyan ng opportunity na ako mismo ang nagbigay. Kung sayangin nila edi wala. Hindi na sila makakaulit! Sedenio: Sige.. ikaw ang bahala Pumasok ulit si Lucy sa opisina. Lucy: Sir? Si Doc Paul nandito po. Papasukin ko po ba? Vecka: Yes! Papasukin mo! Sedenio: Vecka.. magkita nalang tayo sa bahay! Sige na bumalik ka na sa office mo! Vecka: Pero Pa! Gusto ko rin marinig kung anong sasabihin ni Doc Paul. Sedenio: Vecka? Please..Leave. Umalis naman si Vecka at pumunta na sa office nito. Doc Paul: Meron pong hindi maganda na nangyayari sa inyo Don! Sedenio: Tungkol ba yan sa gamot ko? Yes! Alam ko! Iba na ang iniinom kong gamot. Pinapalitan ni Luchris ang gamot ko kaya lalo akong nanghihina. Doc Paul: Bakit hindi niyo po sabihin kay Vecka? Sedenio: Iba ang laban ni Vecka sa laban ko. Ayoko nang madamay pa siya sakin. Doc kung may mangyayari man sakin na masama ay huwag na huwag mong sasabihin kay Vecka ang lahat. This is for us! This is Confidential! Doc Paul: Yes Sir! Kailangan po ninyong ma-check ngayon Sedenio: Doc! Kahit anong gawin mong check-up sakin ay hindi pa rin ako gagaling. Sige na magpahinga ka na Doc. Salamat sa pag-aalaga sakin! Yumakap ang Doctor dito at naiiyak nang yakapin ng mahigpit ang pasyente nito. dahil ang salita nito ay tila pamamaalam na sa Doctor. Si Vecka naman ay busy sa pag-aasikaso ng shares na ibibigay niya sa Tito Luchris niya. At ang paglilipat sa pangalan ni Ramona ng RS Incorporation. “Ayus na ang lahat. Bibitawan ko na ang RS at bibigyan ko ng Shares sa Aces si Luchris, nakahanda ako sa ano mang problemang mangyari kung sakaling papalpak sila” Salita sa isip ni Vecka. “Ma’am! Nandiyan po si Sir Winston papasukin ko po ba?” ani Hara Secretary ni Vecka “Sige! Papasukin mo.” Ani Vecka. Pumasok si Winston na may dalang bulaklak para kay Vecka at Chocolates. “Happy 4th Anniversary Love!” nakangiting sabi ni Winston. “4th Anniversary? Anniversary natin ngayon?” pagtataka ni Vecka Ibinaba ni Winston ang bulaklak at chocolates na dala nito sa lamesa at niyakap si Vecka ng mahigpit. Winston: Love..Bakit kinalumutan mo? Vecka: Im sorry! Love busy ako.. bigyan mo ko ng time na gawin yung para sating dalawa? Winston: Time? Love matagal na kong nag-hihintay ng time na sinasabi mo pero ngayon wala pa rin! Puro ka trabaho! Puro ka lolo mo! Puro sila! Wala ka nang time para sakin! Vecka: (Sinampal nito si Winston) Wag na wag mong isasali si Papa dito! Busy ako sa sarili ko! Winston hindi kita kinalimutan! Winston: Love! Kinalimutan mo kung anong meron tayo! Sa ibang araw nalang natin i-celebrate ‘tong 4th Anniversary na’to! Vecka: Winston! Love! Hindi na ito nilingon pa ni Winston at hinabol niya ito palabas. naabutan niya ito at nakapag-usap silang dalawa. Vecka: Tara kain tayo! Sa Restaurant! Winston: Tara na! Vecka: Gusto rin! Saan ba? Winston: Ako na bahala kung saan. marami akong alam na kakainan! Umalis ang dalawa sa Aces Company at iniwan si Sedenio doon. Mag-gagabi na oras na para umuwi si Sedenio. Hindi na nito hinintay ang apo niya at nauna na itong umuwi. Nang makauwi na ito ay nandoon ulit si Luchris. nakaupo at naghihintay sa pag-uwi nito. Nakalapag sa lamesa ang gamot na ipapa-inom nito kay Sedenio. Luchris: Inumin mo na yan. Sedenio: Si Vecka nasaan? Luchris: INUMIN MO NA YAN!!(Sigaw nito) UMUPO KA DITO!! Sedenio: (Nanginginig itong lumapit kay Luchris) Anak.. magbago ka na..(naluluhang bigkas nito) huwag niyong gugulohin si Vecka.. Luchris: (Hinawakan nito ang mukha ng Ama niya at Pinakain ang gamot na nasa kamay nito) Ayan! Ha Ha Ha!(Laughting Maniacally) O’diba? Iinomin mo lang! marami ka pang sinasabi! Si Vecka! Yung paborito niyong apo ang isusunod ko! Bilisan niyo na diyan at magpahinga na kayo.. goodnight! Sedenio: Lu-Luchris! Hindi na nito kinaya ang katawan niya at bumagsak na ito sa mismong kinatatayuan niya, sa harap ng malaking litrato ni Revecka. Lumipas ang Dalawang oras ay hinatid ni Winston si Vecka sa Mansion. Winston: Nag-enjoy ka ba sa 4th Anniversary Celebration natin? Vecka: Oo naman.. gusto mo bang dito ka muna magstay? Dun ka sa tabi ng kwarto ni Papa sa dating kwarto ni Daddy. Winston: Hindi ba pwedeng sa kwarto mo nalang? Baka multohin ako ng Daddy mo! Vecka: Tara na! Gabi na nandito pa tayo sa labas. Pagpasok nito at pagbukas ng ilaw ay bumangad sa harap ni Vecka ang walang malay na katawan ni Don Sedenio. Hindi nito alam kung anong gagawin kaya niyakap niya nalang ito at umiyak. Vecka: PAPAAAAAAAA!(Malakas na sigaw nito) Lumabas ang lahat sa kwarto dahil sa sigaw na narinig ng mga ito. Lumapit si Luchris at Yumakap rin ito at umiyak. “Winston tulungan mo kong buhatin si Papa! Dalhin natin siya sa hospital,” natatarantang sabi ni Luchris Binuhat nila ito at dali-daling isinakay sa kotse kasama si Vecka. Pagdating sa hospital ay sinalubong na ito ng mga nurse at dinala sa emergency room para ma-revive Vecka: Dapat hindi na ko umalis. Winston: Love.. Vecka: Tigilan mo ko! Dahil sayo to eh! Kung hindi ka nag-iinarte sana hindi nangyari ‘yon kay Papa! Kailangan niya ng kasama. Wala silang pake kay Papa ako lang ang nag-aalaga sa kanya! Siya ang dahilan kung bakit mas inuuna ko lahat bago yung relasyon natin! Winston umalis ka muna! Winston: Love.. Vecka: Alis! Pleaseee huwag ka munang magpakita! Umalis si Winston at umiiyak na lumabas ng hospital. Si Luchris naman ay lumapit kay Vecka at pinapatahan niya ito. Luchris: Kung alam ko lang na may mangyayaring ganyan kay Papa hindi ko na siya dapat iniwan. Kailangan nalang natin malaman kung anong nangyari kay papa. Vecka: Sana okay siya.. Luchris: Ako na ang bahala sa Aces! Vecka: Aces pa rin nasa isip mo? Maraming tao ang Aces! Si Papa ang mas mahalaga! Luchris: Bakit inuna mo landi mo? Kung mas mahalaga si Papa para sayo? Di’ba isang kahibangan ‘yon? Vecka: Hindi ko kasalanan ‘yon! Walang may kasalanan dahil may sakit si Papa Luchris: Hindi Vecka! Kasalanan mo! Ilipat mo sakin lahat ngayon! Yung Aces Company at Aces Mansion! Vecka: Hindi ko bibitawan ang pinangako ko kay Papa! Excuse. Luchris: Vecka! Lumabas na ang Doctor at malungkot na sinalubong si Vecka. Vecka: Ano pong nangyari Doc? Okay na po siya? Pwede ko na po ba siyang makausap? Doc! Doctor: Ma’am,Sir! Ikinalulungkot po namin ang pagkamatay ng kamag-anak niyo! Wala na po siya. “Wala na si Papa! Wala na kong kakampi sa bahay, Wala nang gagabay sakin sa lahat, ako nalang. Ako nalang mag-isa,” Salita sa isip ni Vecka. Nanghina ito ng malaman niya ang nangyari sa lolo niya. Makalipas ang tatlong araw ay inilibing na si Sedenio. Pagtapos mailibing ay naiwan na mag-isa si Vecka sa puntod nito. Umiiyak at hindi matanggap ang pag-kawala ng lolo nito. “Pa! Kasama mo na si Dad at Mama sa Langit.. Sana makapagpahinga ka diyan at maging masaya.. mahal na mahal kita Pa! hindi kita makakalimutan” Salita sa isip ni Vecka. Pagtapos nilagay niya ang bulaklak na hawak niya atsaka umalis. Nang makauwi ito sa Aces Mansion ay walang katao-tao doon kaya pumunta muna ito sa tabi ng ilog na palaging pinupuntahan ng Papa niya. “Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!” Ani Dexter. Kababata nito. Vecka: Oh? Nandito ka pala! Long time no see! Saan ka nakatira ngayon? Dexter: Diyan pa rin sa baba. Bumalik kami diyan. Vecka: Ang bilis ng panahon.. baka may gagawin ka? Dexter: Wala naman.. bakit? Vecka: Tara punta tayo sa Mansion. Ililibot kita gusto ko lang tingnan yung mga iniwan ni Papa. Dexter: Sige! Gusto ko rin balikan. Pumunta sila sa Mansion at inilibot niyang muli ang kababata niyang si Dexter sa loob nito. At ang una nilang pinuntahan ay ang garden na pinaglalaruan nila noon. Dexter: Ang laki na ng pinagbago nito. Vecka: Sobra! Ang dami ring binago sa loob at mas pinalakihan pa lalo ni Papa Dexter: Naalala mo ba yung panahong kasama natin si Don Sedenio dito at sinabi niya na.. “Love? Mag-usap tayo!” Pagputol ni Winston sa usapan ng magkababata Vecka: May kausap ako! Dexter: Sige maiwan ko muna kayo! Lilibot muna ako. Iniwan ni Dexter ang dalawa at pumasok muna ito sa Mansion. Hindi pa nag-sasalita si Winston ay niyakap niya agad si Vecka. Winston: I’m sorry! Sorry sa lahat ng sinabi ko! Hindi na ‘yon mauulit! Sorry Love!(Lumuhod ito sa harap ni Vecka) Vecka: Win! Tumayo ka diyan.. Oo pinapatawad na kita.. wala namang may kasalanan don eh.. siguro kailangan na talaga ni Papa umalis. Tara may ipapakilala ako sayo Winston: Sino? Yung kasama mo kanina? Vecka: Oo! Tara! Pumunta ang dalawa sa sala at nakita nilang nakatingin si Dexter sa malaking litrato ni Vecka at nakangiti ito. Vecka: Si Papa mismo ang kumuha sakin ng picture na yan. Dexter: Ayy nandyan pala kayo. Pano? Uwi na ko? Vecka: Sandali! Si Winston nga pala! Boyfriend ko. Dexter: Alam ko.(Ngumiti ito) Hi! Dexter kababata ni Vecka (Nagkamayan ang dalawa) Vecka: Sige na uwi ka na! May gagawin ka pa ata. Bisita ka lang ah Dexter: Sige! Lumabas na si Dexter at iniwan ang dalawa Mansion. Winston: Uwi na rin ako. Vecka: Bakit? Magluluto pa nga ko ehh wala pa sila kaya tayo muna ang mag-iingay. Hawak ni Vecka ang kamay nito at dinala sa kusina at pinaupo niya ito. Vecka: Maghintay ka lang dyan ahh.. paglulutuan kita ng paborito mo. Winston: Namiss mo rin ba ako? Vecka: Oo naman! Basta wait ka lang diyan. Pagtapos ni Vecka magluto ay inihain niya ang pagkain na niluto niya at sabay silang kumain ni Winston. Winston: Sarap ahh Vecka: Syempre naman! Ako nagluto eh at ‘yan ang favorite kong lutuin para sayo love.. Winston: Nangbola ka pa! sige na! kumain na tayo baka lumamig pa! Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay dumating na si Luchris at pumunta sa kanilang dalawa. umupo rin ito sa tabi nang dalawa. Luchris: Masarap ba ang luto ng Pamangkin ko Winston? Winston: Opo Sir! Masarap po. Vecka: Meron pa. gusto mo sandukan na kita? Luchris: Sige. Hinandaan din ni Vecka ang Tito Luchris niya. Luchris: Winston. Pakisabi sa Daddy mo na salamat sa pagtanggap ng alok ko. Worth it yung binigay ko na shares para sa company niyo. Winston: Huh! Nagulat din si Vecka sa Reaksiyon ni Winston at binigay na niya sa Tito Niya. Vecka:(Natapon nito ang mainit na sabaw sa tito niya) Ayy sorry po.. hindi ko sinasadya Luchris: Hm.. Ouchh!! Ang sakit!! Winston: Hindi naman po sinasadya Luchris: That’s Okay! Vecka: Bakit pinakeelaman mo yung trabaho ko? Luchris: Bakit? Bawal ba kong gumalaw sa pagma-may-ari ni Papa? Vecka: Ako na ang may ari! Luchris: May karapatan pa rin akong anak niya! Vecka: Oo! Pero trabaho ko ang pakikipagsosyo! Luchris: Gusto kong maging part ng company natin ang tatay ng boyfriend mo! May issue ba don? Eh boyfriend mo naman ang anak niya! Winston: Pero trabaho pa rin po ni Vecka ‘yon. Luchris: Yes! I know! Gusto ko eh! Kung ano ang gusto ko yun ang dapat masunod! Naiintindihan mo ba Vecka? Huh! Hindi ito naka-imik at tumango nalang ito, na tila sumasang-ayon sa gusto ni Luchris. Tumayo ito at lumayo sa kanila, lumabas at nagpahangin. "Bakit nakikisawsaw ka pa!" Bulong ni Vecka habang nakaupo ito sa labas. Dumating naman ang kapatid nito na si Ramona. Ramona: Hi!(Hawak nito ang yosi at inalok si Vecka) Gusto mo? wag mo sabihing hindi ka nagyoyosi? Vecka: Hindi talaga ako nagyoyosi! Ramona! Ano ba talagang plano niyo? Pwede ba! Sabihin mo na! Ramona: Plano saan? Actually i'm here because of RS! Thank You! sobrang ganda ng upuan ko sa RS! sana ganun din ang upuan ni Tito Luchris sa ACES! Vecka: Anong ibig mong sabihin? Ramona: Ibigay mo na kay Tito Luchris ang pwestong dapat sa kanya! ‘yun ang dapat! Vecka: Pamana ‘yon sakin ni Papa at ang ACES Mansion! bakit gustong gusto niyo ba agawin? Ramona: Hindi kami mang-aagaw! kinukuha lang namin ang dapat samin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD