CHAPTER 2: Tamara Montañez

1321 Words
Nagtungo si Casen sa isang cafe malapit sa mini bar na pinuntahan nila ni Monique. Mabuti na lang at saktong labas ng mga staff. Agad siyang namataan ng kalaban. "Manager, salamat sa concern pero hindi na kita aabalahin. Dumating na 'yong sundo ko. Ingat kayo sa pag-uwi.” Kailan pa ako naging tagasundo niya? Tsk. Nakangiting nagpaalam si Tamara sa mga katrabaho at bumaling kay Casen. "Bakit ka nandito? Namiss mo ko?" kumpiyansang bungad nito habang magkasaklob ang dalawang baraso. "Did I?" Ginaya rin niya ang pose ng kaharap. "Ang alam ko tahimik ang buhay ko no'ng mga nakaraang araw kaya malabong mangyari 'yan." "Yeah… yeah kailan mo ba 'ko na-miss." What— Tama ba ang narinig niya? He can't help but let out a chuckle. He moved a little closer and met her at eye level. "Don't act cute, it's gross." Pero imbes na mainis ay taas-noo nitong inilagay ang kamay sa pisngi sabay sabi nang... "I don't act cute, I'm born cute." Never have I met someone as shameless as her. And she wants me to date this lunatic? No way in hell. "Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo Sir? Sarado na kasi ang coffee shop namin. O baka naman—" Saglit na tumigil ito at mapanghinalang tumingin sa kaniya. "—pumunta ka rito dahil na-guilty ka at napag-isipan mo nang humingi ng tawad. 'Wag ka ng mahiya. Let me hear it." So she's still at it. Akala niya ay nakalimutan na nito ang nangyari. Noong nakaraang linggo kasi ay nagkaroon sila ng pagtatalo. Nagsimula iyon sa team research project nila kung saan parehas silang na-kick out sa group. Sa katunayan hindi naman ito naalis. Ito ang nagkusang umalis dahil sa kanya— kaya siya nagalit. She stood up for him in front of their senior, with whom he had a long-standing feud. She made a lot of contribution to the group, but she was a fool to leave. He just doesn't get her. Ngayon balik sila sa simula at sa isang linggo na ang pasahan. Napabuntong hininga na lang siya nang maalala na marami pa nga pala siyang gagawin. "Fine, I'm sorry. Pero huwag mo nang ulitin next time. Kung hindi mo sana ako tinulungan, hindi mo kailangang umalis sa grupo. Aren't you going to blame me?" Sumimangot ito. "Why would I even defend you if I'm going to blame you? You idiot." "Who's more idiot?" "Of course, you! You're still frustatingly clueless. Kung wala ka ng importanteng sasabihin, mauna na 'ko." Wow. Usually, hindi siya tinatantanan ni Tamara hangga't hindi umuusok ang kanyang ilong at bunbunan. Weird. Sinundan niya ito. "Bakit hindi ka sumakay ng taxi?" tanong ni Casen. "Why are you tailing me, you stalker." "Excuse me, hindi ikaw ang may-ari ng daan." "Mukhang nakainom ka. Bakit hindi ikaw ang sumakay ng taxi at umuwi na." "I have something to give you. Turn around." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "Miss your precious wallet?" Agad na hinalungkat nito ang loob ng bag at nang hindi makita ang hinahanap ay bumalik ang tingin sa kanya. "Thank you.” Aktong aabutin nito ang pitaka nang itaas niya bigla. Intensyon lang naman niyang mang-asar. "How childish,” anito na may kasamang pag-irap. "Sayo ko natutunan, salamat." "Ibigay mo na 'yan, hindi kita papatulan." "Ah gano'n ba?" Umakto siyang ishu-shoot ang wallet sa basurahan nang kuwelyuhan siya bigla ni Tamara. "Chill," natatawang pag-surrender niya. "I-delete mo lahat ng pictures ko sa cellphone mo, at ibabalik ko 'to sa 'yo." "Okay, 'yon lang ba?" Hindi siya makapaniwala na ganoon kadaling pumayag si Tamara. She always has something inside her sleeves. Should he trust her? Bigla na lang nag-flashback sa kanya kung paano siya na-blackmail nito gamit ang mga kaawa-awa niyang litrato noon. Pinangilabutan si Casen hanggang spinal cord. Kasalanan talaga nito kung bakit siya may trust issues. Gaya ng usapan nila, binura nga ni Tamara ang isang folder ng mga stolen shots niya. Kung hindi niya lang ito kilala for twenty years, baka inakusahan na niyang stalker ang babae. "Quits?" poker face na sabi nito. "Why do I have so much picture in your gallery, you creep." "Ayaw mo no'n you make me smile every day." "Psychopath." "Thank you." "Kung iwawala mo ang wallet mo, sa susunod mag-iwan ka ng pera sa bulsa. Kahit hindi ka ugaling babae, delikado pa rin ang maglakad sa gabi nang mag-isa. At isa pa 'wag kang basta-bastang magtitiwala sa mga lalaki. Ilang buwan mo pa lang kilala ang manager mo pero sasakay ka na agad sa kotse niya, paano kung may masamang mangyari sayo?" sermon niya bago iabot dito ang wallet. Even though he hates this girl, she is someone he has known for a long time. "Worried?" She smiled at him like she didn't even take his words seriously. "I'm criticizing you." "Fine. Alam ko namang pakipot ka. By the way thanks." "Kay Monique ka magpasalamat siya ang nakapulot niyan. I'm only doing her a favor." "Oh, your Maria." "Monique ang pangalan niya." "Okay, give my regards to your Maria. Come here." Awtomatikong humakbang paatras ang paa ni Casen, sigurado siyang may niluluto na naman itong kapilyahan. "Bakit nanamutla ka? Wala naman akong gagawing masama. Ayaw mo ba ng tip?" pa-inosenteng palusot nito. "Sa tono nang pagsasalita mo halata ngang may gagawin kang masama. Umuwi ka na at magbagong buhay." Tatalikuran na sana niya si Tamara nang hindi niya napansing isang sentimetro na lang ang layo nila sa isat-isa. At ang sunod na lang niyang namalayan ay ang pagdampi ng malambot nitong labi sa kanyang pisngi. "The hell are you doing—you gone nuts?" Agad na lumayo siya nang mabalik sa wisyo. His cheeks were flushed, and his heart continued to pound incessantly. Is this what they called an allergic reaction? Agad niyang kiniskis ang pisnging hinalikan ng kaaway. "Kinilig ka ba? Pakibigay na lang ng regalo ko sa minamahal mong kaibigan, but no pressure, it's up to you if you'll give or keep it." May nagawa ba siyang malaking kasalanan no'ng past life niya kaya ngayon siya binabalikan ng karma. Para siyang bolang pinaikot-ikot sa palad ni Tamara, sagad na ang pasensya niya sa mga laro nito. Since she likes to play dirty tricks, should he give her a taste of her own medicine? Hinila niya ang babae at kinapitan sa baywang. "You call that a kiss? Ano ka elementary?" He gave her a domineering look to scare her but he just wasted his energy because she rather looks excited. Kung bigwasan na lang kaya niya ang isang 'to? Imbes na ma-akward sa sitwasyon ay inilapit pa ni Tamara ang mukha at niyakap siya sa leeg. "Ah, gusto mo siyang i-kiss lips to lips. Fine, we can practice." Parang namanhid ang kaluluwa niya sa biglaang pagdikit ng kanilang mga katawan. Kahit pakiramdam niya ay naestatwa siya ay pinilit niyang ilayo ang sarili mula sa palapit na temptasyon. Totoo ngang ang alak ay isang uri ng lason na dedemonyo sa inosente niyang pagkatao. Inihara niya ang kamay sa mukha nito bago pa man maglapat ang tungki ng kanilang mga ilong. "Did you just lose your brain or what?" "Ang sabihin mo duwag ka lang." Inalis ni Tamara ang pagkakapulupot sa kanya. "Wala ka bang sense of danger? Kung ibang lalaki ang kaharap mo napahamak ka na." "Sa palagay mo ba makakalapit sa 'kin ang ibang lalaki? Sa susunod na gawin mo ulit iyon hindi ka na makakatakas." "Kahit mangarap ka wala ng next time." "Sure ka?" Bago pa siya mawalan ng bait sa mapanlokong ngiti nito ay tinalikuran na niya ang dalaga. Pero sadyang makulit ang lahi ng hunghang at may huling hirit pa. "AYAW MO NG GOODBYE KISS?" Does she even feel embarrassed? Napabuntong hininga na lang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Naubusan na siya ng enerhiya para makipagtalo rito. "Hoy sandali lang naman. Iiwan mo talaga ako rito." Sometimes I wish I don't know her...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD