Chapter 4: INDIGNATION
“TAMA NAAAA!!” malakas na sigaw ni Paulina sa kanila. “Pagod na pagod na ko intindihin lahat nang pag-aaway niyo! Pinag-uusapan nang lahat kung anong klaseng pamilya meron tayo!” dagdag nito.
Natulala at Natahamik ang lahat sa sinabi ni Paulina. Umupo si Vecka sa sofa at tinignan ang kalat na ginawa ng pag-aaway nila.
“Sorry.. Vecka alam kong importante sayo ang litrato na yan. Pasok na ko sa kwarto, maiwan na kita!” ani Ramona.
Umalis na rin si Luchris at si Rosana nalang ang kasama ni Vecka.
“Vecka, Anak! Ipapa-ayos nalang natin yan. Hindi naman nila sadya ang nangyari! pero siguro nga tama ang Tito Luchris mo! Picture nalang niya ang ipalagay mo dyan para mas maganda,” ani Rosana.
“Hindi pwede yung sinasabi niyo Mom! Mas maganda na picture ko ang ilagay dyan kesa sa picture ni Luchris!” sagot ni Vecka.
“Luchris? Vecka! Tito Luchris! Yan ang tawag mo sa kanya!” galit na sabi ni Rosana.
“Mom! Hindi ko siya dapat tawagin na ganyan! Kaaway ko siya!” giit ni Vecka.
“Hindi mo siya kaaway anak!” ani Rosana.
“Kaaway ko na siya!” huling bitaw na salita ni Vecka sa Mommy nito.
Kinabukasan ay maagang umalis ng bahay si Paulina. hindi na ito nag-umagahan agad na itong pumasok dahil sa galit nito kay Ramona. Sumaktong nasa labas na din si Vecka kaya sinakay siya nito ulit at hinatid papuntang school.
“Pasensya ka na sa nangyari kagabi ahh. Nagkagulo pa,” ani Paulina.
“Pinapaayos ko na yung picture. Bakit ba kayo nag-away?” ani Vecka.
Hindi sinagot ni Paulina ang tanong ni Vecka sa kanya. nakasilip lang ito sa bintana ng sasakyan.
“Siguro dahil yon kay Papa? Alam mo kung ayaw mo sabihin okay lang. naiintindihan kita” dagdag ni Vecka.
“Ang bait mo no? kailan ka kaya matatauhan? Kase ako wish ko na sana mawala na si Ramona at si Dad sa buhay mo! Pero ikaw kaya mo pa rin! Bakit ba! Bakit hindi mo sila bigyan nang leksyon na dapat sa kanila!” ani Paulina.
Natahimik si Vecka sa sinabi nito hanggang makarating sila ng school.
“Dito nalang ako ate! Sana sa susunod ma-realise mo na! at gawin mo din sa kanila yung ginawa ni Papa!” ani Paulina.
Bumaba na ito ng sasakyan at hindi na nakapagpaalam si Vecka dito.
Pumasok na si Paulina sa school nila. Pagdating sa school nito ay nakatingin ang ibang mga studyante sa kanya.
“Paulina? Are you ok?” ani Jeric boyfriend ni Paulina.
“Je! Hindi ako ok!” sagot ni Paulina.
“W- why?! Because of you’re family?” ani Jeric.
“So? You are belong to them? You are one of them! na busy pag-chi-chismisan tungkol sa magulo kong pamilya?” ani Paulina. Tinalikuran nito si Jeric at inawat naman siya nito.
“No! hindi ako kasali sa kanila, nagtatanong lang ako!” ani Jeric.
Dumating ang mga kaklase ni Paulina at nakita ito na nagtatalo sila ni Jeric kaya nilapitan sila nito.
“Hi Paulina! Kamusta ang buhay sa Mansion? Ha ha. Siguro lahat basag na?” ani Saly kaklase ni Paulina.
“Ikaw! Sumosobra ka na! palibhasa yung pamilya mo umaasa lang sa gobyerno! Ano? Di ba yung Daddy mo namolitika dahil gusto makapagnakaw sa gobyerno! Corrupt yung pamilya niyo!” ani Paulina.
“Subukan mong siraan pa ang pamilya ko Saly! Ipagkakalat ko rin lahat nang ninakaw ng Daddy mo sa Gobyerno!” pabulong na dagdag ni Paulina.
Si Vecka ay nasa office nito kausap ang secretary niyang si Hara. “Ma’am! Oo nga pala tumawag si Sir Wilson pupunta daw siya dito para makipag-usap nang sandali,” ani Hara.
“Kailan tumawag? Kanina? Buti nalang konti lang ang gawain ko!” ani Vecka.
Ilang minuto lang ang lumipas ay kumatok na ang Secretary ni Wilson. Pinagbuksan naman ito ni Sec Hara at pinaupo ang bisita.
“Goodmorning Sir! Have a seat, coffee Sir?” alok ni Sec Hara.
“No Thanks!” ani Wilson.
Lumabas na si Sec Hara at ang secretary rin ni Wilson para sila lang dalawa ang mag-usap.
“Nandito ako Revecka para sabihing gusto ng Team Timothy na makipagsosyo sa Aces!” ani Wilson.
“I think that’s a good idea! Sir Wilson!” ani Vecka.
“But my company needs a big name! not for the late congresswoman but the name of Aces Founder!” ani Wilson
“Hindi ko pwedeng ibigay kay Luchris ang pwesto ko! Kung pinapunta niya kayo dahil diyan! Hindi ko matatanggap ang alok mo!” ani Vecka.
“Kahit para kay Winston?” ani Wilson.
“Ginagamit mo ang anak mo para sakin? Tingin mo magandang idea ‘yon?” ani Vecka.
“I’m sorry Vecka pero kung tingin mong ginagamit ko siya nagkakamali ka!” ani Wilson.
“I’m sorry! But Sir our company rule is.. business is business!” ani Vecka.
Lumabas si Wilson sa office ni Vecka na galit na galit. “Dapat hindi na ko nag-aksaya ng oras dito! Dahil kay Luchris humarap ako sa babaeng ‘yan! Sisiguraduhin kong hindi maikakasal sa anak ko ang babaeng yan!” ani Wilson.
Nagkaroon naman nang biglaang problema ang kompanya na ibinigay ni Vecka kay Ramona.
“Ma’am Ramona! May nag-cocomplain po sa product natin! yung make-up daw po ay nakakabakbak ng balat sa mukha!” paliwanag nang employee ni Ramona.
Kinakabahan si Ramona at natatakot harapin ang nagrereklamo. “Pakisabi sa kanila na bumalik nalang dahil wala ako dito!” ani Ramona.
Sa takot at pangamba ay tinawagan ni Ramona si Vecka para humingi ng tulong dito. “Revecka! Tulungan mo ko ang daming tao sa labas ng RS!” paki-usap nito kay Vecka habang kausap sa telepono.
“Ano bang ginawa mo Ramona? Sige! Pupunta na ko dyan hintayin mo lang ako!” sagot ni Vecka sabay baba ng telepono.
Mula sa Aces Company hanggang sa RS Inc. ay mabilis na nagmaneho si Vecka. Para tulungan ang ate nito na si Ramona. Pagkarating ni Vecka doon ay ang daming tao sa labas nito at ang dami rin media. Gustong makausap nang mga ito ay si Ramona.
Pagkarating ay agad na pumunta ito sa office ni Ramona. “Anong nangyare? Bakit nakaupo ka lang! bakit wala kang ginagawa?” ani Vecka.
“Vecka! Hindi ko alam ang gagawin ko dito! Kaya nga tinawagan kita eh!” sagot ni Ramona.
Pumunta agad sa gawaan si Vecka para tignan kung bakit ganun ang nangyari.
Tinignan nila ang buong paligid pero wala naman ibang gamit doon.
“i- check niyo lahat nang ingredients na nilagay sa make-up!” utos ni Vecka.
Bumalik si Vecka sa office ni Ramona. “Anong ginawa mo Ramona? Sabihin mo na agad!” ani Vecka.
Nakatingin lang si Ramona kay Vecka at walang balak sagutin ang tanong nito.
“Ma’am Vecka! Sa ingredient nga po. sa Bismuth Oxychloride po! Tingin ko po dahil mura po ang halaga nito.” Paliwanag nang employee.
“Murang halaga ng ingredient? Ramona hindi mo kailangan magtipid! Wag mo nakawan yung pinapalakad ko sayo!” ani Vecka.
“Hindi ko ninakawan ang RS!” galit na sagot ni Ramona. “Kailangan ko lang nang pera! Para bayaran lahat nang utang ko! ‘Yun lang Vecka!” dagdag ni Ramona.
“Aayusin natin to Ramona!” ani Vecka.
Sabay na umuwi ang magkapatid at iniwan muna ang RS. Para malayo si Ramona sa g**o. dumating naman ang pinagawa ni Vecka na paglalagyan ng litrato.
“Ano yan Vecka? Para saan yan? Sa picture mo?” tanong ni Ramona.
“Kuya pakilagay nalang yung picture na ‘yon at pakilagay sa gitna. Oo sa picture Ramona pero hindi sa picture ko. Habang wala ang picture ko, picture muna ni Paulina ang ipapalagay ko.” Sagot ni Vecka.
Bumaba si Paulina sa sala para tingnan ang ingay na nanggagaling dito. “What!” gulat na makita ni Paulina ang litrato niya na nasa gitna.
“Bakit nakalagay yan diyan ate Vecka? Nasaan yung sayo?” tanong nito.
“Di’ba sabi ko matagal pa bago maayos ‘yon? Kaya ‘yan muna ang ilalagay ko!” ani Vecka.
Nang makita ni Vecka ang lungkot sa mukha ni Paulina ay agad nagpaliwag ito.
“Panandalian lang naman ‘yan Paulina… Hayaan mong gamitin ko muna ang picture mo para diyan.” Dagdag ni Vecka.
Pero hindi na iyon sinagot pa ni Paulina at agad itong bumalik sa kwarto niya.
Pumunta rin si Vecka sa kwarto nito para maaga rin makapag-pahinga. Nagri-ring ang telepono at sinagot iyon ni Vecka.
“Hello?” sagot Vecka.
“Ma’am! Si Secretary Hara po ito! Meron po kayong meeting kay Sir Orlando bukas. Pumasok po kayo ng maaga Ma’am! Goodnight!” ani Hara at binaba na nito agad ang telepono.
Maagang gumising si Vecka para maagang makarating sa meeting nito. Kabilang company kase ang pupuntahan nito ang company ng ka-shares niya. Meron kase iyon pa award at hindi iyon normal na meeting lamang.
Pagkarating ni Vecka ay agad siyang sinalubong nang mga employee nito at dinala sa boss nila si Vecka.
“Goodmorning Sir! Sorry na late po ako ng konti.” ani Vecka.
“Alam mo ‘yan ang gusto ko sayo ehh.. mabait ka at maagang dumadating!” ani Orlando boss ng Royals Company at sharer ni Vecka. Malaki ang nainvest ni Vecka sa company nito at marami na rin naitulong ang Royals sa Aces.
“Ang Aces Company ay isang malaking kompanya ng Mansion Furnitures at napalakad mo yun nang maganda. Please accept this award!” pagbati ni Orlando.
“Thank you sa bigay sakin nito. Yung Royals naman ay malaking company rin ng Mansion Lights!” biro ni Vecka dito.
“Kaya binigay sayo ‘yan dahil maganda ang trabaho mo. Pasensya ka na rin dahil ngayon ko lang naibigay ‘yan nung awarding kase ay saktong libing ni Don Sedenio. At salamat dahil kung di dahil sa tambak mong trabaho hindi rin kami matatambakan.” ani Orlando.
“Salamat sa pagpapakilala mo ng Royals sa buong pilipinas!” dagdag ni Orlando.
Mahigit isang oras ang inabot nang pag-uusap ni Orlando at Vecka. kaya nung natapos na ang meeting ay agad na umalis si Vecka para bumalik sa Aces at gawin ang trabahon nito.
Pagkarating don ay sinalubong siya ng mga employee niya at sinurprise dahil sa success nito.
“CONGRATS!! BOSS GANDA!!” sigaw nang mga empleyado nito.
“Salamat! Good Work Guys! Galingan pa natin! Para ma-impress ang iba pang sharer ng Aces!” ani Vecka.
“Hindi ko matatanggap ang award na ‘to kung hindi kayo nagsipag! Kaya CONGRATS SATING LAHAT!” dagdag at sigaw ni Vecka.
Habang ang lahat ay nagsasaya. si Luchris ay galit na galit sa nalaman niya at nakikita niya pa na ang lahat ay nagsasaya.
“Ngayon lang kayo magsaya! Mapuputol din yang kasiyahan niyo sa gagawin ko mga hunghang!” ani Luchris.
Lumabas ng office si Luchris para puntahan si Vecka sa office nito. “Revecka! Congrats!” pagbati ni Luchris kay Vecka.
“Alam kong hindi ka masaya Luchris!’ ani Vecka.
“Ha ha (Laughing Maniacally) masayang masaya ako! Hindi ba halata?” ani Luchris.
“Vecka! Hintayin mo lang meron akong gagawin para masira ang kasiyahan mo ngayon!” dagdag ni Luchris.
“Ano nanaman gagawin mo Luchris? Dedemonyohin mo nanaman ako? Galit na ko sayo! Kung dadagdagan mo pa it’s up to you! Baka mag-goodbye ka na sa company na to!” ani Vecka.
Pero hindi pa rin natakot si Luchris. Hindi ito nasindak ni Vecka, lalo pa nitong inasar at pinikon si Vecka.
“Wait mo lang Vecka… dadating na ang taong sisira ng kasiyahan mo! Ha ha!” ani Luchris.
“Lumabas ka na! Labas!” ani Vecka.
“Tatandaan mo ‘yan Vecka! Hahaha!” pang-aasar ni Luchris bago ito lumabas.
Paglabas na paglabas ni Luchris ay biglaang naman pumasok si Sec Hara sa opisina nito at may masamang balitang dala.
“Ma’am! May problema tayo!” ani Hara.
Nangamba agad si Vecka at Nag-alala kung ano ang problema. “Maraming nag-cancel nang meeting na pina-sched niyo!” ani Hara.
Dahil sa problemang sinabi ni Hara. Agad na lumabas ng office si Vecka at pumunta sa office ni Hara. Tiningnan nito ang lahat nang naka-sched at lahat nang ‘yon ay importante. Kaya sinugod ni Vecka si Luchris at kinompronta niya ito.
“Ano bang problema mo Luchris! Bakit mo ko pinapahirapan?! Bakit pati problema mo sakin sinasama mo sa trabaho?” ani Vecka.
“Wala ng ibang dahilan Vecka!” ani Luchris. “kung pumayag ka sa alok ni Wilson, edi sana wala kang problema.” Dagdag ni Luchris.
“Bakit? Tingin mo hindi ko kayang ayusin to? Maninira ka pa akala mo mananalo ka?! Hindi! Abangan mo rin paglabas na paglabas ko sa office mo!” ani Vecka at lumabas ito sa office ni Luchris.
Pagkalabas ay bumalik si Vecka sa office niya para tawagan ulit ang client. Lahat naman ito ay naka-usap ni Vecka ng maayos at hindi na tinuloy ang pag-cancel ng meeting.
“akala mo Luchris! Mananalo ka sakin!” bulong sa isip ni Vecka.
Tapos nanaman ang araw niya at oras nang trabaho. Kaya maaga ulit itong nakauwi. Pag-uwi ay good news naman ang salubong ni Paulina sa kanya.
“Ate Vecka! Ako ang pinili ng school bilang representative sa quiz bee!” masayang balita ni Paulina kay Vecka.
“Congrats! Gagalingan mo ahh! Kailan ba ‘yan pupunta ako!” ani Vecka.
“Hindi pa nila sinabi kung kailan pero kailangan ko ng maghanda!” ani Paulina at kita ang excitement sa mukha nito.
“Ako rin may good news!” ani Vecka.
“Ano ba yan ate?!” tanong ni Paulina.
“Nabigyan ako ng award ng Royals!” sagot ni Vecka.
“Award? Congrats din ate!” masayang bati rin nito kay Vecka. At masaya nilang celebrate nang sila lang dalawa ang achievements nila.
“Simula nung mawala si Papa. Ito ang unang masayang araw ko” bulong sa isip ni Vecka.