Halos kalahating oras nang nag-aabang si Casen sa labas ng apartment ni Tamara ay hindi pa rin ito lumalabas. Napasandal na lang siya sa dalang kotse. "Hindi na naman niya kailangan magpaganda dahil maganda na siya." There's no need to deny it. Sa mata ng buong university nila ay isa itong dyosa kaya hindi iyon sariling opinyon kung hindi katotohanan. Sa araw na iyon itinakda ang class reunion nila. Ilang oras ang biyahe papunta sa lugar kaya inagapan niya ang pagsundo sa kasama. Tuluyan na siyang nainip kaya napagdesisyunan niyang puntahan na si Tamara sa unit nito. "Ahem..." Umubo-ubo muna siya para iklaro ang boses. Pinag-iisipan niya kung paano ito babatiin. Should I scold her or not? Sa loob ng apat na taon, unang beses iyon na tatapak muli si Tamara sa lugar na kinalakih

