Chapter 6: The Worst Vacation
“Vecka? Kailan ang balik niyo?” tanong ni Rosana. Aalis na kase ng Mansion si Vecka kasama ang boyfriend nitong si Winston.
“Mom.. saglit lang kami doon uuwi rin ako agad. Hindi ako magtatagal! kayo muna ang maghatid kay Paulina sa school,” ani Vecka. Sumakay na ito nang kotse at sabay umalis.
“Ayos ka lang ba? Love? Magsit-belt ka!” ani Winston.
“Feeling ko kase may umaawat sa pag-alis natin. Feeling ko ang bigat nang pakiramdam ko.” Ani Vecka. Kumuha si Winston ng tubig at binigay niya ito kay Vecka
“Uminom ka muna, hindi ka lang kase sanay na umaalis at iniiwan mo yung responsibilidad mo sa iba. Kung di ka okay pwede naman tayo bumalik?” ani Winston.
“Nandito na tayo ehh.. ano ka ba? Tsaka ilang araw lang naman tayo don!” Paliwanag ni Vecka.
“Ilang araw nga lang ehh.. baka hindi ka naman mag-enjoy,” malungkot na sabi ni Winston. Hindi na nagsalita si Vecka, hanggang sa makarating sila sa lugar kung saan nandoon ang sasakyan nilang helicopter.
“Ma’am Vecka! Ito na po yung helicopter at ‘yan po si Jun, yung driver niyo!” sabi ng tauhan ni Vecka na si Kaloy.
“Maraming Salamat sa pag-asikaso nang sasakyan namin ahh..” ani Vecka.
“Walang anuman Ma’am! Mag-enjoy po kayo! Sa trip niyo!” Paalam nito. Sumakay na si Vecka at ai Winston.
“Ready ka na?” tanong ni Winston kay Vecka.
“Oo! Tinatanong pa ba yan? Teka? First time mo ba?” pabalik na tanong ni Vecka kay Winston.
“Huh?! Hindi ahh! Pero natatakot ako!” sagot ni Winston dito.
“Hahaha! Kaya pala gusto mo magkotse nalang tayo?” Natatawang sabi ni Vecka dito. Simula nang umandar ang sasakyan nila nakahawak ng mahigpit si Winston dahil sa takot at hindi rin ito tumitingin sa bintana dahil sa lula.
“Hahaha! Okay ka lang ba? Sa susunod hindi na ito gagamitin natin!” ani Vecka. Nung nakarating na sila sa lugar na pagbakasyon nila ay agad silang nagcheck-in sa hotel na malapit dito.
“Hay… Salamat nandito na tayo pwede ba magkotse nalang tayo pauwi?” ani Winston.
“Yayain pa nga kita magsky diving ehh!” pang-aasar ni Vecka kay Winston. Sumunod na sila sa staff nang hotel para sa kuwartong i-stay-an nila.
“Maganda dito! Tayo lang walang magulo.” Ani Vecka. Lumapit ito kay Winston at yumakap
“Kung ito na ang huling pagsasama natin! Susulitin ko na Winston.” Ani Vecka. Umalis na si Vecka sa pagkakayap kay Winston at lumapit ito sa bintana.
“Ang ganda nang view dito! Tignan mo yung labas! Bukas na bukas talaga paggising natin! Pupuntahan natin yung dream place ni Papa!” masayang sabi ni Vecka.
Binalik ni Winston ang yakap ni Vecka. Niyakap niya rin ito ng mahigpit “Love? Sana palagi nalang tayong ganito… magkasama, masaya, magkayakap- ,” ani Winston.
“Shh! Winston? Hindi kase pwede yung sinasabi mo ehh.. kase meron nga kong trabaho di’ba?” pagputol ni Vecka dito.
“Pero? Hindi ba natin pwedeng gawin kahit meron kang trabaho?” ani Winston. Nagiging malakas na ang boses ni Winston kay Vecka.
“Winston!” Pag-awat ni Vecka dito. Tumahimik si Winston dahil nakita nito ang mukha ni Vecka na nahihirapan rin sa problema nilang dalawa.
“Sige! Maglilinis lang ako nang katawan.. para maaga nating mapuntahan yung dream vacation ni Don Sedenio.” ani Winston. Pumasok ito sa banyo at naiwang nakaupo si Vecka sa tapat ng bintana. Napakamot ulo si Vecka at napakunot noo. dahil nagi-guilty ito sa ginagawa niya kay Winston.
“CHEERS! This is it! Babalik si Revecka dito na wala na siyang pagma-may-ari! Hahaha (Laugh Maniacally)” Natutuwang sabi ni Luchris kay Ramona.
“Alam mo Luchris! Gawin mo muna! Huwag ka muna magsaya! Nauuna nanaman yung kasiyahan mo! baka mamaya pumalpak ka nanaman!” ani Ramona.
“Hindi na ko papalpak Ramona! Alam kong hindi maayos nang Secretary niya ang trabaho niya! Kaya ako muna ang uupo. Pero…Hindi ko na ibabalik sa kanya! Hahaha! CHEERS!” Masayang sinabi ni Luchris.
“CHEERS!” Pagsabay ni Ramona dito.
Kinaumagahan, nasa office ni Vecka ang Secretary nitong si Hara para gawin ang pinapagawa nang boss nito. Nagagawa naman ni Hara nang tama ang lahat ng utos ni Vecka sa kanya at pinapaalam rin ni Hara ang bawat ginagawa niya kay Vecka.
“Alis! Ako muna ang uupo!” Pagtataboy ni Luchris kay Hara.
“Sir? Hindi po kayo pwede sa office ni Ma’am Vecka! ‘yon po ang bilin niya samin!” ani Hara.
“Sino ka ba para pigilan ako?” galit na sabi ni Luchris.
“Sir! Ginagawa ko lang kung anong inutos saakin ni Ma’am! Pasensya na po kayo pero pwede na po kayong lumabas!” ani Hara. Pero hindi sumunod si Luchris. Umupo pa ito sa lamesa ni Vecka at tiningnan ng masama si Hara.
Guard? Pumunta kayo sa office ni Ma’am! Gawin niyo kung ano ang utos niya!” Pagtawag ni Hara sa mga Guard.
“Bakit ba!? Bakit ba mas magaling ka pa!” sigaw ni Luchris. Tumayo ito at umalis sa upuan ni Vecka at sinampal nito si Hara.
“Hindi lang yan ang gagawin ko sayo! Subukan mo pang mangeelam! Paglabas mo nang kompanyang ito? Ipapapatay kita!” pananakot ni Luchris dito. Hindi na nagsalita pa si Hara at dumating na ang mga guard sa office ni Vecka.
“Sir! Pasensya na po kayo pero ginagawa lang po namin ang trabaho namin,” Sabi nang mga guards.
“Trabaho? Alis! Babalik na ko sa office ko,” Ani Luchris. Tiningnan nito nang masama ang mga guard pati na si Hara “Hindi pa tayo tapos!” dagdag nito.
“Sige na kuya! Bumalik na kayo sa trabaho niyo!” ani Hara. Tumawag ito agad kay Vecka pagtapos sumugod ni Luchris sa office.
“Ma’am! Pumunta po si Luchris dito sa office niyo at ginawa ko po ang inutos niyo. Ma’am… Sinaktan niya po ako pero ayos lang po ako! Pinagbantaan niya rin po ako na ipapatay niya ko pagsinunod pa kita.” Sumbong ni Hara dito.
“Hahanapan kita nang magiging bodyguard mo Habang wala lang ako! Ewan ko lang kung hindi ka pa niya tantanan!” ani Vecka.
“Maraming salamat po Ma’am! Sige po balik na po ako sa trabaho!” paalam ni Hara.
Lumabas si Vecka nang kuwarto at pasekretong tumawag ulit kay Hara.
“Hara? Tawagan mo si Secretary Lucy! Sabihin mo tulungan ka niya at hinahired ko siya bilang bodyguard mo!” ani Vecka.
“Sige po Ma’am! Tatawagan ko na po agad!” ani Hara.
“Sige! Balitaan mo nalang ako ulit” paalam ni Vecka.
Sinunod naman ni Hara ang utos ni Vecka at tinawagan niya agad ang dating secretary ni Sedenio na si Lucy.
“Hello? Ma’am Vecka? Bakit po?” Sagot ni Lucy.
“Lucy? Si Hara ito! Tulungan mo ko! Hinahired ka ni Ma’am Vecka para maging bodyguard ko” Paliwanag ni Hara.
“Asan si Ma’am Vecka? Bakit kailangan mo ko?” tanong ni Lucy.
“Nagbabakasyon si Ma’am ngayon! Please…wala na kong ibang malalapitan” ani Hara.
“Sige! Magbibihis lang ako at pupunta ako ngayon diyan sa Aces,” ani Lucy.
Agad agad na pumunta si Lucy sa Aces Company at nagkita na sila ni Hara.
“Okay kalang ba? Anong ginawa niya sayo?” pag-aalala ni Lucy kay Hara.
“Sinampal niya ko at sinabi niya sakin na kapag sinunod ko si Ma’am Vecka ay ipapapatay niya ko” natatakot na paliwanag ni Hara.
Nagtapos na ang oras nang trabaho at nakauwi rin ligtas si Hara sa bahay nito. “Salamat Lucy! Salamat dahil bumalik ka ulit para sa company, bakit ka nga pala pumunta agad? I mean, bakit mo tinanggap agad? Wala ka bang trabaho?” tanong ni Hara.
“Hindi ko mapapaliwanag ngayon Hara! Mauna na ko. Magkita nalang ulit tayo bukas sa office” pagpapaalam ni Lucy.
“BWISIT! BWISIT TALAGA YUNG VECKA NA ‘YAN!” Galit na galit na sigaw ni Luchris.
“Bakit? Sabi ko sayo ehh! Hindi ka mananalo! At hindi uobra yang plano mo!” ani Ramona.
“Hindi uobra? Meron nga kong naisip eh! Para hindi na makabalita si Vecka sa Secretary niya!” ani Luchris.
“Ano nanaman yan?” pagtatakang tanong ni Ramona.
Kinuha nito ang cellphone niya at tinawagan nito si Winston.
“Kamusta ang bakasyon Winston?” tanong ni Luchris.
“Anong kailangan mo?” bulong na sabi ni Winston.
“Wag mong pagamitin nang cellphone si Vecka! Itago mo yung cellphone niya!” ani Luchris.
“Huh? Bakit? Ano nanaman to?” galit na sabi ni Winston.
“Kailangan mong sumunod Winston! Kase kapag hindi! alam mo na kung ano ang mangyayari! Baka gusto mong masira ang bakasyon mo diyan?” pananakot ni Luchris.
“Sige! Ito na! Itatago ko muna yung cellphone niya. wag mo na muna akong tawagan.” pamamaalam ni Winston.
Pasikretong kinuha ni Winston ang cellphone ni Vecka habang tulog ito. At tinago ni Winston ang cellphone nito.
“Sabi ko sayo eh! Pano niya pa malalaman ang nangyayari dito? HAHAHA” ani Luchris
“Bahala ka sa kung anong plano mo Luchris! Basta nakasupport ako diyan!” ani Ramona.
“Sige na! Maiwan na kita diyan! Kailangan ko nang magpahinga!” paalam ni Ramona.
Pagpasok ni Luchris sa kompanya kinabukasan ay agad itong dumiretso sa office ni Vecka. Pero laking gulat nito ng makita niya na nakaupo si Vecka sa upuan nito at nakaharap sa bintana.
“Oh! Vecka? Nandito ka na pala?” tanong ni Luchris.
“Kailangan ni Ma’am Vecka magpahinga! Lumabas muna kayo!” ani Hara. at lumabas si Luchris sa office ni Vecka.
“Bakit ba kase hindi na matawagan si Ma’am!” pag-aalala ni Hara.
“Mag-stay ka muna dyan Lucy! Buti nalang matalino ka at nagawa mong gayahin ang look ni Ma’am!” dagdag nito.
“Pero yung pirma? Alam ng lahat na nandito na si Vecka. Kaya magpapapirma na yan lahat!” pag-alala ni Lucy.
“Pag-aralan mo na ang pirma ni Ma’am! Habang maaga pa!” ani Hara.
Umuwi si Luchris galing trabaho. Dahil sa sobrang galit nito
“WWAAHHHHHHHH!” Pagwawala ni Luchris.
Hinagis nito ang gamit niya at nagbasag ng gamit.
“Luchris! Ano nanaman bang problema? Pumalpak ka nanaman? Sabi ko sayo eh! Tumigil ka na! ikaw lang ang mapapagod sa ginagawa mo!” sigaw ni Ramona dito.
“Pakielamera ka rin! Isa ka ring salot!” panduduro ni Luchris kay Ramona.
“Salot? Ikaw ang salot Luchris! Noon pa lang wala ka nang kwenta! Bakit hindi mo matanggap ‘yon?” ani Ramona. Sinampal ni Luchris si Ramona.
“Wala ka ring kwenta Ramona!” sigaw ni Luchris.
Pero hindi nagpadaig si Ramona dito. Sinampal din ni Ramona si Luchris at tinulak “Satin dalawa! Ikaw ang mas walang kwenta!” sigaw ni Ramona.
Paalis na sana si Ramona sa harap nito nang hablutin ni Luchris ang buhok nito.
“Handa ka na ba mawala? Manahimik ka Ramona! Dahil satin dalawa? Ako ang mas masama!” bulong ni Luchris kay Ramona at saka tinulak ito.
“Kailan ba matatapos yung away niyo?” ani Paulina.
“Paulina! Pumasok ka na sa kwarto mo!” Pagsaway ni Luchris kay Paulina.
“Dad? Kampon ka ba ni Satanas? Babalik nalang ako dito kapag bumalik na si ate Vecka!” ani Paulina.
“Maglalayas ka? Kaya mo na sarili mo? Go! ‘Yan ang gusto ko!” ani Luchris.
“Bakit? Dad? Kahit kailan ba nagkaron ka ng pake sakin! Simula nung nawala si Mommy! Wala ka na rin pakeelam sakin! Makasarili ka! Sarili mo lang yung inaatupag mo! Wala ka bang anak?” Mangiyak-iyak na sabi ni Paulina.
“Paulina.. back to your room! Now!” sigaw ni Luchris dito.
“Maglalayas ang anak mo! Tapos ganyan pa rin ang asta mo? Hindi ginawa ni Dad ‘yan samin! at hindi rin ginawa ni Papa ‘yan sayo!” natatawang sabi ni Ramona.
“Ramona? Ikaw lang naman yung hindi naging matinong anak sa magulang mo! Lahat gumawa nang mabuti sayo! Pati si ate Vecka! Pero anong ginawa mo? Naging demonyo ka sa kanya! Kaya maglalayas na muna ako! kaysa mga demonyo yung kasama ko sa bahay! Magsama-sama kayo!” galit na sabi ni Paulina bago ito lumabas.
“PAULINA!! BUMALIK KA!! BUMALIK KA!!” pag-awat ni Luchris dito. Pero hindi ito pinansin ni Paulina.
“Hayaan mo muna siyang mag-isa! Paano naman kase makakapag-relax ang anak mo dito? Ehh kada uuwi ka nalang magwawala ka? Puro galit kay Vecka ang inaano mo! Wala ka na ngang asawa, mawawalan ka pa nang anak dahil sa pinaggagawa mo!” Sermon ni Rosana dito.
“Ikaw! Ramona? Bakit hindi ka pa magpahinga? Bakit nakikisali ka pa sa katarantaduhan ng Tito mo? Tsaka bakit nag-aaway kayong dalawa? Akala ko ba magkakampi kayo?” ani Rosana. “Napag-uusapan kase ang problema!” dagdag ni Rosana, bumalik na ito sa kwarto niya pati si Ramona at si Luchris nalang ang naiwan sa sala.
“Hahaha (Laugh Maniacally) Wala ka lang sigurong pera kaya ganyan ka ngayon Rosana,” bulong ni Luchris.
“Humanda ka sakin Vecka! Pati ang anak ko inaagaw mong hayop ka! Magkikita tayo bukas!” ani Luchris.