Chapter 5: History of Love
“IPASARA ANG RS INC!! IPASARA NA YAN!! ISARA NA YAN!!” sigaw ng mga tao sa labas ng RS Inc. Nakatingin lang si Ramona sa mga nagrarally sa labas nang company nito habang siya ay nasa loob nang kotse.
“Ma’am? Bababa po ba kayo? Siguro ma’am mas maganda na hindi muna po kayo pumunta sa RS.” Sabi ng Driver ni Ramona.
“Hindi! Kailangan ko silang harapin lahat para tigilan na nila ako!” ani Ramona.
Bumaba si Ramona nang kotse at lumapit ito sa mga nagra-rally. “Anong kailangan niyo? Bakit ayaw niyo magsitigil!?” ani Ramona. Nakatingin ang lahat sa kanya at nag-umpisa nang magtanong ang mga grupo ng media sa kanya.
“Bakit po ganun ang nangyari sa mga bumili ng product niyo?” “Ano po bang meron sa make-up na binebenta niyo?” “meron bang ibang nilagay doon?” “bakit ikaw na ang namamahala ng RS? Bakit hindi na si Revecka Sy?” sunod sunod na tanong kay Ramona.
“NAGKAMALI PO AKO!” sigaw ni Ramona. “Pwede ba isa-isa kayong magtanong huwag sabay-sabay!” galit na sabi ni Ramona.
“ indi ine-expect nang RS ang mangyayari sa mga bumili nang product. ang meron sa make-up na binebenta namin ay marami! Nagkaron lang ng problema sa Bismuth. Yung ingredients na ‘yun ay meron talaga sa lahat nang foundation at may epekto talaga na magkakaroon ng rushes ang gagamit nito kapag sensitive yung balat nila.” paliwanag ni Ramona.
“Ang pagkakamali po nang kompanya namin ay sasagutin namin! babayaran namin ang bills sa hospital nung taong apektibo dito.” Dagdag ni Ramona.
“Bakit kayo na po ang namamahala nang RS Inc?” pahabol na tanong ng isang grupo nang media.
“Si Revecka ay may bagong business! Kung siya yung hinahanap niyo pumunta kayo sa Aces Company! Doon niyo siya i-interview!” galit na sagot ni Ramona.
“Vecka! Vecka! VEEEECKKKKAAAA!!” sigaw ni Luchris sa sala ng Aces Mansion. Nanonood kase ito nang balita at nakita niya si Ramona na sinagot lahat ng tanong nang media at Vecka ang madalas naririnig nito.
“Luchris? Bakit? Ano nanaman problema mo kay Vecka!” sigaw ni Rosana habang papalapit ito kay Luchris.
“Tigilan mo na si Vecka! Tantanan mo na ang anak ko at Aces!” dagdag ni Rosana.
“Ha ha (Laugh Maniacally) Rosana? Ubos na ba ang pera mo? Kaya kumakampi ka na kay Vecka?” pang-aasar na tanong ni Luchris.
“Sa tingin mo ba? Hindi magagalit ang paboritong mong anak na si Ramona kapag narinig niyang pinagtatanggol mo si Vecka?” dagdag ni Luchris.
“Pwede ba! Tigilan mo na ang mga anak ko! At lumayo ka na samin! Kase wala ka naman maitutulong sa pamilyang to at sa Aces!” galit na sabi ni Rosana.
Nagalit si Luchris dahil namintig ang tenga niya sa sinabi ni Rosana. “ANO!! ANONG SABI MO?” lumapit ito kay Rosana at sinakal niya ito sa leeg.
“Ahkkk..Lu-Luchris.. Lu!” paputol putol na salita ni Rosana dahil sinakal ito ni Luchris.
“wag na wag mo na ulit mababanggit sakin na wala akong nagawa sa pamilyang ‘to! Dahil ako ang may pinakamaraming nagawa!” gigil na sabi ni Luchris, pagtapos ay binitawan niya na ito.
“Hahhhh.. hayop ka talaga!!” sigaw ni Rosana. Umiiyak si Rosana at si Luchris ay umalis na.
Saktong dumating naman si Vecka kasama ang boyfriend nitong si Winston.
“Ma? Anong nangyari sayo? Bakit nakahawak ka sa leeg mo? Masakit ba?” tanong ni Vecka.
“Ahh… wala lang ito Vecka! Nandyan na pala kayo? Sige! Maiwan ko muna kayo ahh” pagpapa-alam ni Rosana.
“Kain tayo? Ano gusto mo?” alok ni Vecka kay Winston.
“Ayoko munang kumain gusto ko munang gumala ulit sa Mansion.” Sagot ni Winston.
“Nako! Nagala mo na ‘to! Tara na kain nalang tayo!” pangungulit ni Vecka.
“Ayoko niyan.. gusto ko kase makapagkwentuhan muna tayo Love!” ani Winston.
“Yung kwentuhan habang naglalakad.” Dagdag ni Winston.
“Sige! Ikaw may gusto niyan ahh!” ani Vecka.
Pumunta silang dalawa sa labas nang Mansion, para libutin ang magagandang tanawin dito.
“Alam mo ba? Hindi mabubuo ang Aces Mansion kundi dahil sa pagmamahal.” Ani Vecka.
“Pagmamahal? Napaka-romantic naman nyan!” birong sagot ni Winston.
“Gusto mo ba i-kwento ko sayo kung anong love story nang Aces Mansion?” ani Vecka.
Malapit na sila sa ilog na palaging pinag-uupuan ni Sedenio at nung makarating na sila doon ay umupo rin silang dalawa sa upuan na ‘yon habang nagke-kwentuhan.
~HISTORY OF LOVE~
“Don Sedenio? Kanina pa kita hinahanap. Lumibot na ko kung saan! Nandito ka lang pala sa ilog.” ani Fraches asawa ni Sedenio.
“Maupo ka sa tabi ko napaka-sariwa nang hangin at malayo sa ingay nang lugar na ‘to.” ani Sedenio. Umupo naman si Franches sa tabi nito at dito nag-usap ang dalawa.
“Kapag-isinilang mo na ang bunso natin! Palagi ko siyang dadalhin dito. Para dito niya rin dalhin ang magiging asawa niya. Swerte ang lugar na ito para sa magkasintahan!” ani Sedenio.
“Naniniwala ka sa swerte? Alam mo kahit hindi tayo pumunta sa ilog na ‘to hindi tayo maghihiwalay.” ani Franches.
May ipinakita si Sedenio kay Franches, isang larawan nang lugar na gusto puntahan nito kasama ang asawa niya.
“Ito ang gusto kong puntahan natin pagkatapos mo manganak!” masayang sinabi ni Sedenio kay Franches. Napangiti si Franches nang makita niya ang litrato.
“Napakaganda sa lugar na yan Don Sedenio! Magugustuhan din ni Sebastian yan!” ani Franches.
Magkasama bumalik ang mag-asawa sa Mansion, at masaya naman silang sinalubong ng anak nito na si Sebastian. “Tay! Nay! Tignan niyo yung ginuhit ko!” masayang ipinakita ni Sebastian ang guhit nito sa magulang niya.
“Ito si Tatay, ito naman si Nanay at ito naman ang bunso kong kapatid.” Dagdag ni Sebastian.
“Anong ipapangalan natin sa kanya?” tanong ni Sebastian.
“Anak, siya si Luchris. Maganda ba? Sedenio?” ani Franches.
“Oo maganda!” sagot ni Sedenio. Pero naputol ang kasiyahan nang pamilya ng dumating ang magulang ni Sedenio.
“Pag-sinilang mo na ang nasa sinapupunan mo! Umalis ka na at isama mo ‘yan!” sigaw ng nanay ni Sedenio na si Aurora.
“Pero Mama? Asawa ko si Franches!” paglaban ni Sedenio.
“Asawa mo? Pero hindi sayo yung anak? Anong klaseng asawa siya? Si Sebastian lang ang anak niyo!” patuloy na pagsambit ni Aurora.
“Madam! Ma! Patawarin niyo ko sa pagkakamali ko! Napatawad na ko ng anak niyo at sana ay patawarin niyo na rin ako!” pagmamaka-awa ni Franches.
“Umalis nalang kayo at iwanan niyo si Sebastian sa tabi ko! Wala siyang mapapala sa inyo!” galit na sabi ni Aurora.
Pinalayas ni Aurora si Sedenio at Franches. Tumira ito sa mga bahay sa baba ng Mansion. At doon nagsama at nagpatuloy ang pagmamahalan ni Sedenio at Franches. Kahit mahirap ang buhay sa baba ng Mansion ay iniraos pa rin ni Sedenio ang pamilya niya sa mahirap na pamumuhay roon.
Lumipas ang ilang taon ay pinabalik na sila ni Aurora sa Mansion. Malaki na rin si Sebastian at si Luchris at naglalaro na silang dalawa. dahil sa hirap nang dinanas nila ay pinatunayan ni Sedenio na mahal niya si Franches kahit may ginawa pa itong mali sa kanya.
Umalis sina Sedenio at Franches, kasama ang anak nilang si Luchris. Doon sila tumira sa magulang ni Franches. Ilang taon ulit silang nawala at nung nabalitaan nilang sinugod nang mga hapon ang Mansion ay agad silang umuwi.
Puro dugo ang makikita sa labas nang Mansion at nung pumasok si Sedenio sa Mansion ay nakita niya lawa nang dugo. Nakita rin nitong buhay ang anak niyang si Sebastian. may hawak na b***l at puro dugo ang katawan. Binatilyo na ang anak ni Sedenio, kaya may alam na rin ito kung paano niya ipagtatangol ang sarili niya.
“Sebastian?!” tawag ni Sedenio sa anak nito at mahigpit nitong niyakap ang anak niya. Nakahandusay rin nitong nakita ang ina niyang si Aurora. “Tay.. hindi ko siya naipaglaban” nanginginig na bigkas nito.
“Nay! Samahan niyo ko dito! Dito nalang ulit kayo tumira! dito nalang tayo magsama-sama!” nanginginig na sabi nito.
“Sebastian? Anak anong nangyari?” tanong ni Sedenio.
“Patawad.. Patawad Tay! Mahal na mahal ko kayo! Gusto ko na kayo makasama. Nakaligtas kami ni Lola! Pero pinatay ko siya para makasama kayo!” umiiyak na bigkas ni Sebastian.
Umiyak na rin ang Ama nito na si Sedenio at si ang Ina rin niya na si Franches. Samantalang ang batang kasama nila ay wala pang alam sa nangyayari. Niligpit nila ang lahat ng kalat at inilibing sa maayos na libingan lahat nang bangkay.
Makalipas nang mahabang panahon ay naging masaya ang buong pamilya ni Sedenio at kinalimutan na nila ang nangyari. Nakapangalan kay Sebastian lahat nang ari-arian ni Aurora. pati ang Mansion at binuksan ito ulit bilang Aces Mansion.
~End of History~
“Wala ka bang nararamdaman na nagpaparamdam sa Mansion?” tanong ni Winston.
“Wala naman! Atsaka diyan na ko lumaki sanay na ko swerte ang Aces Mansion samin ang dami nang pinagdaanan,” ani Vecka.
Pagtapos nang pagke-kwentuhan nila ay tumayo na sila sa upuan at naghagis ng barya ni Vecka sa ilog at nag-wish. “Uyyy! Ano yon?!” gulat na bigkas ni Winston. May naapakan kasi itong box sa tabi nang upuan at natambakan ng mga dahon.
“Ano yan?” tanong ni Vecka.
“Ewan ko! Naapakan ko lang.” sagot ni Winston.
Inagaw ni Vecka ang box na dala nito at binuksan para makita ang laman.
“Ano to? Ito siguro yung picture na gusto puntahan ni Papa! Kasama si Mama!” ani Vecka.
“Gusto mo magbakasyon tayo? Sa lugar na ‘to!” tanong ni Vecka.
“Di’ba may trabaho ka? Pano yung trabaho mo?” balik na tanong ni Winston.
“Ako na bahala doon! Si Hara na muna ang tatao don! Gusto kong pumunta dito kasama ka!” ani Vecka.
“Gusto ko rin pumunta diyan! sige.. punta tayo? Kailan tayo pupunta?” tanong ni Winston.
“Bukas! Gusto ko magbaon ka nang maraming damit! Gusto ko masulit yung pagpunta dito!” ani Vecka. At tinitigan ang hawak nitong picture.
Habang tinitignan ni Vecka ang picture ay tinitignan niya na sa internet kung saan at kung paano pupunta doon. si Winston naman ay may mausap sa Cellphone.
“Magbabakasyon kami ni Vecka bukas! Aalis kami agad at si Hara ang maiiwan sa company” sabi ni Winston sa kausap nito na si Luchris.
“Good! Very Good! Magagawa ko na ang plano ko kapag wala na si Vecka,” ani Luchris at binaba na nito ang tawag. “Ha ha ha (Laugh Maniacally)” malakas na tawa ni Luchris.
Bumalik na ito nang Mansion at hinanda ang lahat ng dadalhin nito.
“Saan ka pupunta Vecka?” tanong ni Rosana. nakita kasi ni Rosana na nag-i-impake si Vecka.
“Magbabasyon kami ni Winston,” maikling sagot nito.
“Magbabakasyon? Saan? At bakit ngayon? Nasa peligro ang Aces Company! Nahihibang ka na ba Revecka?!” ani Rosana.
“Bakit niyo sinasabi sakin ‘yan ngayon Ma?” tanong ni Vecka. “Kapag ikakasal na ba yung taong mahal mo! Wala kang gagawin?!” dagdag ni Vecka.
Narinig ni Winston sa labas ang pinag-uusapan nang mag-ina sa loob ng kwarto ni Vecka.
“Kailangan ko rin takbuhan yung kasal na pinipilit sakin ni Dad.. pero bakit yon nalaman ni Vecka?” bulong sa isip ni Winston.
Dali-dali itong naglakad palayo sa pintuan nang kwarto ni Vecka, at tinawagan ulit nito si Luchris. “Paano nalaman ni Vecka ang tungkol sa Fix-Marriage?” tanong ni Winston kay Luchris habang kausap niya ito sa Cellphone.
“Oh! No! Mukhang may ginawa si Vecka! Ha ha ha (Laugh Maniacally)” ani Luchris.
“Luchris! Tutal alam na ni Vecka ang tungkol don? Hindi na ko magsusunod-sunuran sayo!” ani Winston.
“What! Ha ha(laugh maniacally) Bobo ka talaga Winston! Recorded lahat ng usapan natin simula kanina! Kapag hindi mo ko sinunod sasabihin ko kay Vecka na bina-backstab siya ng boyfriend niya! Ha ha ha! Oh? Pano ba yan? Mamaya ka na ulit tumawag! Goodbyeeee!” ani Luchris.
“WAAHHHHHHH! HAYOP KA LUCHRIS!” ani Winston. Bumalik na ulit ito sa kwarto ni Vecka.
“Bakit? Anong nangyari? May nangyari ba sayo? Bakit parang kinakabahan ka? Siguro hindi ka pa handa sa bakasyon natin noh?” ani Vecka.
“Vecka.. may itatanong lang ako,” ani Winston.
“Tungkol ba yan sa sasakyan natin?” sagot nito habang nag-aayos ng gamit. “Helicopter sasakyan natin! Para mas kita natin yung view! Ayaw mo ba? Pwede naman na magkotse nalang tayo? Ano ba gusto mo?” dagdag ni Vecka.
“Ahh.. kahit ano! Pero para sakin mas maganda kung magkokotse tayo para kahit tayong dalawa lang talaga.” Ani Winston. Lumapit si Vecka kay Winston at yumakap
“Wag kang magsesekreto sakin ahh.. mahal na mahal kita,” ani Vecka.
“Hindi ako magsesekreto sayo Love! Promised!” ani Winston