bc

My Lovable Enemy (#CODY)

book_age12+
104
FOLLOW
1K
READ
dare to love and hate
comedy
sweet
bxg
lighthearted
campus
enimies to lovers
friendship
slice of life
seductive
like
intro-logo
Blurb

"Friend-zone", 'yan ang estado ng buhay pag-ibig ni Casen. Siya iyon tipong laging kadamay sa kasiyahan at kalungkutan, kainuman sa oras ng problema pero never naging the one sa puso ng kaibigan niyang si Monique. Alam naman niyang manhid ito pero ang hindi niya matanggap ay 'yong naakusahan pa siyang may gusto sa mortal niyang kaaway! Tamara Montañez, ang babaeng abnormal na hindi niya alam kung anong trip sa buhay. Kahit bigyan pa siya ng isang milyon ay hinding-hindi niya papatulan ito. Pero sabi nga nila huwag kang magsasalita ng tapos...

Will he still be able to keep his word after her lovable enemy starts to bewitch him?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: 'A Friend'
Pasado alas-otso na ng gabi at kaunting kaunti na lang talaga dudugo na ang tainga ni Casen pero hindi pa rin matigil sa kangangawa ang kaibigan niyang si Monique. Ilang tissue na ba ang nagamit nito sa kasisinga? At ang malala pa sa lahat ay pinagtitinginan na rin sila ng maraming tao. “Tumahan ka na, Monique. Parang awa mo na, nagmumukha na tayong may sira dito.” "Sabihin mo nga, Casen, pangit ba ako?” Nagulat siya sa biglaang tanong nito. Sa tanan ng kanyang buhay ngayon lang siya nakaranas ng ganitong kakumplikadong sitwasyon. Hari siya ng pagiging savage pero sa pagkakataong iyon parang ayaw niyang matikman ang kamao ni Majin Buu. Mukhang dito na ata masusukat ang kanilang pagkakaibigan. "Pangit ba ko?" ulit nito. Napakamot na lang siya sa ulo. Hindi niya alam kung saan ba siya huhugot ng isasagot. "Ah eh--" "Sumagot ka naman, Casen. Kaibigan ba kita?!” "Baka naman kasi hindi ka lang talaga niya type. Bakit ba pinahihirapan mo ang sarili mo sa lalaking hindi ka naman gusto?" Nandito naman kasi ako, tumitingin ka pa sa iba. Kung tutuusin pasado naman sa standard ng lipunan ang kanyang kagwapuhan, pero sa paningin nito isa lamang siyang palaka sa wishing well na kailanman ay hindi matatapunan ng pansin. "Hindi mo naman sinagot 'yon tanong ko. Gano'n ba talaga ako kapangit?" "Gusto mo talagang malaman? Nakapende 'yan sa taong tumitingin. Kaya hindi ikaw ang problema, mata niya ang may problema." "In short, hindi nga ako attractive. Hay, kung sana kasing ganda lang ako ni Tamara, siguradong matagal na niya akong niligawan.” "Kaya nga hindi ka niya nililigawan hindi ka si Tamar—aray!" Napahawak na lang siya sa ulo niyang nabatukan. "Minsan talaga nagtataka ako kung kaibigan ba talaga kita, moral support ang kailangan ko!" "Sinasabi ko lang ang katotohanan. No hard feelings," taas kamay niyang pagdepensa sa sarili. "At hindi lahat ng tao tumitingin sa panlabas na anyo." Katulad ko. Para sa kanya hindi man ito kasingganda ni Tamara, 100% mas normal naman ito sa babaeng iyon. And speaking of that cunning woman, they haven't spoken to each other since last week. Why do these human beings keep bothering him? D*mn. "Hey, can you ask Clyde what he thinks of me?” "Nalimutan mo na ba no'ng high school tayo? Award-winning pa nga 'yong tula niya para sa 'yo —O Monique isa kang tunay na kaibigan. O kaibigan ko~ kaibigan kong maaasahan," pagtula niya na may halong pang-aasar. He was trying to liven the mood but sadly she didn't buy it. "You and your damn friend, ang sarap niyong sapakin. Bakit ba kayo gan'yan?" Napasobra ata ang pagbibiro niya at mukhang patulo na naman ang luha at uhog nito. Agad na humila siya ng tissue at ibinigay sa babae. "Bakit napakamanhid niya? Almost five years na akong nagbibigay motibo, bakit hindi niya pa rin maramdaman na mahal ko siya? 'Di ba niya nahahalatang matagal na kaming friendship over. Pinagdasal ko na sa lahat ng santo na sana isang araw ma-realize niya na babae rin ako at panain siya ni kupido. Ano pa bang orasyon ang gagawin ko, Casen?" anito na may kasamang singa. Inabutan niya ulit ng tissue. "Orasyon huh, balak mo bang sumali sa kulto? Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng 'yan kung binubuksan mo lang ang mga mata mo, Monique." "What do you mean?" naguguluhang tanong nito at bumaling sa kanya. He paused, contemplating if he should say it or not. But what if, this is his opportunity? Tiningnan niya ito mata sa mata, nininerbyos na lumagok ng laway. "Si Clyde lang ba ang lalaki sa mundo? Can't you see this handsome man in front of you?" "What—?" 'Yong kaninang paluha nitong itsura unti-unting napalitan nang ngiwi na humantong sa pagtawa at may kasama pang pagpalo sa lamesa. Napa-'sinasabi ko na nga ba' look na lang si Casen habang pinapanuod si Monique. Atleast napasaya naman niya ang babae kahit duguan ang puso niya. Sino ba naman kasing may sabing smooth like butter ang pagko-confess? Mukhang hindi ata angkop ang napili niyang pickup line. He was too embarrassed to continue. So it was this hard... "Sobrang nakakatawa to the point na parang gusto na kitang batuhin nitong bote ng beer,” anito habang walang humpay pa rin ang pagtawa. I really shouldn't have opened my mouth. Nagsalin na lang siya ng alak sa baso to console his broken heart. "Maraming salamat, my handsome friend. Sandali kong nakalimutan ang mokong na si Clyde pero sana abisuhan mo naman ako next time. I'm shookt." That pathetic title called 'friend'. Hindi pa siya nakakapagtapat, may resulta na agad. And how can she laugh when he's dying inside? "I won't do it again so stop laughing." Tumawa uli ito. "Ano ba kasing naisipan mo, Casen? "I said stop already." "Okay, hindi na. By the way, muntikan ko nang makalimutan. Close kayo ni Tamara 'di ba?" Parang gusto niyang humagalpak ng tawa sa narinig. Kailan pa sila naging close ng babaeng 'yon? "Whoah… saan mo naman napulot ang chismis na ‘yan ha?" "Bakit hindi ba? Magkababata kayo, at magkaibigan ang mga magulang niyo. Kahit nag-aaway kayo mukha naman kayong close. O baka naman na-develop ka na sa kanya kaya tinatanggi mo?” Nakakatakot ang mga naninipat na tingin ni Monique na para bang kahit anong sabihin niya ay paniniwalaan pa rin nito ang sarili. “Kung tutuusin, in terms of looks, bagay kayo. Bakit hindi mo na lang kaya siya ligawan para mabawasan ang mga kaagaw ko kay Clyde?” Ligawan si Tamara? Nagpapatawa ba ito? Isang malaking kahimangan ang ideyang iyon. At kahit pa bayaran siya ng isang milyon, hindi niya papatulan ang isang iyon! "Family acquaintance, classmate, former neighbor pumili ka na lang kung anong gusto mong description ng relasyon namin." "Haist...there's no use talking to you. Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend eh.” It's because I like you, you idiot. “Anyway, dahil magkakilala naman kayo pakiabot na lang ito sa kanya.” May kinuha sa bag si Monique at inabot sa kanya. "No way… wow.” “Nagkasalubong kami sa C.R. kanina. Mukhang nagmamadali siyang umalis kaya siguro nawala sa isip niya. Naka-engrave ang pangalan niya kaya panigurado akong kanya 'yan." Hindi siya mapakapaniwala na ang almost perfect na si Tamara Montañez nakalimutan ang kanyang wallet. I should gift her memo plus gold. "Okay ka lang?" taas kilay na tanong ni Monique na tila ba nawiwirduhan sa mala-joker na ngiti ni Casen. Tumingin siya sa suot na relo. Malapit nang mag-alasnueve ng gabi, kung aalis siya ngayon maabutan pa niya si Tamara sa café. "Rest assured I'll give it to her,” wika niya sabay sakbit ng bag sa likod. Nagkaroon rin siya ng dahilan para yayain na itong umuwi. "It's already late. Umuwi na tayo." Hinihintay na lang niyang tumayo ang kasama pero ni hindi ito kumibo sa kinauupuan bagkus ay nagsalin pa ng alak. "Plano mo bang magpakalasing hanggang umaga?" "So what tomorrow is Saturday. I'm gonna drink 'til I'm wasted," malakas ang loob na sabi nito sabay shot ng beer. Isang thumbs up lang ang binigay niya kay Monique at dumiretso na sa pintuan. "Hoy Casen Odell Ybarra... traydor ka… saan ka pupunta... walwal kung walwal… iiwan mo talaga ako ditong mag-isa!" Buti na lang iilan lang ang customer ng mga oras na 'yon kung hindi baka sumikat na sila sa social media. At sikat na rin sana ang buo niyang pangalan. Napabuntong hininga na lang siya sa kahihiyang kinakaharap at 'di na nilingon ang kaibigan sigurado naman siyang kusa rin itong susunod palabas. "I HATE YOU!" at tama nga siya. "Who are you? I don't know you," biro niya at mabilis na umiwas sa pagwasiwas ng bag ng dalaga. "You should spare some mercy to your friends sometimes.” Bilib din siya sa sarili dahil sa tiyaga niyang maging caretaker. Siguro kung nasa loob sila ng isang drama, nasungkit na niya ang best second male lead award. Siya 'yong character na consistent mabait hanggang huli pero never pinili. Kulang na lang sabitan siya ng medalya. Tinawagan niya si Clyde para ihatid si Monique. Mahirap nang iwan itong mag-isa sa taxi lalo pa't lunod sa alak. Mabuti na lang nasa kabilang kanto lang ang ungas kaya mabilis din itong nakarating sa kinaroroonan nila. "Why did you call him?" pasikretong bulong ni Monique kay Casen. "I'm playing cupid. Wala bang thanks?" Inis na pinagpapalo siya ng babae. "Wow, hindi ako imbitado? Nasaan ako do'n sa friends forever." "Ikaw ‘yong forever." Tinulak niya si Monique papunta kay Clyde. "Bahala ka na sa isang yan." "Tekalang— wala bang second round kasama ako. Hoy Casen, saan ka pupunta?" "Somewhere to fix my broken heart." Napa-'huh' na lang ang clueless na si Clyde. Tinalikuran na niya ang dalawa bago pa humaba ang usapan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook