Chapter 3: DESTRUCTION

2375 Words
Chapter 3: DESTRUCTION “Hara? May meeting ba ko mamaya?” tanong ni Vecka kay Hara. “Ma’am wala po. wala rin po kayong schedule bukas, pero meron po kayong schedule sa susunod na araw. 2pm po Ma’am!” Sagot ni Hara. Nakaupo si Vecka habang binabasa ang minutes of meeting. Nasa ACES Company ito walang tao sa loob ng office niya kundi siya lang. naalala ni Vecka ang sinabi nang kapatid nito sa kanya. “Ibigay mo na kay Tito Luchris ang pwestong dapat sa kanya! ‘yun ang dapat!”. “Hindi kami mang-aagaw! kinukuha lang namin ang dapat samin!” ani Ramona ang salita na naririnig ni Vecka sa isip niya. “Ma’am? Si Secretary Lucy po? Papapasukin ko po ba?” ani Hara pagputol nito sa pagkatulala ni Vecka. “Sige! Papasukin mo,” ani Vecka. Pumasok sa loob nang office ni Vecka si Lucy, ang secretary nang Lolo nito na si Sedenio. Umupo ito sa harap ng lamesa ni Vecka at inabot ang Resignation Letter niya. Lucy: Ma’am.. s-sana po tanggapin niyo. Vecka: Gusto mo ba talagang mag-resign? Ayaw mo bang maging secretary ni Tito Luchris? Lucy: Ma’am.. sorry po, pero.. aalis nalang po ako Vecka: Ayoko sanang mawalan ka ng trabaho Lucy. Pero kung desidido ka na talagang umalis. I will accept this! Hindi na nagsalita si Lucy at lumabas na agad ito sa ACES Company. Malungkot at mukhang stress si Lucy, dahil hindi nito gusto ang pag-alis sa Aces. ~Before The Resignation~ Naglilinis si Lucy sa opisina ng amo nito na si Sedenio. tahimik si Lucy at busy sa ginagawa nito nang pumasok si Luchris sa opisina. “So? Ikaw pala si Lucy? yung Secretary ni Papa?” ani Luchris. Napatigil si Lucy sa ginagawa nito at lumapit kay Luchris. Lucy: S-sir? Ako nga po si Lucy ang secretary ni Sir Sedenio. Magandang araw po Sir Luchris. Luchris: Magresign ka na. Lucy: Ano po Sir? Hindi po pwede Sir! Ayoko po mawalan ng trabaho. “MAGRESIGN KA NA!!,” Sigaw ni Luchris. Napatulala si Lucy at kinabahan sa ginawa sa kanya ni Luchris. Lucy: Kailangan ko po ng trabaho Sir! Matagal na po akong nagseserbisyo sa Aces Sir! Kung ok lang po Sir ako nalang po ang gawin niyong Secretary nyo! Gagawin ko po ang lahat! Luchris: Lahat? Alam mo ba kung bakit ayokong maging secretary ka? Kasi mabait ka! Gusto kong gawin mo magresign ka na! para tapos na ang usapan! ~Back to Time~ Nakalabas na si Lucy sa Aces. Nakatingin at pinagmamasdan nito ang Aces Company sa labas kasabay nang pagpatak nang luha nito. “Sir Sedenio? Naririnig niyo ba ko? Hindi ko na po maipapangakong mababantayan ko si Vecka para sa inyo! Sir? Kung naririnig niyo po ako bigyan niyo ko ng trabaho,” bulong sa isip ni Lucy. “Lahat kayo palpak! Dapat lahat kayo pinapalitan!” sigaw ni Luchris. Nagwawala ito sa mga staff ng Aces, binato nito ang lahat ng papel na hawak niya. “Sorry po Sir.. Uulitin ko nalang po ulit.. Sorry po!” Pagmamakaawa ng isang empleyado. Lumabas si Vecka sa opisina nito para tignan ang g**o sa labas. “Anong meron Luchris? Bakit mo sinisigawan ang empleyado ko?” ani Vecka. Tumahimik si Luchris sa ginagawa nito at dahan-dahan na naglakad papunta kay Vecka. Luchris: Empleyado mo? Ha ha(Laughing Maniacally) May ginawa kasing kabobohan ‘yan empleyado mo! Hindi ka maayos pumili ng empleyado mo! Vecka: Tito! Wag mo kong ganyan kausapin! Nasa trabaho tayo! Ako pa rin ang boss mo! Kung hindi mo gusto sa mga empleyado ko? Hindi ka bagay sa Aces! Nagdabog palabas ng Company si Luchris dala ang gamit nito. “BWISIT KA VECKA!! Bakit kase ikaw pa ang naging tagapagmana ni Papa!” Sigaw ni Luchris. Nasa loob na ito ng sasakyan niya at pauwi na ito sa Aces Mansion. Sumunod naman si Vecka sa Tito nito pauwi sa mansion. Nakaupo at nagsasalo sa hapagkainan ang pamilya nang datnan ito ni Vecka. “Sorry sa nasabi ko kanina,” ani Vecka. Umupo ito at sumabay sa pagkain. Luchris: Alam mo? ako dapat ang mag-sorry ehh! Sorry sa nangyari kanina? Vecka: Pakisamahan niyo po ng mabuti yung mga employees natin! Para makagalaw sila ng maayos! hindi kinakabahan sa trabaho. Luchris: Yes, Vecka. Magiging mabuti ako! Kaya sayo ipinamana ni Papa ang Aces ehh Ramona: Siyempre kailangan maging malupit ka rin kapag may mali ang employees! Pahabol lang, alam kong nakamove-on na kayo dyan. Rosana: Ramona? Vecka is Right! Hindi porket may mali ang employee? Kailangan mo nang awayin agad! Ramona: Okay! Opinion ko lang naman yon! Vecka: Kamusta na ang RS? May kailangan ka ba? Ramona: Actually.. RS is doing great! Masaya ako sa nangyayari! and i don’t need you. Focus on your own business! Wag mo na kong tanungin sa RS. Vecka: Kinamusta ko lang naman. kung may kailangan ka sabihin mo lang sakin. Tumayo bigla si Paulina sa upuan nito. “I’m out! Ayokong kasama kayo! Pwede ba Ramona! Wag ka na sumabay samin sa susunod?,” ani Paulina. Padabog na naglakad ito paalis. Nagtinginan ang sila sa isa’t isa ng gawin ni Paulina iyon sa kanila. Hindi na nila ito pinansin at pinabayaan nalang hanggang sa matapos ang pagkain. Kinabukasan, pagpasok ni Vecka sa office nito ay nakaupo na si Luchris sa lamesa ng Lolo nito na si Sedenio. Wala na ang pangalan na Sedenio Sy, ang nakalagay na ay Luchris Sy sa name plate ng office. Vecka: Tito? Anong ginagawa mo? Bakit ka nandito? At bakit pangalan mo na ang nakalagay diyan? Asan yung kay Papa? Luchris: Vecka? Bigay mo na sakin to’! Tutal wala naman na si Papa! Anong gagawin mo sa office na to? Kung pwede naman na ako ang pumwesto? Vecka: Pwede kang pumwesto, sa office na ‘to! pero hindi mo makukuha ang pwesto niya sa trabaho. Umalis si Vecka sa office ng Lolo nito at pumunta sa sariling opisina nito. “Ma’am! Sorry po! may biglaang meeting po kase tayo ngayon!” ni Sec Hara. napakamot ng ulo at nakakunot-noo si Vecka ng marinig ang balita. “Hara! Maghanda ka nalang dahil nandyan na yan. harapin nalang natin sila,” ani Vecka. Pumunta si Vecka sa Meeting Room. Pagpasok niya ay sumalubong sa kanya ang nakita niyang si Luchris. Si Luchris ang head-speaker ng meeting. Si Luchris ang nagpatawag at si Luchris ang magre-report. “Dahil kompleto na ang lahat! Gusto kong i-congratulate ang sarili ko dahil nandito kayo! At dahil nandito na rin naman si Vecka, gusto kong sabihin na. thank you! Sa pagbibigay sakin ng pwesto na to! Dahil as for now! Ako na ang Founder ng Aces Company! “ ani Luchris. Nagulat ang lahat sa anunsyo ni Luchris at natuwa rin ang iba sa anunsyo nito. Nang matapos ang meeting ay mangiyak-iyak na bumalik si Vecka sa office nito. “Bakit ko siya binigyan ng pagkakataon na makuha ‘yon? Anong ginawa ko!” Bulong ni Vecka. “Ma’am? Okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ikuha ko kayo ng tubig?” ani Sec Hara. Tumango si Vecka at kumuha si Sec Hara ng maiinom nito. “Sir? Saan po natin ilalagay to?” Narinig ni Vecka galing sa labas, kaya nilabas niya iyon para tingnan ang nangyayari. Vecka: Ano nanaman to? Tito! Ano nanaman ginagawa mo? Luchris: Ako na ang founder! Ano pa gagawin ng mga gamit na yan sa office ko? Vecka: Tito pinagbigyan na kita! Bakit kailangan mo pa gawin yan? Luchris: Hayaan mo na ‘yan Vecka! Hindi naman nila yan itatapon! Ilalagay lang sa bodega. Sige na! bilisin niyo ang kilos niyo! Para makapagpahinga si Vecka ay umiwas muna ito kay Luchris sa trabaho. Hinayaan niya na ang pagiging Founder ni Luchris. Siya naman ang Chairman at CEO ng Aces kaya pinaubaya niya na kay Luchris ang pagiging Founder. Tapos na ang trabaho, kaya umuwi na si Vecka sa Mansion. Bumungad ulit dito ang isa pang problema. Nilabas din ang gamit ng Lolo nito. Si Ramona naman ang gumawa nito. Naiyak si Vecka ng makita ang ginagawa ng mga ito. Hindi niya na ito maawat, nanood nalang si Vecka hanggang sa matapos ang paglabas ng gamit. Vecka: Napagod ka ba Ramona? Ramona: Kanina ka pa ba? Alam kong gutom ka na! kain na tayo! Vecka: Ramona! Bakit mo ‘yon nilabas? Ramona: Wala naman na si Papa! Baka magamit rin yun nang mga nasa baba! Diba? Nakatulong pa ko! Vecka: Oo! Nakatulong ka! Ang bait mo nga ehh! Sa susunod na may galawin pa kayo sa gamit dito! Kayo na ang lalayas! Pumasok si Vecka sa loob ng Mansion at dumiretso sa kwarto nito. Si Luchris naman ay pumunta sa bahay ni Wilson para sa unang meeting nilang dalawa. Wilson: Ikaw na ngayon ang Founder ng Aces. Luchris: Ano? Tutulungan mo ba ko para maging isang CEO? Wilson: Luchris.. alam mo kase? Mahirap tanggalin si Vecka sa pwesto niya. Matalino ang pinagkatiwalaan ni Sedenio. Luchris: Di nyo ba alam? na nobyo niya ang anak niyo? Wilson: Si Winston? Alam ko na ang tungkol sa kanila. Pero wala naman balak pakasalan ng anak ko si Vecka. Luchris: Sigurado ka ba dyan? Hindi mo siguro gusto maging asawa ng anak mo si Vecka? Pero si Winston, mahal na mahal niya si Vecka! Wilson: Wag mo na isali sa usapan natin yan! Luchris: Gusto mo bang paghiwalayin ko sila? Wilson: Paano mangyayari ‘yon? Luchris: Tulungan mo ko! Sa kung anong gusto ko! Tutulungan din kita! Pagtapos ng usapan nila ay dumating si Winston. Sumenyas si Luchris kay Wilson na hayaan niyang kausapin nito ang anak niya at iniwan niya ito. Winston: Kanina ka pa ba dito? Tito? Luchris: Kailan mo pa niloloko si Vecka? Winston: Anong ibig niyong sabihin? Luchris: Winston, ayaw ng daddy mo kay Vecka! Bakit pinapaasa mo siya na papakasalan mo siya? Eh meron ka naman palang ibang papakasalan? Winston: Paano niyo nalaman? Kay dad? Anong kailangan mo sakin? Luchris: Sunurin mo lahat ng utos ko! Pero kapag hindi mo sinunod? sasabihin ko kay Vecka na ikakasal ka na sa iba! Ha ha(Laughing Maniacally) Winston: anong utos? Luchris: Guluhin mo ang pagtatrabaho ni Vecka! Alisin mo yung pagiging Focus niya sa trabaho! Kapag nagawa mo yon? Hindi ko na sasabihin sa kanya. Sige na! matulog ka ng mahimbing Winston! Ha ha! “Mayaman na Inggetera!” , “Lumaki sa magulong pamilya!” mga mensahe na natatanggap ni Paulina. Nababasa nito sa comments sa social media. mga komento ng tao sa litrato na nilabas ng school nila bilang top student. “Inggetera? Sus! Mas inggetera kayo! Inggit kayo sakin dahil mayaman ako!” ani Paulina. Nasa kwarto na ito kumatok si Vecka at binuksan naman nito ang pinto. “Okay ka lang?” ani Vecka. “Kakarating mo lang?” ani Paulina. “Hm.. sige! Goodnight!” ani Vecka. “Anong problema nun? Pumunta lang dito para mag-goodnight?” ani Paulina. Bumaba ito para kumuha ng tubig at nakita niya sa bintana na nasa labas ang gamit ng lolo niya. lumubas ito para makita kung gamit talaga ‘yon ng lolo niya at nung nakita niya ay nagalit siya. nakita niya si Ramona na may dalang gaas para sunugin ang mga gamit. Paulina: Ramona! Bakit mo susunugin ‘yan? Ramona: Dapat nang sunugin to! Tutal wala naman na si Papa! Paulina: So? Ibig sabihin kapag napatay kita ngayon? pwede ko ng sunugin mga gamit mo? Huh!? Ramona: Kaya mo? Ha ha! Kaya mo kong patayin? Hindi na sinagot ni Paulina ang tanong nito. Sinabutan agad ni Paulina si Ramona at kinaladkad papasok sa loob. Nang makapunta na sila sa sala ay nahawakan ni Ramona ang buhok ni Paulina at Pinahiga niya ito sa sahig. “Bakit mo ko nilalabanan! Mas matanda ako sayo!” ani Ramona. “Matagal na kong nanggigil sa kaplastikan mo!” ani Paulina. Pagtatalo ng dalawa habang nag-aaway. Naitulak ni Paulina si Ramona dahilan para makatayo si Paulina. Sinampal ni Paulina si Ramona at natumba ito. Kumuha naman ng panghampas si Paulina para ihampas kay Ramona at nung ihahampas niya na ito kay Ramona ay Nahawakan ni Ramona ang panghampas nito. Nag-agawan ang dalawa sa panghampas. “Bitawan mo Paulina! BITAWAN MOOOO!” sigaw ni Ramona. “Akin na! para matauhan ka!” sigaw din ni Paulina. Naagaw ni Paulina ang panghampas at naihampas niya ito kay Ramona. Dumugo ang ulo ni Ramona dahilan ng pagtigil ni Paulina sa paghampas dito. Natalsikan ng dugo ang malaking litrato ni Vecka. at nilapitan ito ni Paulina. Habang papalapit si Paulina sa litrato ay tumayo si Ramona para ibato kay Paulina ang panghampas na ginamit nito, pero hindi natamaan si Paulina. Tumama ang binato ni Ramona sa malaking litrato ni Vecka. Nahulog sa pagkakasabit ang malaking litrato at natumbahan nito si Paulina at nabasag din ang lamesa sa sala, dahil natamaan din ng malaking litrato. “PAULINAAAAA!” sigaw ni Vecka. Dumating din si Luchris galing sa meeting. narinig din nito mula sa labas ang malakas na sigaw ni Vecka. Lumabas rin sa kwarto si Rosana dahil sa narinig niya. Nang makarating si Vecka kay Paulina ay inangat niya ang nakadagan dito. Gising si Paulina at nasugatan sa bubog. “Sorry.. Sorry! Ate Vecka!” ani Paulina. Lumapit na rin sina Luchris at Rosana sa kanila. Rosana: Anong nangyari? Nag-away ba kayo? Ramona: Di ko sinasadya. Rosana: Yaya! Linisin niyo na ang mga bubog! Luchris: Bakit pati si Paulina! Ramona? Ramona: Bakit hindi mo itanong sa anak mo? Eh ikaw ang nag-utos sakin na ilabas lahat ng gamit ni Papa! Luchris: Paulina? WALA KA TALAGANG GALANG!! Vecka: Dapat hindi mo na pinatulan Ramona! At Tito? Bakit pati gamit ni Papa sa Mansion pinapatapon mo? Luchris: Dahil kailangan na natin siyang kalimutan! ‘Yan Litrato mo! Dapat lang na masira yan dahil Litrato ko na ang ipapalit dyan! Vecka: Sino may sabi? Ha ha ha! Sumosobra ka na Tito! Matuto kang tumingin kung hanggang saan lang yung linya mo! Luchris: Pero sira na rin yan! Habang inaayos pa Litrato ko muna ang ilalagay dyan! Vecka: Walang ibang ilalagay dyan! Paulina: TAMA NAAAAA!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD